The Forbidden Desires 23

85.4K 1.8K 289
                                    

(TFD) Chapter 23



"He's manipulating your life, Athena."

Inungol ko ang pagtatanong sa sinabi niya. Kalahati ng isip ko'y nasa nagsasalita at ang kalahati ay hinahatak na ng kadiliman para magpahinga.

"I like you first..."

Mainit na palad ang naramdaman ko na humahaplos sa aking pisngi at ibabang labi.

"If not just because of him... You might be my girlfriend now..."

Someone was whispering near my ear. I felt a gentle kiss on the side of my lips. Then the kiss went to the tip of my nose. I knotted my forehead and muttured a moan in protest when I felt his small kisses ran on my cheek and back to the side of my lips. Mararahang halik at iniiwasan na mahalikan ang labi ko.

"Athena..."

Someone whispered my name then I heard a knock on my dream.

"Is she asleep, Calix?"

Naramdaman ko ang pagtayo ng kung sino at pagbukas ng pinto.

"Yes, Sir. I just helped her get comfortable."

"Hayaan mo na muna siyang magpahinga riyan. Gigisingin ko na lang siya mamaya kapag pauwi na."

Sumarado ang pinto. Naging tahimik ang buong lugar kung nasaan ako at tuluyan nang nagpahatak sa kanina pang humihila sa akin na dilim.

I woke up to an unfamiliar room. Malamig kahit makapal ang kumot na nakatabon sa akin. Sandali pa akong nag-isip bago napabalikwas nang maalala na nasa ibang bahay ako. Kabado akong napatayo at mula sa bintana ay natanaw ko ang mga ka-grupo namin na naglilinis na sa pool side. Mga nakabihis na ng pang-alis. Hindi ko na nagawang buksan ang mga ilaw sa kwarto, nagmamadali na akong lumabas para makababa.

"Oh? Gising ka na pala! Pupuntahan dapat kita!" Si Sir Ortiz nang makasalubong ko sa hagdan.

"Anong oras na po? Nakita niyo po ba ang bag ko?" Hindi mawala ang kaba ko habang nagtatanong.

Inangat niya ang kanyang kamay at sinipat ang pambisig niyang relo. Hindi pa niya sinasabi'y nakita ko na kaagad ang oras doon. Nakagat ko ng mariin ang aking ibabang labi nang makita na pasado alas onse na ng gabi. Walang pasok bukas dahil sabado. Walang rehearsal. At sa linggo naman ay wala ring pasok pero mayroong rehearsal ang grupo. Hinayaan ni Sir na gabihin ang mga estudyante ngayon dahil ihahatid niya rin naman isa-isa.

"Here's your bag, Athena," sumingit si Calix at hinawakan ako sa braso. "Ako na ang maghahatid sa kanya, Sir."

Nagpaalam kami sa mga kasama at nauna na dahil naglilinis pa sila. Gusto ko sana tumulong kaya lang anong oras na. Nakakahiya pero mas natatakot ako na hindi makauwi ngayon. Masiyado nang gabi at kakain pa ng ilang minuto ang biyahe.

"Mapapagalitan na ako nito," bulong-bulong ko habang binabasa ang mga messages ni Silas at ang ilang tawag niya na hindi ko nasagot.

Tahimik lang si Calix na nagmamaneho. Hindi na ako sa eskwelahan nagpahatid dahil sigurado na nasa bahay na iyon at umuwi na nang hindi ako makita sa eskwelahan. Sa palagay ko'y nalaman na rin niya ang pag-alis ko at naipagtanong sa mga kakilalang guard na nakakita sa pag-alis ng aming grupo.

Pagkatigil sa tapat ng bahay, nakita ko ang nag-aabang na lalaki sa tapat ng gate. Kilalang kilala ko ang bulto niya. Nakahalukipkip at pinanliliitan niya ng mga mata ang sasakyan. Hindi kami maaaninag sa loob dahil sa liwanag ng ilaw sa harapan.

Napapikit ako ng mariin at kung pwede lang na gumamit ng mahika para mapunta ako sa kwarto na hindi niya nakikita'y ginawa ko na.

"Thank you, Calix," hindi ko na siya nagawang lingunin dahil nanatili kay Silas ang aking tingin.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now