The Forbidden Desires 46

63.1K 1.9K 403
                                    

(TFD) Chapter 46

"Oh! May mga kasama ka pala?"

Napalunok ako at pinagpawisan. Inalis ko ang tingin kay Silas para sagutin ang mga matanda.

"Opo. Si Grandpa kasi..."

Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil napapalingon ako kay Silas.

"Lalo kang paghihigpitan ng Lolo mo niyan dahil sa nangyari sa eskwelahan ninyo!"

"Tama ka't noon pa ma'y alagang alaga na iyan ng Lolo niya! Lalo na ngayon na muntik pang mapahamak ang apo niya!"

Sila na lang ang nag-uusap. Pangiti-ngiti na lang ako dahil naaagaw ng lalaking nasa ilalim ng puno ang aking mga mata. Tumigil na siya sa pagkain at ibinalik ang nakatakip sa kalahati niyang mukha nang malingunan niya ang mga bantay ko.

"Nakapag-pananghalian ka na ba?"

Hindi naman ako gutom pero umiling na rin ako dahil alam ko na ang kasunod na tanong.

"Gusto mo ba na sumabay na sa amin?"

Dahil sa alok ni Kuya Mario ay natuon ang atensyon ko sa kanya. Sinulyapan ko ulit ang mga bantay na pinasama ni Grandpa. Gusto ko sana muna silang pauwiin ngunit alam ko na hindi sila susunod sa akin dahil sa mariin na utos ng Lolo ko.

Tumango ako kay Kuya Mario. Bago lumakad papunta sa puno ay narinig ko pa si Kuya Mauro na inalok ng pagkain ang mga bantay na tinanggihan ng mga ito. Siguro ay kumain na sila kanina bago pa kami umalis o kaya ay may oras sila ng pagkain dahil ngayon ay trabaho nila na bantayan ako.

Isang kahoy na lamesa ang naroon. Gawa ito sa kawayan at ang katerno ay pahabang kahoy na upuan.

"Maupo ka rito, Athena!" Si Ate Shema na pinagpag pa ang upuan na nasa tapat ni Silas.

Malakas ang pintig ng puso ko na lumapit. Iniisip ko siya mula nang nagising ako dahil gusto ko siyang makita. Ngunit ngayon na nasa harapan ko siya'y kinakabahan naman ako.

Hindi mawala sa isipan ko ang mga peklat niya na nasa kanyang likod. He told me before that his scars were marks of his evilness. Ngayong alam ko na ang dahilan niyon ay mas gusto ko itong haplusin at iparamdam sa kanya na hindi ito marka ng kasalanan niya. Kundi'y marka ito ng pagprotekta niya sa akin.

Ang sakit para sa akin dahil mag-isa niya lang na kinimkim iyon at nilalabanan. Wala akong maalala kaya ligtas ako sa sakit. Pero paano siya? Alam niya ang lahat. Buong-buo sa alaala niya at dala-dala niyang mag-isa. I unintentionally forgot everything that happened while he's probably looking back, stucked and pained. Nakaukit iyon sa isipan niya at nakaukit sa katawan niya. They engraved him permanent pain through his scars.

Marahan akong umupo na hindi inaalis ang tingin kay Silas. Nakatingin din siya sa akin at pinagmamasdan ang ayos ko. Bumalik sa sasakyan ang mga bantay. Naroon lang sila pero nasa akin ang mga mata.

Hindi nila kita si Silas mula roon dahil naharangan na siya ng puno. Ngunit hindi pa rin nag-abala si Silas na alisin ang telang nakatakip sa kalahating mukha niya. Inalis niya lang ang sumbrero at pinunasan ang pawis na bumasa sa kanyang buhok. Nakatitig siya sa akin habang ginugulo niya iyon at hinayaan na tuyuin ng hangin.

Napalabi ako nang makita ang mga babaeng nagtulakan dahil sa ginawa niya. Basang basa siya ng pawis pero angat pa rin ang itsura niya. Para siyang sasalang sa isang photoshoot at sinadyang basain ang buhok.

"Si Silver nga pala, Athena," naglahad ng kamay ni Kuya Mario para ipakilala si Silas.

Humigpit ang hawak ko sa braided whip na dala at pinigilang matawa. Silver? Ang daming pangalan bakit iyon pa? I don't want to offend anyone who has that name but it sounds name's dog for me. Hindi siya masiyadong nagpupunta rito sa probinsya kahit noon pa. Kaya nasisiguro kong hindi siya kilala ng mga ito kahit pa dating dito sila nakatira.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now