KABANATA 30

988 42 0
                                    

KABANATA 30

KUMUNOT ang noo ni Joaquin nang mabasa ang message ng anak niya. 

I need to go out of this prison tonight. Kakabasa lang niya doon. 

"Why so fast?," tanong ni Drake. Ang usapan nila ni Rolf ay sa next week pa nila ito itatakas. Kailangan muna nyang kunin ang loob ng ina para magtiwala itong hindi na ito aalis doon.

"Sa ugali ni Master Rolf, sigurado, may gumugulo sa isip nyan kaya nagmamadaling makaalis," singit ni Trixx.

Napabuntung-hininga si Joaquin. Isa lang ang maaring makagulo at makapagworry sa anak niya.

"Si Ahsalie," panabay ng tatlo.

"MOMMY..."

Natapos ang pagmamasid ni Salie sa panganay niya nang magsalita si Ahsalie sa kanyang tabi. Nagpumilit syang sumama sa anak dahil alam nyang may problema si Ahyalie ngayon. Tumutulo ang luha nya habang nakikita ang bawat kilos ng nawalay na anak. She can't help it. Nawalay ito ng matagal at miss na miss na nya ito. Gusto nya itong hawakan at yakapin pero hindi nya magawa. Masakit isipin na maaaring galit ito sa kanya at natatakot sya doon. 

"Mommy ang galing ni Daddy ano? Kahit na sa iba sya nagpakasal eh hindi sya nagmahal ng iba."

Pinahid ni Salie ang kanyang mga luha upang itago iyon sa kanyang bunso. Ikinuwento nito sa kanya ang nangyari sa Imperial Mansion.

"Kahit na ganoon Ahsalie ay hindi pa din maiaalis ang katotohanan na kasal na sa iba ang iyong ama. Please anak, wag kang umasa na matutupad ang mga pangarap noong bata ka pa na mabubuo tayo. Imposible na iyon. Lalo na ngayon."

Malungkot na iniiwas ni Ahsalie ang tingin sa ina. Kung alam lang nito kung gaano ito kamahal ng kanilang ama. "He loves you, Mommy."

"Mahirap nang magtiwala ulit sa kanya, anak," hinaplos ni Salie ang mahabang buhok nito. "Si Ahyalie ang gusto kong mapalapit sakin, bunso."

NAWALA ang kulay ni Ahyalie nang makasalubong ang taong balak nyang iwasan buong buhay nya. She can't face her this time. Mabilis syang kamaliwa sa hallway nang malapit na ito.

"Hey! Ahyalie!"

Mas binilisan ng dalaga ang bawat hakbang niya nang sumunod sa kanya si Sylvia.

"Ahyalie, let's talk, please...."

Hindi tumitingin si Ahyalie sa kinilalang ina nang mahawakan sya nito sa braso. "Hija, please, let me explain... Give me one more chance to fix this..."

"Mom---Syl...via, please, stop this, consider how I feel... I don't want to talk anything about you and your filthy relationship with other man."

"Anak----"

"Please, go..."

Dumilim ang anyo  ni Sylvia. Pati ba naman ang bata na inalagaan nya ng husto ay basta na lamang sya itataboy? Hindi nya ito kadugo pero itinuring niyang anak! "Don't make me mad, Ahyalie Yvette!"

Sa tinuran ng babae ay galit na hinarap ni Ahyalie si Sylvia. "Ayokong magkausap tayo kasi pinipigilan ko ang sarili ko na sumbatan ka. Ikaw ang kinilala kong ina, ayokong magkaeskandalo sa lugar na ito!"

Iginala ni Sylvia ang tingin sa paligid. Sa kanila nakafocus ang atensyon ng ibang estudyante at napapatingin sa kanila ang mga napapadaang guro.

"Start fixing yourself Sylvia. Kailangan mo ng pahinga at oras sa sarili mo."

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now