TFD Special Chapter

82.5K 2.4K 532
                                    

(TFD) Special Chapter



"I'm flying! We're flying!"

Nagpunas ako ng luha na nasa gilid na ng aking mga mata. Naiiyak ako katatawa. Bago ako tumungo sa kusina, naghahabulan lang sila sa madamo at patag na hardin namin. Ngayon naman ay ginawa na niyang dumbbell ang kambal sa magkabilang braso niya. Ang mga merienda nila ay nasa lamesa na at kalalapag ko lang ngunit walang pumansin ni isa sa kanila dahil abala sa paglalaro.

"Savannah! Silverio! That's enough! Eat your snack first!"

Tumayo ako at lumapit. Kinuha ko ang babae namin at pilit pinapabitiw sa braso niya.

"Mom! I'm still playing!" She complained and almost crying.

Natawa si Silas at siya na ang kusang lumakad patungo sa mesa kung nasaan ang inihanda kong snacks nila.

"What did I tell you?" Silas asked our twin. They both pouted then looked at me.

"A happy mommy is a happy life!" They answer in sync.

Napangiti ako at umirap kay Silas. Sinunod nila ako nang muli ko silang pinababa. Nakasimangot nilang kinain ang sandwich. Nakatayo ako sa gilid ng dalawa nang lumapit si Silas at yumakap mula sa aking likuran.

The twin frowned more. Malapit na ang ika-limang kaarawan nila. Ang plano ko sana ay simpleng salo-salo lang sa bahay. Ang gusto naman ni Silas ay sa isang resort beach para makalaro ng kambal ang anak ng mga kaibigan niya.

"Fine! Ako ang mag-aayos! Ayoko ng masiyadong magarbo na party!"

Tumawa siya at tumango. Maliliit na halik ang itinanim niya sa leeg ko. Bumulong siya na iwan daw namin sandali ang mga bata kay Gineth habang abala sila't kumakain ng merienda. Siniko ko siya sa tagiliran kasi alam ko ang gusto niya.

I became busy in the following days. Ito ang ayoko sa mga party. But thinking about my surprise for them made me smile and energetic. My twin's birthday will be held in El Nido. Narito ang ilan sa mga naging kaibigan namin. Malapit sila rito at mas madali ipasundo kaya dito namin napagkasunduan ni Silas.

"Silver!" I called my son when he was got beaten on the back by the little girl playing on the sand.

Natanaw kong may sinabi siya sa bata at bigla na lang siyang hinampas nito ng ilang beses sa kanyang likod. Pagkalapit ko, nakasimangot na siya at nakatingin na lang ng masama sa babae. What I like for Silver is he don't hurt girls. Ang kapatid niya ay madalas siyang i-bully pero kahit isang beses, hindi ko nakita na pinatulan niya.

"What happened, baby?" I asked carefully.

Tinuro niya ang bata at nang makita nito iyon ay inirapan niya si Silver.

"Magsusumbong ka sa mama mo? Bakla ka ba?"

Napangiti ako sa bata. Hindi maganda ang sinabi niya, natuwa lang ako kasi matatas siyang magsalita kahit halata na mas matanda si Silver sa kanya. Silver looked at me. He looked annoyed this time.

"I told her that's dirty, Mama. Then, she got angry," he again looked at the girl. She's still playing the sand. "And I'm not gay. I could even kiss you now to prove it."

"Kiss? Ayoko magpa-kiss sa 'yo! Kasi hindi ko maintindihan ang salita mo!"

"Hoy, Bituin! Nakikipag-away ka na naman diyan? Lagot ka sa nanay mo kanina ka pa hinahanap-"

Tumayo ang bata at tumakbo hindi pa man natatapos magsalita si Isme. Sinundan namin siya ng tingin. Umiling si Isme habang palapit sa akin.

"Naku! Bugbog na naman ang abot niyan sa nanay niya!"

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now