KABANATA 6

1.3K 53 1
                                    

KABANATA 6

SA ISANG bakanteng lote malayo sa kanilang campus nagharap ang dalawang fraternity. Sa kaliwa naroon ang grupo ni Rolf kasama pa ang mga babaeng patay na patay sa binata. Sa kanan naman ay naroon sina Zei. Lahat ay tigi-tigisang tubong bakal na hawak. 

Umihip ang hangin. Sumunod sa dapyo niyon ang buhok ni Zei. "Talo ka na Rolf... Ahyalie is mine and I'll never let you have her!" 

Nagtagis ang mga bagang ni Rolf. Lalong ginanahan ang mg tauhan niya sa nakikitang galit ng pinuno. Sa isang iglap ay nayupi ang in can na alak na hawak nito. "I don't know why pero wala akong naramdaman nung sagutin ka ni Ahyalie. All I know is sya ang matagal na nating hindi pinagkakasunduan. Her attention, her smile, her praises... Pero ngayon isa lang ang alam ko... I want some fun!!!!" 

Yun lang at nagkagulo na sa paligid. Ang pagsugod ni Rolf ang naging hudyat ng Frat War. Lahat ay desididong mapabagsak ang kalaban!

HINDI mapakali si Ahyalie habang naghihintay sa tawag ni Zei. Nasa mall sya ngayon at nagpaalam ang binata na hindi sya masusundo. Nakakapagtaka lang eh wala ang mga tauhan nito na buntot nang buntot sa kanya. "Masama ang kutob ko. Wala ding miyembro ng Akdama akong nakikita sa paligid." 

Grupo-grupo kung lumakad ang mga miyembro ng fraternity sa university nila. Noon ay apat daw ang registered fraternity sa St. Lorenzo Ruiz Univesity (SaLoRU). Kaso kinain daw ngayon ng dalawang fraterniting natitira ung nawalang dalawa. Centauri at Akdama ang natitirang magkaribal sa university nila. 

Humihigop ng juice ang dalagita habang nagpapalipas ng oras nang bigla syang may pamilyar na anyo na nahagip ng tingin sa mga dumadaan. 

That's me... Tigalgal si Ahyalie sa nakikita. Isang babae ang naglalakad sa mall na kamukhang-kamukha niya. Malayo na ang babae nang makabawi sya ng pagkabigla. Nagulat ang waitress nang agad syang tumayo. 

You must be.... 

Dali-daling lumakad palabas si Ahyalie. Kailangang mahabol niya ang nakita. "Ahsalie... Is that you...?" 

"THANK you po talaga Tito Joaquin," paulit-ulit na pasasalamat ni Ahsalie sa kasama. Sinamahan sya nitong mamili sa kabili ng pagiging busy sa mga negosyo. 

"Masaya akong napapasaya kayo Ahsalie," anang Don. "Let's get inside the car para masundo na natin ang Mommy mo sa check up nya."

"AHSALIE!!!," walang pakialam si Ahyalie kahit pinagtitinginan na sya ng mga tao. Agad syang sumigaw nang matanaw na papasakay na ng kotse ang kakambal. "Ahsalie!" 

Subalit nakaalis na ang sasakyan ay wala pa ding Ahsalie na bumaba doon. Hindi sya narinig ng kapatid. "Daddy should know this."

HABANG nasa byahe ay masaya silang nagkukwentuhan ng ina. Nasundo na nila ito sa ospital. "Mommy excited na akong pumasok." 

Nakangiting hinaplos ng ina ang mahaba niyang buhok. Hindi nya nasamahan ang anak dahil na rin sa bawal siyang mapagod. "Next time anak pangako, masasamahan na kita..." 

Sumingit si Don Joaquin sa usapan nila. "Kaya nga Salie kailangan mong gumaling." 

Nagkukwentuhan pa sila nang biglang magring ang cellphone ng Don. Bigla itong namutla sa nalaman. 

"Mang Pedring," kinausap agad nito ang driver. "Ibalik mo sa hospital. Naroon daw si Rolf kasi sugatan." 

Nabigla ang mag-ina sa narinig. Anu kayang nangyari sa binata. 

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon