The Forbidden Desire 67

57.6K 1.3K 190
                                    

(TFD) Chapter 67




Nagmistulang escort namin ang mga military aircraft na kasabay namin lumipad. Nagamot na ang sugat ni Silas ngunit hindi pa niya maigalaw ng maayos ang braso niya. Mabuti na lang at daplis lang. Natakot lang ako kanina dahil maraming dugo ang humalo sa tubig nang mabaril siya.

Kahit maingay ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Naka-unan ako sa walang sugat na braso ni Silas. Tulog rin siya at nakapag-pahinga na kahit sandali. Sabay lang kaming nagising nang lumapag ang chopper sa isla. Hindi naging hadlang ang sugat niya sa isang kamay para maalalayan akong bumaba.

Mayroon isang chopper na kasabayan naming lumapag. Kasama iyon sa mga pumunta at tumulong na makuha si Silas. May lalaking lumapit kay Silas mula roon na kakaiba ang kulay ng mga mata. Napatitig ako dahil naghahalo ang amber at kulay lila roon. Aakalain na contact lens kung hindi matititigan ng mabuti.

"Lucas," ngisi ni Silas nang tapikin siya nito sa balikat.

Maamo ang mukha ng lalaki nang nginitian ako. Ang babaeng kasama nito na bumaba sa chopper ay nanatili sa malayo. Litaw ang pusod nito sa ripped denim short at hanging blouse na suot. Nakahalukipkip at pinagmamasdan ang mga kuko. Sinilip ni Silas ang babae at muling hinarap si Lucas.

"Kasama mo pala si Lucienne."

Mahinang natawa ang lalaki at nagkamot ng batok habang tinatanaw ang babae na masungit na nakahalukipkip.

"Ayaw talagang magpa-iwan kaya isinama ko na."

Tumakbo si Elle palapit nang makita kami. Nasa likuran nito si Kade na sinigawan itong magdahan-dahan. Nakasuot siya ng off shoulder na bohemian dress. May mahabang slit sa kaliwang hita at flat na string sandals ang sapin sa mga paa. Pinagmasdan ko ang tiyan niya na hindi pa halata dahil ang huli kong balita ay buntis siya.

"Kumusta? Okay ka lang?" May pag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako at tumango.

Binalingan niya si Silas at saglit na kinumusta. Nag-usap sila sandali hanggang sa dumating ang lahat ng kaibigan ni Silas. Iyong babae na malayo kanina ay sinundo ni Lucas para lumapit. Tumabi ito kay Elle. Napangiti ako nang ngitian niya kaming pareho. Ang akala ko kanina masungit siya. Nakahalukipkip kasi ulit siya at nakataas ang kilay.

Kilala ko na ang mga kaibigan niyang nandito. Narito rin 'yung professor noon sa eskwelahan ko. Sumilip pa ako sa likuran sa pag-aakalang kasama niya rin ang girlfriend niya pero mukhang wala. Walang kasamang babae ang lahat maliban kina Kade at Lucas.

"Come on! Tour kita!" Si Elle at hinawakan ako sa braso.

Hinarap niya si Lucienne at sinabi na sumama na rin para hayaan makapag-usap ang mga lalaki. Seryoso na kasi ang mga pinag-uusapan nila. Nakita ko ring lumapit ang tinawag niyang Heneral. Tinapik siya nito sa balikat at nagkakayayaan na ring tumungo sila sa isang kwarto para mapag-usapan daw ang plano.

Sa beach kami napunta. Malawak iyon. Pino at puti ang buhangin. Ganoon din na sobrang linaw ng tubig. Makikita ang ilalim ng tubig kahit nandito. Kahit kita'y alam ko na malalim iyon. Kumikinang ang dagat dahil sa pagtama ng araw at parang nang-aakit at nang-eenganyo na maligo sa kahit sinong tao na dadaan.

Marami ang sun lounger na naroon. Mayroon mga bubong na puti at pabilog. Sa ilalim ng bubong at tabi ng sun lounger ay mayroon mga maliliit na mesa. Mayroon ding mga sofa sa likuran ng sun lounger. Siguro para sa mga gustong maligo at magbilad ang mga sun lounger at ang mga sofa na mayroon mesa at bubong ay para sa mga gusto lang tumambay at magpahangin.

"Walang tao?" Kunot noong tanong ko.

Ang lawak kasi ng lugar na ito. Ni hindi ko matanaw ang dulo pero walang tao. Ang linis at walang tao kung hindi kaming tatlo lang.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now