The Forbidden Desires 48

64K 1.5K 204
                                    

(TFD) Chapter 48




"Where are you going, Athena?"

Naudlot ang pagtakbo ko palabas dahil sa boses ni Grandpa. Sunod sunod kasi ang araw na ganitong oras ako umaalis. Binawalan ako ni Silas na huwag araw arawin ang punta pero hindi naman ako makatiis kahit pa sinabi niyang siya ang gagawa ng paraan para magkita kaming dalawa.

"Mangangabayo po, Grandpa."

Kumunot ang noo niya at tinitigan ako ng matagal. Napalunok ako at kinabahan. Tila ini-scan niya hindi lang ang suot ko pati na rin ang nararamdaman ko.

"Mangangabayo na ganyan ang suot mo?"

Bumaba ang tingin ko sa aking suot na damit. Nakasuot ako ng puting dress ngayon na aabot sa ilalim ng tuhod ko at puting strap sandals ang sapin sa paa. Nasa kanan na kamay ko ang sun straw hat na gagawin kong panlaban sa init mamaya. Naitago ko sa likuran ang dala na sumbrero at hinintay ang sasabihin ni Granpa.

"Hindi ka ba masisilipan diyan sa suot mo?"

Ngumiti ako at umiling, nabawasan ang kaba.

"Nakasuot po ako ng short, Grandpa."

Huminga siya ng malalim at marahang tumango. Binuksan niyang muli ang hawak niya na diyaryo na isinara niya kanina nang makita ako.

"Huwag ka na magpagabi. Bago ang mga bantay mo ngayon. Pinalitan sila ng agency na kinuhanan ko."

"Opo," sabay diretso palabas bago pa ako pagmasdan ulit ni Grandpa at may mahalata.

Pagkalabas ko, bago nga ang mga naroon. Tatlo pa rin sila pero hindi na 'yung mga bantay ko kahapon. Katulad dati ay sumakay ako kay Avery para puntahan ang mga nagsasaka. Para puntahan si Silas.

Malayo pa lang ako, natanaw ko na siyang nakasandal sa puno at inaabangan ako. Napatayo siya ng maayos nang makita ang pagdating namin ni Avery. Malalim ang titig niya at walang kahit anong takip sa mukha.

Hinila ko ang tali ni Avery para tumigil sa pagtakbo bago pa tuluyang makalapit sa kanya. Kinabahan ako bigla at tinanaw ang papalapit na ring sasakyan ng mga bantay ko.

Ano bang ginagawa niya?! Bakit hindi niya itinatago ang sarili niya?!

Tiningnan ko siya ng masama. Hindi yata siya nakuha sa tingin ko dahil tinaasan niya lang ako ng kilay at lumapit pa kung saan ako huminto.

"What are you doing? Nandiyan ang mga bantay ko!" Mariin na bulong ko dahil narinig ko na ang sasakyan na tumabi kay Avery.

Sinilip sila ni Silas kaya lalo akong nataranta. Halos ipasipa ko siya kay Avery para lumayo siya. Sumimangot ako at pinanlakihan siya ng mga mata na tinawanan niya lang.

"That's fine. I know them."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya at muling tiningnan ang mga bantay. Ngayon ko lang sila natitigan. Matangkad ang tatlo at ang isa ay kulay green pa ang buhok.

They are wearing bodyguard's three piece suit uniform. Nakakulay itim silang lahat at may necktie pa. Nagreklamo ang isang naiinitan, lumalabas ang malalim na dimples nito dahil sa pagngiwi niya habang niluluwagan ang necktie na parang hindi na siya makahinga.

"Damn it, Silas! Pasalamat ka may atraso ako sa 'yo!" Angal noong may dimple na tinawanan ng isang lalaki na kabababa lang ng sasakyan.

He stared at me like he's hypnotizing me with his smooth fair skin and deep set dark brown eyes. Bahagyang lumiit ang mga mata niya at nagsalubong ang kilay dahil nasisilaw sa araw. Ang haba ng kanyang pilik mata at kulay dark chocolate brown rin ang buhok at kilay.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now