KABANATA 41

1K 47 2
                                    

KABANATA 41

A/N: Guys please vote and spread Ahsalie kung nagugustuhan ninyo. Or comments man lang para may mabasa ako? Inspiration din namin yung mga tumatangkilik samin, there was a time tinamad din akong magupdate kasi I thought walang patutunguhan but whenever I see reads, pinupush ko pa din. Bilang writer napapamahal samin ang mga works namin. Para na din naming mga anak. Thank you guys. Last pakiusap ko na'to, nasa inyo na kung itutuloy ko o hindi. We can share thoughts, we can even become friends.

♥PINKQUEENVIEN♥

KABANATA 41

SHE's crying while looking at the coffin. Magpapawalong-araw na ng burol nito. Matagal din silang nanahimik dahil sa naging kalagayan ng kanyang asawa. And now, after all, hindi pa din nito nalabanan ang sakit and ended up on that rectangular box. Masakit pa din sa kanya hanggang ngayon. Minahal nya ang naging asawa.

"Eat something, Valerie."

Pinunasan nya ang kanyang mga luha. Si Joaquin iyon, the father of her only child. Tatlong araw na ito sa Australia para damayan siya.

"I can manage, Joaquin." Malamig nyang sagot. "Why are you still here? Wala ka bang business trips ngayon?"

Bumuntong-hininga ito. "Pinapaalis mo na ba ako?"

"Of course not," mabilis niyang sagot. "Ikaw lang ang inaalala ko."

"Kahit na hindi maganda ang mga naging pinagdaanan nating dalawa, nag-aalala pa din ako sayo, hanggang ngayon, Val..."

Malungkot na iniiwas nya ang kanyang tingin. She remember her husband's last words habang magkasama sila sa hospital.

"I am at the end of the road, Valerie." Mahina na ang boses nito. Pinipilit lang magsalita ng maayos.

Umiling siya habang umiiyak. Hindi nya kayang wala ang asawa nya. Hindi nya kayang mawala ang best friend nya, ang lalaking natutuhan nya na ding mahalin dahil sa ipinakitang pagmamahal nito.

Mahigpit syang niyakap ni Vlademir. Kaya minadali nila ang pagkuha kay Rolf ay dahil sa may sakit na ito. Pero ginawa lang nito na ipakita sa anak ang picture ni Ahsalie na may ibang kasama para makabalik na sa dati nitong buhay si Rolf nang hindi sya sumisira sa pangako niya. Pinangako niyang bibigyan nya ito ng tagapagmana, pero dahil sa naisip nitong nahihirapan silang mag-ina, nagkunwari na lang itong may plano.

"Vlad... Don't go... I need you here..." sabi niya sa asawa.

"You can love him now... The first man who owned your heart."

Alam ng asawa nya na si Joaquin ang una nyang minahal at patuloy nyang minamahal. Siguro nga totoo ang sinasabi nilang hindi pwedeng magmahal ng sabay, pero minahal nya ang dalawang lalaki iyon sa kadahilanang laging si Vlad ang kasama nya pero si Joaquin ang nasa puso nya.

"Kaya ko na ito, Joaquin. Kailangan mong magtrabaho di ba?"

"My God Valerie. Hindi ako maghihirap kapag hindi ako nakapagtrabaho ng isang buwan. I just want to assist you."

Ngumiti siya ng bahagya. "Why are you doing this?"

"The same reason long time ago."

And Valerie lost her tounge.

"KUYA Marvin! Ano? Ready?" Masiglang tanong ni Ahsalie pagkababa ng mansion. Simpleng dress lang na lampas sa tuhod ang sinuot niya. Kuly pink iyon.

Malapad ang ngiti ng kanyang kuya. "Yes Ahsalie! Tara na?" Sabi nito at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.

"Aye aye captain!" Nakatawa nyang sagot at sumakay ng sasakyan.

Mabilis silang nakalabas sa mansion. Excited na ang dalaga kung saan sila kakain ngayon.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now