The Forbidden Desires 30

96.4K 1.8K 144
                                    

(TFD) Chapter 30



"Something's bothering you?"

Inilipat ko ang tingin sa kanya mula sa pagkakatulala sa bintana ng sasakyan. Pinag-aaralan niya ang katahimikan ko nang panandaliang matigil ang sasakyan dahil sa nag-u turn na isang sasakyan.

"Silas..."

"Hmm?"

He glanced at me and reached for my hand to play with my fingers. I opened my mouth. He glanced at me again. Palipat-lipat sa kalsada at sa akin ang tingin niya.

"Are we...incest?" I asked hesitatedly.

Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa tanong ko. Binitiwan niya ang kamay ko at tahimik na pinaandar ulit ang sasakyan.

"Why are you suddenly asking me that?"

Pinagmasdan ko ang hawak niya sa manibela. Mahinahon ang boses niya pero ang kamay niya na nagmamaneho'y naglalabasan ang ugat dahil sa mariin na pagkakahawak. Hindi ko na lang inulit ang tanong at hindi na nang-usisa. Kahit hindi naman niya ako sagutin alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong. Pagkauwi sa bahay, nalibang ako dahil may mga pagkain na niluto si Silas.

"Saan ka natutong magluto nito?"

Iba't ibang putahe ang nakahain sa lamesa. Mayroon pasta, salad, seafood, at ibang hindi ko alam ang pangalan at kung anong putahe. Magkakabukod ng pinggan iyon at sa palagay ko'y mauubos naman naming dalawa.

"I used to live in America. Nasa Spain ang kamag-anak namin at wala roon. Kailangan ko kumilos mag-isa."

Sumubo ulit ako. Pabalik balik siya at nagpapasubo sa akin habang nagluluto ng dessert.

"Ilan taon ka nang pumunta ka sa America?"

Lumayo siya at bumalik sa ginagawa. Tapos na siya at nagpiprito na lang.

"I was eighteen when I went there for training..."

Tumahimik ako. Gusto ko sanang dagdagan ang tanong at usisain ang tungkol sa narinig kong usapan nila ni Elle noon. Na mayroon siyang hinahanap. Napagdesisyunan kong huwag na lang nang magsimula siyang ihain ang mga naluto na niyang churros. Hindi ko alam ang pangalan ng isa pang dessert na niluto niya.

Inignora ko ang churros at mas inunang damputin ang hindi pamilyar na dessert. Crunchy ang labas ngunit nang kagatin ko'y malambot ang loob. Parang malambot na pudding ngunit lasang pinaghalong gatas at cinnamon. Mabilis iyon na natunaw sa aking bibig. Dinilaan ni Silas ang asukal na kumalat sa labi ko. Sandali lang kaming naghalikan dahil kumakain pareho.

"Anong dessert ito?"

"Leche frita. Fried milk. Do you like it?"

Ngumiti ako at tumango. Sa huli, ako ang nakaubos no'n. Tahimik kaming kumain. Nagtatanong siya minsan about sa play. Tipid ang bawat sagot ko dahil baka mapunta na naman sa usapan na bawal ang wake up kiss. Pagkatapos kumain, hinila niya ako sa sala.

"Are you sleepy?"

Nakita niya ako na humikab kaya niya siguro naitanong. Nasa sofa na kami at nanunuod, pinaglalaruan niya ulit ang buhok ko. Umiling ako at ngumiti. Lumapit siya at pinaglapat ang labi namin. Magkatinginan lang saglit, hinahalikan na niya ako. Nasasanay na rin siya na hawakan ako. Minsan nagpipigil pero mas madalas hindi na niya maiwasan.

I don't think he noticed that he was touching my cheeks and nape to pull me more for a deeper kiss. He was too focused on kissing me to know that he was unintentionally caressing me. The night ended with us doing nothing but eating, kissing, and laughing.

We did the same the next morning. Walang pasok at ito lang yata ang balak ni Silas na gawin namin. Wala ring rehearsal dahil ilang araw na lang ay gaganapin na ang play. Binigyan kami ng pahinga at sa susunod na dalawang araw ay lalagariin na kami para sa huling rehearsal.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now