The Forbidden Desires 36

80.4K 1.6K 348
                                    

(TFD) Chapter 36




I'm not ready for confrontation. I'm not ready to be asked. Kaya nga hindi ko pa kinakausap si Grandpa. I also don't want to get caught red handedly. Kaya todo iwas ako ngayon kay Laura.

Umalis pa naman si Silas patungo sa Paris noong nakaraang araw. Ilang araw siyang nawala dahil may trabaho kasama ang mga kagrupo niya at mamaya o bukas ay pabalik na sila.

Wala na rin ang mga kalalakihan na nagbabantay rito. Wala na sigurong banta sa buhay ng daddy ni Elle kaya maluwag na ulit ang security nila.

"Athena."

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napapikit ng mariin. Mula sa likura'y narinig ko ang boses ni Laura. Kahit malaki ang bahay dito hindi ko siya pwedeng iwasan. Gagawa at gagawa siya ng paraan para magkausap kaming dalawa.

Kinakatok niya ako noong nakaraan pagkaalis ni Silas pero nagpanggap akong masama ang pakiramdam. Ngayon, lumabas ako sandali para magpahangin kaya natiyempuhan niya ako. Akala ko abala siya sa pagluluto pero mukhang iniwan niya iyon nang matanaw siguro na lumabas ako.

"Laura," bigkas ko pagkaharap.

"Gusto sana kitang makausap."

Tumango ako at hinintay ang sasabihin niya. Kinakabahan ako lalo at wala si Silas para back-up-an ako.

"Ayaw ko sanang sabihin sayo ito. Ayaw ni kuya at pinagbawalan niya kami dahil gusto niyang ikaw ang makaalala sa sarili mo..."

Tumigil siya sandali at nag-isip. Tila inaanalisa kung ano ang mga sasabihin sa akin. Kahit na gusto niya akong makausap, may parte sa kanya na nag-iingat.

"You used to call me Ate Laura. Maaaring hindi mo naaalala sa ngayon pero gusto ko sana na kausapin mo si tito, ang Grandpa mo tungkol dito. You lost your memory. You have been traumatized which has caused you to lose your memory..."

Binasa ko muna ng dila ang labi ko bago sana siya sagutin. Nagsalubong ang kilay niya nang makita na wala akong bakas ng tanong at pagtataka. Hindi niya ako nakitaan ng gulat. It's because I already know about it, minus the traumatize thing.

I still have no idea why I forgot many things. I thought it was because of the accident but now that she mentioned that I have been traumatized...I wonder what happened. How was I traumatized? Is it so terrible that I choose to erase my memory?

"You don't look shocked. Nakakaalala ka na?"

Binasa ko ulit ng dila ang labi ko at sandaling kumuha ng hangin.

"May mga naalala na ako... Hindi pa lahat... Ate Laura..."

Umawang ang labi niya at naaninagan ko ng dilim at pagiging kuryuso ang tingin. Napasinghap ako at inisip na kasama si Silas sa susunod na tanong niya...at hindi nga ako nagkamali.

"Naalala mo si Kuya?"

Napalunok ako at kabado na tumango.

"I remember him giving me gifts on my eleventh birthday."

"Iyon lang?"

Hindi ako sumagot. Marahan akong tumango nang hindi niya ako nilubayan ng tingin. Pinanliitan niya ako ng mata kaya napa-iwas ako ng tingin.

"You two were not close back then. Tinataguan at nilalayuan ka niya. Mukhang magkasundo kayo ngayon, ah?"

"Ah..." Naiilang na sagot ko. "Oo..."

"Too close to cry because you are worried?" I find her question sarcastic.

Tuluyan na akong nawalan ng dugo sa mukha. Alam ko na namumutla ako at hindi ko kayang itago ang kaba sa kanya. This kind of talk makes me panic.

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)Where stories live. Discover now