The Forbidden Desires 18

88.8K 1.9K 158
                                    

(TFD) Chapter 18

"Ate Laura!"

Patakbo akong lumapit. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa pagtawag ko. Nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang kailangan ko.

"Athena! May kailangan ka?" Nakangiti na tanong niya.

Hawak ko ang isang litrato. Dalawang babae at isang lalaki ang nandoon.

"Kuya mo ba siya?" Turo ko sa lalaki na nasa litrato.

Inagaw niya iyon sa aking kamay at tiningnan. Napangisi siya at napatingin sa paligid. Tumigil ang tingin niya sa madilim na parte ng mansion at ibinalik ang tingin sa akin.

"Oo. Gusto mo siyang makilala?"

"Sana... Kaya lang palagi siyang wala rito!" Nakalabi na reklamo ko at pinaglaruan ang ribbon sa suot ko na puting dress.

Gusto kong makilala ang lahat ng kamag-anak namin at gusto ko ring maging malapit sa kanila. Isa na lang ang hindi ko nakikilala. Kilala ko siya sa mga litrato at kwento pero hindi ko pa siya kilala dahil hindi pa kami nagkikita sa personal.

"Kasama namin siya kapag nagpupunta rito. Pinapalapit siya sa 'yo ng mga matatanda pero ayaw niya."

"Nandito siya?" Nagulat ako at nasabik. "Bakit hindi ko po siya nakikita? Bakit ayaw niya?"

"Hanapin mo na lang. Nandiyan lang iyon sa tabi-tabi," natatawa na sabi niya at umalis para makihalubilo sa ibang mga bata na kamag-anak namin.

Umikot ako at sinuyod ang pinagdausan ng salo-salo sa mansion pero hindi ko siya nakita. Maging ang mga bisita sa bawat lamesa'y dinaanan ko ngunit wala talaga. Nagbuntong-hininga ako at malungkot na naupo malapit sa anghel na fountain.

Kung totoo na kasama siya nila Ate Laura sa tuwing narito sila at pinapalapit sa akin ng mga matatanda, bakit ayaw niyang magpakita?

Mula sa pagbubunot ng mga damo'y mabilis nalipat ang tingin ko sa likod ng puno na malapit sa kinauupuan ko. May gumalaw doon at nagtago.

"Sino iyan?" Sigaw ko at dahan-dahan na tumatayo.

Mayroon ulit gumalaw kaya binilisan ko ang paglapit. Hinubad ko pa ang suot ko na sapatos at walang ingay na naglakad. Nang malapit na sa puno, mabilis ang kilos ko na umikot. Bumulaga sa akin ang isang lalaki na nagulat sa aking ginawa. Napaatras siya ng isang beses at bahagyang nanlaki ang mga mata. Matangkad siya at tingin ko'y matanda sa akin ng ilang taon. Madilim sa pwesto niya kaya lalo akong lumapit. Napa-atras ulit siya nang naging sunod-sunod at sabik ang hakbang ko nang makilala ko kung sino siya.

"Kuya Silvanus?!" Masaya na tawag ko.

Ang gulat na mata niya ay nabahiran ng irita. Nakangiti ako at tumingkayad para lalo siyang makita sa malapitan. Nasa likuran ko ang aking mga kamay. Nakagilid ang ulo ko na pinagmamasdan siya. Magulo ang kanyang buhok at magandang lalaki.

"Silas na lang."

Masungit ang mukha niya at salubong ang kilay. Nakangiti ako na tumango.

"Kuya Silas!"

"Tss! Silas nga lang."

Galit at malamig ang boses pero hindi ako natatakot sa kanya. Mas lumuwang ang pagkakangiti ko. Nag-iwas siya ng tingin at umatras ulit para tuluyang sumandal sa puno. Masiyado akong malapit at mukhang nilalagyan niya ng distansya ang pagitan namin.

"Totoo nga ang sinabi ni Ate Laura! Nandito ka!" Masaya akong pumalakpak at bahagyang napatalon.

Ikalabing-isa na kaarawan ko at ang wish ko kanina bago hipan ang kandila na nasa cake ay sana magkita na kami at makilala ko siya.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now