The Forbidden Desires 56

55.6K 1.3K 180
                                    

(TFD) Chapter 56



Normal lang siyang nakaupo sa hapag habang hinihintay ako. Hindi ko man lang makitaan ng konsensya sa mga mata kahit ngayong araw ay marami siyang pinapatay na mga hayop at tao.

Mayroon kumatok sa kwarto kanina. Mga katulong ngunit ang mga kasuotan ay formal. Kung hindi nakamahabang gown ay nakasuot naman ng cocktail dress. Inayos nila ang walk in closet ko at pinili ako ng maayos na damit. Puno ng mga damit, bags, at mga sapatos ang walk in closet. Nasilip ko ring nakabukod ang mga alahas. Kumpleto ang gamit na parang siguradong sigurado siya na madadala ako ng mga tauhan niya rito.

Ang mga kalalakihan ay nakasuot katulad noong unang sinalubong nila ako. They are wearing dressier. Na animo'y palaging may formal party na dadaluhan sa loob ng bahay na ito.

"Take your seat, Liviya."

Nanigas ako sa lambing ng pagtawag niya sa pangalan na hindi akin. Nakangiti siyang nagtaas ng kilay at itinuro ang upuan na nasa kabilang dulo ng lamesa sa kanyang harapan.

Nakabukod ang hapagkainan. Malawak at tahimik. Tanging gulong ng tulak tulak nilang trolley na naglalaman ng mga pagkain na ihahain ngayong gabi ang maririnig. Kahit ang pagbukas sa kulay gintong takip na nakatakip sa mga pagkain ay maingat sila at takot gumawa ng anumang tunog.

"Sit down, Liviya," ulit niya sa mas mariin na boses. Nakangiti ngunit ang mga mata'y makikitaan ng talim.

Huminga ako ng malalim at nagtungo sa itinuro niyang upuan. Ang mga katulong na babae at lalaki ay naghahain ng pagkain sa aking harapan. Nag-init ang mga mata ko. Narito ako sa hapag at maraming pagkain samantalang ang mga tao sa hacienda ay nasisiguro kong patuloy ang pagluluksa sa mga oras na ito.

Ni wala pang isang araw. Kanina lang iyon nangyari at ang bawat mga sigaw nila'y naririnig ko pa rin. Umaalingawngaw pa rin ang mga iyak at pagmamakaawa nila sa isip ko. Malinaw ko pa ring nakikita ang mga dugo at hagulgol nila.

Pumikit ako ng mariin at naikuyom ang mga kamao na nasa ibabaw ng hita. Kahit pilitin niyang isubo ko ang mga pagkain ay hindi ko ito kayang lununin. Pinapakain ako ng taong nagpa-patay sa kanila. Maisip ko pa lang iyon ay para na akong masusuka.

My own finger is pointing at me because I am the reason why a lot of innocent people die. They were killed in front of me. They are after me and they don't care whose life they take just to get me.

Pero natanto ko na hindi ko kasalanan iyon dahil wala sanang nangyaring gulo kung hindi dahil sa babaeng kaharap ko! I should have pointed my finger at her instead of at me! I should blame it all on her! Siya ang may kasalanan ng lahat dahil siya ang may kagagawan ng lahat!

"Eat," utos niya at nagsimula nang kumain.

Suminghap ako at pinagmasdan ang mga narito. Ang ilan sa mga katulong ay nakatayo sa malapit kabilang na si Leo. Siguro ay para madaling mapunan ang kailangan niya kung sakaling may gusto siyang ipagawa o ipakuha.

"Ano ang kailangan mo sa akin? Hindi mo ako kukunin dahil anak mo ako. Alam ko na kinuha mo ako dahil may kailangan ka."

Halos mapa-atras ako sa kinauupuan nang mahina siyang tumawa at mag-angat ng tingin diretso sa akin. Malaki ang hapag at magkalayo kami subalit ang mga mata niya'y nakakatakot tumingin.

Tanggpin ko man na anak niya ako'y hindi ko pa rin masisiguro na ligtas ako sa kanya at hindi niya ako kayang saktan. Sa nakita kong brutal na ginawa niya sa hacienda ay hindi magbabago ang tingin ko sa kanya at lalo pa akong mamumuhi na kung bakit siya pa ang naging ina ko kapag nagtagal.

"You no longer look as innocent as when you were twelve years old."

Suminghap ako sa sinabi niya. Lalong dumiin ang pagsara sa mga kamay. Sa sinabi niya'y sigurado na akong siya ang nag-utos noon.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now