The Forbidden Desires 41

68.6K 1.6K 175
                                    

(TFD) Chapter 41




Sa backseat ako naupo nang hinatid niya kami ni Gineth. Hindi na siya umangal at kahit kaonting imik wala siyang ginawa. Madalas ko lang siyang mahuli na nakatingin sa akin sa rear view mirror. Kapag nagkakatinginan kami, humaharap ako sa bintana.

He was very careful in his action. Kahit sa agahan hindi siya nagsasalita. Walang magsasalita kung wala si Cassiel at Gineth. Kahit kasi si Laura'y tahimik lang at pinagmamasdan ang kuya niya.

"Sa parking ko na kayo sa ibaba. Papasok ako sa loob."

Nagkatinginan kami sa salamin. Tumikhim siya bago nag-iwas. Para siyang nabalisa nang mahuling nakatingin ako. Malamang ay nabasa niya sa kunot kong noo ang tanong kung bakit papasok siya at sasama sa loob.

"Magkikita kami ng kaibigan ko..." Paliwanag niya na nakaharap kay Gineth kahit hindi siya nito tinatanong.

Last day ngayon sa school. Wala nang pasok kung hindi party na lang sa parating na pasko. He's wearing his usual military pants and black fitted shirts. Pinagtitinginan tuloy siya habang kasabay naming naglalakad. May baril kasi siya na dala at parang tumatayo na bodyguard naming dalawa ni Neth. Hindi siya nawawalan ng baril. Kung hindi niya dala'y nasa sasakyan naman.

Hinatid niya kami sa pagdadausan ng event. Marami na ang estudyante roon nang dumating kami. Maayos na rin ang mga lamesa at upuan. May mga dekorasyon sa stage at nakabasta na rin ang mga pagkain. Sa iisang lugar lang gaganapin ang christmas party ng lahat dahil may magaganap na program na para sa buong school.

"I'm going to my friend. Tell me and come to me if you need anything," he slightly touch my waist. Saglit lang iyon at pahapyaw lang habang siya'y bumubulong.

Marahan na lang akong tumango para umalis na siya. Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya umalis. Natanaw ko siyang naupo hindi kalayuan sa pwesto ko. Saglit niya lang na kinausap ang kaibigan niya. Pagkaraa'y tumayo siya at kinausap ang ilan sa mga naka-military na damit doon.

"Saan ba nagtatrabaho ang Kuya mo ngayon?"

Magkakasama kami sa table. Si Bunny ang nagtanong kay Neth no'n dahil nakita niya na kausap ni Silas ang mga unipormadong bantay dito.

"Sa U.S siya na-promote. Dito nga lang nagpatuloy. May hinahanap daw noong narinig ko na nag-uusap sila ng mga kaibigan niya-"

"Narinig mo? Ano raw ang hinahanap?"

"Isang grupo yata," nagkibit balikat si Gineth. "Hindi ko na maalala. Kapag nakikita kasi ako ni kuya na nakikinig pinapaalis ako."

"Nakakatakot ang kuya mo kapag nakasuot ng ganyang damit at may dalang baril. Nakakatakot biruin at baka mamaril..."

Si Bunny iyon. Natatakot daw pero namumula naman ang magkabilang pisngi. Takot raw pero ang itsura niya parang willing magpabaril.

"Kahit naman walang dalang baril si Kuya, nakakatakot," sabay irap si Gineth.

Nakasimangot itong nakatingin sa kuya niya. Madalas kasi siyang mapagalitan. Hindi naman siya makapagreklamo. Isang masamang tingin lang sa kanya ng kuya niya, nananakbo na siya sa taas.

"Ang layo na ng narating niya kahit ilan taon lang naman ang tanda niya sa atin. Kitang-kita sa katawan na hindi biro ang mga naging training at trabaho niya," pakikisali ni Nigel.

"Ilang taon ba nag-aral ang kuya mo? Parang ang bata pa niya para sa trabaho na ganyan," si Raff ang nagtanong pagkatabi kay Neth.

Natahimik si Gineth at napatingin sa akin. Ngumiti siya bago nagpatuloy magsalita.

"May nangyari kasi noon. Simula no'n hindi na namin siya nakikita masiyado sa bahay. Nalaman na lang namin na sumabak siya sa military training sa ibang bansa."

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon