KABANATA 44

932 45 0
                                    

Kabanata 44

HINDI ko alam kung paano pasasayahin ang mga taong nakapalibot sakin ngayon. Nobody is talking. Nagkakatinginan lang kami ng kambal ko.

"Ah eh... Take a sit, Lolo." Aya ni Ahyalie kay Great Master Alvarro. Umuwi ito sa Pilipinas nang malaman na muntik nang mapahamak si Ahsalie.

"I know, Sylvia's behind this," may galit ang tono nito. "I shouldn't trust her!"

Napatikhim naman si Lord Master Alejandro, habang si Salie eh kahawak-kamay ang bunsong anak.

"Salie, I want to talk to you." Sabi ng Great Master.

Hindi pa din nagsasalita ang kanilang ina. Nagpaalam lang ito sa mga anak saka lumabas ng private room ni Ahsalie para kausapin ang matandang Imperial.

"Salie, let's straight to the point," pagsisimula ni Great Master. "I want Ahsalie's last name to be Imperial."

Nag-angat ng ulo si Salie. Matapos ang lahat, ganun lang ba kadaling sabihin ang lahat ng iyon? Mukha bang hindi siya nasaktan?

"Papa!" Si Alejandro iyon. "This is not the right time to talk about this."

"But hijo, mas maaalagaan natin si Ahsalie sa mansion. We need to make sure na safe sya------"

"Mawalang galang na po, Mr. Imperial," putol ni Salie sa mga sasabihin pa ng matanda. "I raise Ahsalie all by myself, hindi madali ang pinagdaanan naming dalawa, and now, you are planning to take her away?" Mapait ang boses ng ginang na hindi pa din kumukupas ang ganda kahit madami nang pinagdaanan.

"Salie---"

"No one is taking my daughter away from me! Kayo ang may utang, ako dapat ang naniningil!" Puno ng galit na sabi ng ginang.

Tila naman natauhan ang Great Master. Hindi ito nakapagsalita agad.

"You took away half of my life, fifteen years ago." Patuloy ni Salie. Hindi din makatingin si Great Master sa kanya habang ang Lord Master ay napatulala. "Hindi ko nagawang panoodin ang paglaki ng panganay ko dahil sa pera na yan! And now, you are telling me that Ahsalie should be an Imperial? Sana naisip nyo yan noon, and ypu are lucky Mr. Imperial, napakabait ng anak ko at hindi sya nagtanim ng galit sa inyo."

"Mommy...." Dali-daling lumapit si Ahyalie sa tunay nyang ina. She's crying. Inilabas nito ang lahat ng sama ng loob na dinadala. "Mommy Im here, I won't let you and Ahsalie suffer again."

Lumapit si Alejandro sa pinto ng silid ni Ahsalie. Isinara nya iyon. Hindi makabubuti sa anak na marinig ang nangyayari ngayon. Knowing her, siguradong mag-aalala iyon.

"Papa, please, respect her." Sabi ng ama ng kambal. "We can't blame Salie after what happened."

Lumungkot ang mata ng Great Master. Hindi nya naisip noon na may damdamin din nga pala ang babaeng pinalayas niya.

"Im leaving for now, Salie. But I'll be back, bibisitahin ko ang apo ko." Sabi ni Alvarro. "And Im sorry."

Natigil sa pag-iyak si Salie sa narinig. Tama ba ang narinig nya? Humingi sa kanya ng tawad ang mapagmataas na si Great Master Alvarro Imperial?

"Take a rest, Salie." Akay ni Alejandro sa kanya.


"SO buhay pa pala ang kumag?" Sabi ni Rolf nang ibalita sa kanya ni Brent ang kalagayan ni Marvin. Dalawang putok ng baril ang nagawa niya and yet nakasurvive ito.

"Master, matigas sya, ayaw umamin sa mga pulis kung may mastermind ba sa ginawa niya."

"I know na meron, planado ang ginawa nya," sagot ni Trixx. "Kung simpleng stalker lang sya, imposible yun. Ni hindi nga sya nag-aaral sa SaLoRu and wala din syang record na nagung driver sya ng ibang students which means hindi nya kilala si Ahsalie ever since, may nag-utos sa kanya na gawin iyon."

"May kilala ka ba na gagawa nun sa kanya, Master Rolf?"

Nag-isip ng malamin ang binata. Sino nga ba ang galit sa prinsesa niya. Sino ang pwedeng gumawa noon?

Kung si Grey? Planado ang lahat para mapalapit sya kay Ahsalie. Naging knight in shinning armor pa sya nito. Malamang pwede sya, kaso hindi naman yun gagawa ng ganun, masyado pang mahina ang loob ng kanyang pinsan.

Sino pa ba? Si Sylvia? Pwede din. Galit ito sa mga Imperial. Hindi nito sasaktan si Ahyalie kasi anak ang turing nito sa dalaga and si Ahsalie ang pwede nyang paghigantihan.

"Hey Brent." Tawag niya.

"Yes Master?"

"I want you to investigate and stalk this woman."

"Who?"

"Sylvia Buenafranco."

"SALIE, Im sorry for what Papa did." Si Alejandro. Sya na ang humihingi ng despensa sa ginawi ng ama.

"Its his fault, hindi ko kailangan ang sorry mo kasi hindi ikaw ang may kasalan."

"So hindi ka na galit sakin? Mapapatawad mo na ba ako ng tuluyan?"

"Wala akong sinabing ganun, namimisinterpret mo ang mga bagay."

"But Salie---. Okay. Hindi kita mamadaliin. Araw-araw akong magsosorry sayo." Sabi ni Alejandro.

"Pupuntahan ko pa ang anak ko, excuse me."

Nakasunod lang ang tingin ni Alejandro sa minamahal niya. Hindi nya ito masisi kung talagang malayo na ang loob nito at nahihirapan nang magtiwala.


"PARANG-AWA mo na!!! No!!!!"

Nagising sina Rolf at Salie sa sigaw na iyon ni Ahsalie. Alas-tres na ng madaling araw ngayon. Mayang 9am na ang labas ng dalaga sa ospital.

"Anak... Anak... Its okay... Ligtas ka na..." pang-aalo ng ina. Binabangungot pa din si Ahsalie nang mga ala-alang iyon.

Madilim ang anyo ni Rolf habang nakatingin sa nobya na yakap yakap ng ina nito. Kuyom nya ang kanyang kanang kamao. Hindi nya mapapatawad ang sinumang mananakit sa prinsesa niya.

A/N: Busy lang maikli update. Salamat:)

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon