The Forbidden Desires 14

89.6K 2.2K 762
                                    

(TFD) Chapter 14

Hindi siya bumaba sa tanghalian. Wala pa sila Lolo at Lola dahil nagpaiwan. Si Neth naman, nag-enroll din. Tinanghali siya ng gising kaya ngayon lang siya makakapunta sa school. Kung maaga siya sana naisabay na namin siya kanina. Pwede naman siyang gisingin ni Silas gaya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginawa.

"Wala kang gana?" Si Laura.

Kaming dalawa lang ang nasa hapag. Hindi ko napansin na pinaglalaruan ko na pala ang pagkain na nasa pinggan.

"Hindi naman... May...gana naman..."

Hindi ko alam kung paano sasagot. Maliit na lang akong ngumiti kay Laura at nagpatuloy sa pagkain. Nakakahiya kung iiwan ko siya sa hapag at sasabihin na wala akong gana. Nakikitira na nga lang ako mag-iinarte pa ba ako sa pagkain? Sa tuwing susubo ako, napapatingin ako sa pintuan ng kusina. Inaabangan ko kung papasok ba si Silas kahit wala naman akong naririnig na bumababa sa hagdan.

"Nakapag-enroll ka na?"

Uminom ako ng tubig at tumango, napapasulyap pa rin sa pintuan ng hapagkainan.

"Oo, sinamahan ako ni Silas."

Ngumiti rin siya at napatingin sa pinto. Napansin na siguro ang madalas na pagsulyap ko roon.

"Are you waiting for kuya?"

Nagulat ako sa walang pakundangan na tanong niya. Nanlaki saglit ang mata ko bago nabawi ang sarili. Nagrigudon din ang puso ko. Pakiramdam ko mayroon siyang nahuli na ginawa kong masama.

"He's not here. Lumabas..." Tumawa siya.

"Ah..." sabi ko na lang sabay tango, kunwari walang pakialam pero iniisip ko na kung saan kaya siya nagpunta.

Naglilinis ako ng mga kinainan nang makarinig kami ng sasakyan na dumating sa labas. Nakiramdam ako nang makarinig ako ng tawa ng babae. Kilala ko na kaagad kung sino. Si Penny.

Taga rito lang sa village nila. May gusto raw kay Silas. She's calling him Kuya before and Silas let her. But maybe, because they have something now, so she eventually stop calling him kuya and just call him by his name.

Siya 'yung isang babae na panay ang yakap kay Silas pero hindi naman niya sinisigawan. Tumabang ang pakiramdam ko nang marinig din ang boses ni Silas. Magkasama sila? Saan sila nagpunta? Nag-date?

Dumiin ang pagkuskos ko sa mga pinggan dahil sa naiisip. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito. Ano ba ang nangyayari sa akin? Pumikit ako ng mariin at sa mga pinggan ipinokus ang atensyon.

"Oh! Penny? Kanina ka pa?" Si Neth na kararating lang.

"Oo!" Sagot nito. "Kasama ko ang kuya mo!"

Nasulyapan ko na malaki ang ngisi ng babae. Wala si Silas sa kusina. Siguro'y umakyat sa kwarto niya.

"Wow! Bakit? Kayo na ba?"

Natitigilancako sa pagbanlaw ng pinggan sa tanong ni Neth. Nasa pinag-uusapan nila ang dalawang tainga ko.

"Secret!" Humagikgik si Penny.

Nag-init ang mga mata ko sa hindi maintindihan na dahilan. Pakiramdam ko may laman ang sagot niya kay Neth. Kapag magkasama ang babae at lalaki ano ba ang madalas na ginagawa nila? May mga nabasa na ako at nanunuod din kaya kahit wala akong masiyadong nakakausap tungkol sa mga ganyan hindi naman ako inosente pagdating doon.

Mabilis kong tinapos ang paglilinis ng pinggan at umakyat sa itaas. Tinitigan ko ang pinto ng kwarto ni Silas. Dumaan sa isip ko na gusto ko siyang katukin. Sa huli, huminga na lang ako ng malalim at pumasok sa sariling kwarto.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now