KABANATA 46

980 48 6
                                    

Kabanata46

NAGTATAKA si Ahsalie sa kinikilos ng mga tao ngayon. Napakabait nila and lagi syang kinakamusta.

"Rolf, hindi ka ba papasok?" Naisip nyang itanong sa boyfriend na nakasalampak sa sofa and naglalaro ng PSP.

"I can manage Ahsalie. Magbabasa na lang ako ng libro. Mas matalino pa ako sa instructor dun."

Umikot ang eyeballs ng dalaga. Tumabi na lang sya sa binata at pinanood ang ginagawa nito.

Tinigil naman ni Rolf ang paglalaro. Pinagmasdan niya ang mukha ng nobya.

"Mahal mo pa din ba ako after what happened?" Tanong ng dalaga.

"Nawawala na yung pasa mo, baby." Sabi ng binata habang hinahaplos ang pisngi ni Ahsalie. "Damn him."

"Rolf answer me first...."

Bumuntong-hininga ang binata. "Anong klaseng tanong yun? Syempre oo." Nakasimangot ito. "Kahit anong nangyari nung gabing yon, ikaw pa din si Ahsalie, hindi kita makikita sa iba, kaya ikaw lang ang mahal ko."

Dumaloy ang mga luha mula sa mata ng dalaga. Natouch sya sa sagot ng binata.

"Tsk. Don't cry." Pinahid ng binata ang mga luha niya. "I love you, baby." Sabi ng binata saka hinalikan ang nobya niya.

"Thank you Rolf."

"I'll do everything to protect you." Bulong ni Rolf. "Papasok ka na sa Monday."

"Talaga?!" Nanlaki sa tuwa ang mga mata ni Ahsalie. "Thank you Rolf."

"Kailan mo ba ako tatawagin na baby?" Nakasimangot nitong tanong.

Natawa si Ahsalie. "Mukha kasing hindi bagay sayo eh. Antapang mo kasi, tapos baby."

"Okay lang basta ikaw." Nakangisi ang binata. "Mahal kita kaya okay lang. Mas gusto ko yun."

"Ehhherrrmmm...."

Nilingon ng dalawa ang mga bagong dating.

"Hi Ahsalie." Kaway ni Eunice. Kasama nito si Zei at ang magnobyo na Ahyalie at Xander.

"Bakit may Centauri dito?" Gusot na na naman ang mukha ni Rolf.

"Si Ahsalie ang ipinunta namin not you." Sagot naman ni Zei.

"Aba't-------"

"Hep! Hep! Hep!" Pumagitna naman si Ahyalie. "Pwede ba, set aside your rivalry? Si Ahsalie ang naaapektuhan nyan ngayon."

Masama ang tingin na bumalik si Rolf sa tabi ng dalaga habang si Zei ay umakbay naman kay Eunice.

"Pucha naman Zei oh!" Sita ni Eunice sabay tabig sa braso ng binata.

"Im just trying to secure you." Banat naman ni Zei.

"From what? From whom?"  Sarcastic nitong tanong.

Natawa naman si Ahsalie. First time nyang narinig na nagmura si Eunice ng ganun. May nahahalata na sya sa dalawa.

Naupo din ang mga ito sa sofa.

"How are you sis?" Nilapitan ni Ahyalie ang bunso nila. Inabutan sya ni Xander ng isang basket ng prutas.

"Tsk! Wala sa ospital ang baby ko!" Angil ni Rolf at sya ang umabot ng basket.

Natawa na lang si Xander. Sinusumpong na naman si El Greco.

"Ahya, late na ako sa studies." Malungkot na sabi ng dalaga.

Nagkatinginan naman ang mga kasama sa loob. Hindi nila masabi na pumasok na si Ahsalie dahil alam nila na masasaktan lang ito.

"Eh kailangan mo pa kasi ng pahinga." Nakangiwing sabi ni Eunice. "Okay lang ang studies, samahan ka naming magreview."

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now