The Forbidden Desires 04

109K 2.4K 167
                                    

(TFD) Chapter 04




I tied my hair in a messy bun while typing my report on my laptop. Bakasyon ngayon pero nag-iwan si Mrs. Monte ng mga gagawin ko na makakatulong para sa susunod na pasukan.

Umikot ang silya na kinauupuan ko dahil sa gulat nang biglaan na bumukas ang pintuan sa kwarto ko. Napatayo ako nang makita si Silas na pumasok at walang suot sa pang-itaas na damit. I couldn't help but to stare at his body. His hair was damp as his toned stomach with eight pack abs shone because of sweat.

May pag-iingat akong tumayo at lumapit sa kanya. Kahit hindi ako nakapag-lock ng pinto sana hindi siya basta basta pumapasok. I'm actually a bit childish when I was in the province but after he brought me here I become more cautious to how should I act. Nagiging maingat ako sa ipapakita na ugali dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pakiramdam ko kasi kung hindi ako aayos sa kagustuhan niya mapagsasabihan niya ako at mapapagalitan. Parang matang lawin ang mga mata niya na madalas ko mahuli na nakatanaw sa akin at naghihintay na magkamali ako.

"Would you please knock next time?" I asked with my low voice.

Wala naman akong masamang ibig sabihin pero nakitaan ko siya ng pagdilim ng mga mata.

"Why? Are you hiding something in your room?" He asked ruggedly.

Iginala niya ang mga mata niya sa kwarto ko. Tumigil iyon sa akin. Mabilis akong umiling at isinarado ang craft notebook kung nasaan ang binubuo ko na report.

"Wala naman. Nagugulat lang ako sa pagpasok mo. Hindi ako sanay na-"

"What's that?"

Nilapitan niya ang isinara ko na notebook at may pagdududang binuksan ulit iyon. Iniiwasan ko na mapatingin sa katawan niya dahil naaamoy ko ang pinaghalong amoy ng pawis at pabango niya. Nakabukas ang bintana at ang hangin mula roon ay tumatama sa katawan niya papunta sa akin.

"What's this?" Tanong niya ulit, salubong na ang mga kilay at binabasa ang nakalaman na isinulat ko.

"Report sa isang subject ko."

Binuksan ko ang dalawa pa na notebook at ipinakita ang ibang mga subjects na ginagawa ko. Hindi naman siya required pero iniwanan lang nila ako ng gagawin bago magbakasyon para may mapaglibangan ako dahil alam nila na hindi ako pinapalabas ng hacienda ni Lolo.

"You won't need it. You will study in a real school this year."

Malakas niyang isinara ang mga notebook ko at kinuha iyon sa lamesa ko. Nakaawang ang labi na napatitig ako sa kanya, nasa mga mata ko ang gulat dahil sa sinabi niya.

"Mag-aaral ako sa paaralan? Sa totoong paaralan?"

Bumaba ang tingin ko sa braso niya, gusto ko siyang hawakan habang nagtatanong pero pinigilan ko ang kamay ko dahil basa ang braso niya sa pawis. Sa malapit ay kita ang maliliit na galos sa kanyang katawan. Sa tiyan at braso ay mayroon pang bilog na peklat. Nagtagal ang tingin ko roon kaya nagbaba siya ng tingin sa katawan niya at sinundan ang mga peklat na tinitingnan ko.

"These are gunshots..."

Napasinghap ako ng mahina sa sinabi niya. Tama ng baril? Paano niya nakuha iyan?

"We will go to your school. Sasamahan kita mag-enroll."

Nakangiti ako na tumango. I have been sheltered the whole life I have existed. Hacienda-mansion lang ako. Kahit nga kapag nag-aaral, laptop lang ang kaharap ko. Mayroon akong mga pictures noong bata pa ako. Maybe I was about nine or eleven years old, but surprisingly, I don't remember what happened those times. Kung bibilangin ko, sasakto sa samping taon iyon. Ayon kay Silas ay nagkita kami sa mga panahon na iyon subalit wala siya sa aking ala-ala. Posible ba iyon? Sa edad na iyon dapat ay may naaalala ako kahit matagal na pero nakakapagtaka na wala. Para bang nabura ang lahat ng imahe sa panahon na iyon sa isipan ko. Kung maaalala ko, naroon kaya si Silas gaya ng sinabi niya?

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon