KABANATA 1

2.2K 61 1
                                    

KABANATA 1

BUHAT sa higaan, masiglang bumangon ang labing-pitong taong gulang na dalagita, si Ahsalie. Agad syang sumungaw sa bintana at pinagmasdan ang magandang salubong ng umaga. 

"Panibangong araw na naman," masyang bigkas niya at dagling nagtungo sa harap ng salamin. Sinuklay niya ang maganda at mahabang buhok na bahagyang lumagpas sa balikat ang haba. Kasing itim ng balahibo ng uwak ang kulay niyon. 

Mula sa baba ay tumawag na si Aling Salie, ang ina ng dalagita. "Ahsalie anak, tanghali na, bumaba ka na at maligo. Baka mahuli ka sa klase nyo ngayon," paalala nito. 

"Opo Mommy!," dagli niyang sagot saka dali-daling bumaba. "Magandang araw po," nakangiti niyang bati sa ina sabay halik sa pisngi nito. "Kumusta ang pinakamabait at pinakamagandang Mommy sa mundo?." 

Napangiti ang ginang na tatlumput-anim na taong gulang. "Sabi ko kasi sayo huwag ka ng tumulong na gumawa ng mga kakanin kagabi. Napuyat ka tuloy," anang ina habang naghahain ng umagahan ng anak. 

"Madali lang naman po yun Mommy. Gusto ko po makatulong sa inyo palagi," sagot ni Ahsalie at tumulong sa paghahain. Mabait ang kanyang ina, maalalahanin pa kaya lang ay galit ito sa mga kalahi ni Adan. Paano ba naman, ito lamang ang nagtataguyod sa kanya. 

Naghiwalay ang mga magulang ko noong tatlong taong gulang pa lamang ako. Sabi ni Mommy, hindi daw sya matanggap ng lolo ko. May kakambal din daw ako at sya ngayon ang nasa mansiyon. Mayaman daw kasi ang pamilya nina Daddy at dahil mahirap lamang si Mommy ay hind ito matanggap ng pamilya ng ama ko.

Pagkatapos kumain, dumiretso si Ahsalie sa maliit nilang paliguan. Kailangan niyang magmadali kasi maya-maya lang ay parating na ang pinsan nyang si Frederick at ang nobya nitong si Lila. Pagkabihis nya ay dumating na nga ang dalawa. 

"Naku Ahsalie ang dami ko pang projects na hindi natapos," reklamo ni Lila habang nasa daan sila. May maliit na kolehiyo ang bayan nila na malapit lang sa kanilang barangay. Isang sakay lang sa jeep. 

"Paano ba naman, lagi ata kayong nagdedate nitong si Frederick eh," tukso niya sa dalawa sabay siko sa pinsan niya. 

Natawa si Frederick habang inaalalayan ang mga dalagita sa pagsakay sa jeep. "Naks naman Lila, binabantayan talaga tayo ni pinsan." 

Nakangiting umirap si Lila. "Hmmp! Wala kasi yang lovelife. Ewan ko ba diyan sa pinsan mo, ang ganda-ganda, maraming nanliligaw, hanggang ngayong wala pa ding boyfriend," biro nito. 

Iiling-iling na luminga si Ahsalie sa bintana ng sasakyan. Kakaunti lang silang pasahero. "Ako na naman ang pag-uusapan nyo? Change topic pwede?," ngiti niya. 

Sabay na umiling ang dalawa. "Hindi!" 

"Pero araw-araw na nating pinagtatalunan ang bagay na ito,"giit niya. "Alam nyo na naman ang dahilan ko di ba?" 

"Oo! Na hindi matutulad sa sawing pag-ibig ng iyong ina ang magiging kapalaran mo. Hinahanap mo pa ang lalaking totoong magmamahal sa'yo," panabay ng magkasintahan. 

Humalukipkip siya sabay tango. "Hmmmn... Buti alam nyo..." 

Umarangkada na naman si Lila. "Paano ba naman eh naapektuhan na ang teenager life mo ng mga believings mo ano. Aba cousin-to-be, once in a lifetime lang tayo daraan sa pagiging teenagers, wag mo namang sayangin ang mga karanasang dapat ay ine-enjoy mo ngayon..." 

Tumango-tango si Frederick bilang pagsang-ayon sa nobya. "Tama naman si Lila, Ahsalie. Ano ba naman kung magbigay ka ng pagkakataon sa mga manliligaw mo na patunayan sayo kung gaano ka nila kamahal. Kung takot ka namang masaktan eh di huwag mong seryosohin!'' 

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now