KABANATA 20

1.1K 42 4
                                    

KABANATA 20

PILIT na gumawa si Ahyalie ng paraan para magkausap sila ni Zei. Natagpuan nya itong nakaupo na naman mag-isa library. "Zei, can we talk? I know na marami tayong dapat pag-usapan kaya sana lang-------"

Gimbal si Ahyalie. Tapos na ang painting nya na ginagawa ni Zei noon. But alam nyang hindi na sya iyon ngayon kahit sya ang modelo, because the color of the eyes is hazel green!

"What is the meaning of this Zei? That's not me anymore. That's Ahsalie!"

Hindi tumitingin na pinagpatuloy ni Zei ang ginagawa niya. Masaya siya sa kinalabasan niyon. "The night of your debut, narealize ko ang difference nyo. Ahsalie is very sure on her feelings for Rolf, unlike you na hindi alam ang totoong nararamdaman. That night, I decided that she's the girl I want to be with."

Umawas ang galit na nararamdaman ni Ahyalie. Pati si Zei na matagal nang tapat sa kanya ay inagaw na din ng kapatid. Kinuha nya ang painting para sirain. "I hate you! I hate you!"

Pinigil naman ni Zei ang kamay ni Ahyalie. "Leave Ahyalie. One scratch sa painting ni Ahsalie, I'll forget na minahal kita."

Umiiyak na napaupo si Ahyalie sa katabing silya. Ang mga estudyanteng naroon sa library ay isa-isa nang lumabas. Yun ang tagpong nadatnan ni Xander. "Why Ahyalie is crying?"

"Go get her Xander. Take her away from this place," utos ni Zei.

Kuyom ang kamao na nilapitan ni Xander ang dalaga at hinawakan ang kamay nito. "I've been her protector eversince Zei. Hindi mo maiaalis sakin na magalit kapag nakikita kong nasasaktan sya."

Ibinaba ni Zei ang paintbrush na hawak niya saka hinarap ang kanyang heneral. "Take her away from my sight o pagsisisihan nyo na magkakasama tayo dito."

Itinayo na ni Xander ang dalaga. Alam nyang sa oras na mag-away sila ni Zei, maging ang Centauri ay makakalaban nya. "You'll regret this Zei!," sabi ni Xander saka itinayo si Ahyalie. "Come on Ahyalie. This place is not your kingdom anymore."

Iyak nang iyak si Ahyalie habang nakasakay sa kotse ni Xander. Lalo siyang naguluhan sa dapat nyang gawin. Maging si Zei ay masama na ang tingin sa kanya. Bata pa sya, masama bang hindi pa sya ganoon kasigurado sa feelings nya?

Hinawakan ni Xander ang mga kamay niya. Kahit na lagi nya itong inaaway noon ay ito ang natira sa kanya. "Stop crying Ahyalie. I'll help you to figure out ang talagang nararamdaman mo."

MALUNGKOT namang pinagmamasdan ni Ahsalie ang kanyang ina. May asawa na ngang iba ang Daddy nila ni Ahyalie. She's pretty din tulad ng kanyang Mommy.

Napansin naman ni Salie na tila malungkot ang anak. Hindi ito kasing sigla ng araw-araw na si Ahsalie. "May problema ba kayo ni Rolf anak?," tanong ng ina. "Sabi ko naman sayo, ang pag-ibig ay dapat sa tamang edad."

Napangiti naman si Ahsalie sa sinabi nito. Lagi pa din siyang pinapangaralan ng ina na ganoon daw ang edad nito nang mainlove sa kanyang ama kaya hindi sila nagkatuluyan. Masyado pa daw silang mga bata.

"Mommy bakit naman po si Rolf ang naging topic natin? Wag po kayong mag-alala kasi kahit gaano kasungit yun eh kasundo ko naman. Saka magboyfriend pa lang naman po kami, hindi mag-aasawa agad? Saka hindi nya ito inilihim sa inyo kahit ganoon ang way ng pag-amin nya. He respects you po..."

"Basta ang maipapayo ko sa'yo anak eh wag kang masyadong magtitiwala at umasa sa love na yan ha. Palagi mong isipin ang nangyari sa atin."

Palihim na lalong naguilty si Ahsalie. HIndi nya masabi sa ina ang progress ng paghahanap nya sa kakambal at sa ama. Hindi ito makakatulong sa ina ngayon. "Opo Mommy. I'll take care. Lalo na dito," nakangiti nyang itinuro sa ina ang tapat ng kanyang puso.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon