KABANATA 29

913 42 0
                                    

KABANATA 29

"THERE'S something wrong here."

Itinigil ni Vlademir ang pagbabasa ng newspapers. Nasa terrace sila ng mansion habang pinapanood si Rolf na naglalaro ng basketball sa bakuran. May pinatayo silang half court doon dahil hiniling iyon ng anak. Naiinip daw ito sa kanyang silid kaya gustong maglaro.

"What are you trying to say?" tanong ni Vlademir sa asawa na noon ay mukhang hindi mapalagay.

These days eh palaging mabait ang anak niya. Hindi na ito nagwawala unlike noong mga unang linggo nito doon. Nakikisabay na din ito sa pagkain nila and freely, nalilibot na nito ang bakuran ng mansion. May time pa nga na lumabas sila kasama si Ingrid at hindi na ito nagtangkang tumakas. He's just asking kung anung mga pangalan ng kalye at kanto na dinadaanan nila. 

"Rolf seems enjoying his stay here. He don't even shout at us anymore."

"Aren't you happy? Your son is starting to love this place with us. With Ingrid's help. I told you, right?"

Muling ipinako  ni Valerie ang tingin sa kinaroroonan ng anak. Masaya itong kalaro si Ingrid doon.

"HEY! Catch!"

Kahit wala sa mood ay pinilit na ngumiti ni Rolf pagkasalo ng bola. Kailangan nyang pagtiisan na kasama ang babae para makahiram pa sya dito ng cellphone at magkaroon ng connection sa ama at kay Ahsalie. Kakabasa lang niya ng reply ng dalaga at lalo siyang ginanahang tumakas doon. She misses him. He misses her. He'll do anything just to hold her again.

Naalala nya ang sinabi ni Drake noong magkausap sila. Gusto daw pormahan ni Zei si Ahsalie. Alam nyang gagamitin nito ang pagkakataon na wala siya para makuha ang nobya. But he trust Ahsalie that much. Hindi ito papaagaw kay Zei. Hindi ito katulad  ni Ahyalie. 

"Can I have my phone?"

"Ingrid!," pinandilatan nya ang babae. Hindi pwedeng malaman ng ina na nahihiram  nya ang cellphone nito. 

Nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Valerie. Narinig nyang na kay Rolf ang cellphone ng dalaga. Para saan ang paghiram ng cellphone ng anak eh wala naman itong makakatext sa kanila?

Agad namang umisip ng paraan si Rolf para hindi magduda ang ina. Sinadya nyang lakasan ang pagsagot sa dalaga. 

"Later after I finish my games here."

"I'M SORRY Ahyalie. I didnt mean anything yesterday," bungad ni Alejandro nang dumating ang panganay na anak. Nilapitan agad ito ni Alvarro para yakapin.

Gumanti nang yakap si Ahyalie sa lolo niya. Alas-tres na sya umuwi kaninang madaling-araw. Pinipilit syang iuwi ni Xander nung maaga pa kaso sya ang tumanggi. Nagtext na lang sya sa ama na okay naman siya. Kanina pa pala siyang hinihintay na lumabas ng kwarto ng ama.

Yumakap din si Ahya sa kanyang ama. Alam niyang kabutihan nya ang iniisip nito. "I know Daddy. And Im sorry for being a bad daughter."

"No you're not bad, hija. You're just confused."

"Where is Mom---- Sylvia?," tanong niya.

Si Alvarro ang sumagot. "She left yesterday. Wala na syang mukhang ihaharap sa pamilyang ito. Hindi ko akalain na magagawa sa atin ni Sylvia iyon. Isa pa naman syang Buenafranco!"

Hindi na nagsalita pa si Alejandro. Malamang ay alam na ng ama ang pagkakamaling nagawa nito noon."

"I went to Mommy yesterday. To my real mother."

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now