KABANATA 33

981 34 0
                                    

KABANATA 33

"Maybe kailangan mo na talagang maparusahan."

Hindi pinapansin ni Eunice ang magsalita sa likuran niya. Hinila nya ito doon sa vacant room para hindi na maistorbo si Ahsalie. Klaro sa kanya, si Rolf ang mahal ng tinuturing nyang kapatid kaya dapat ay hindi na ito malapitan pa ni Zei. Ikinulong nya dito ang binata kasama siya.

"Hindi ka ba natatakot sa pwedeng mangyari sayo dito, between us?"

Abat ang lalaking ito nananakot pa. Naisaloob ng dalaga. "Mr. Mondragon, tigilan mo ako. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo? Lubayan mo ang kambal."

Nakita nyang lalo itong sumimangot, and guess what. Hindi malaman ni Eunice kung bakit parang nagugustuhan niya ang hitsura nito  ngayon?

"What's the matter with you? Pinanganak ka ba na galit sakin? Wala na kami ni Ahyalie. Alam nila na si Ahsalie ang gusto ko."

Sumandal siya sa pinto nang lumakad si Zei palapit doon. Hindi nya ito papayagang sirain ang paguusap nina Ahsalie at ng prince charming nito. "Dont you dare na lumabas ng classroom na ito. Hindi ka nakakatulong kay Ahsalie. Lalo mo lamang pinapagulo ang situation nila."

Nakangising lalong lumapit si Zei sa dalaga. "Well. Ano naman ang kaya mong gawin para hindi ako makalabas dito? Are you willing to make me happy here?"

Medyo husky voice ang tono ni Zei ngayon habang inilalapit pa lalo ang mukha kay Eunice.

"What the?!!! You pervert!," namumulang hinampas ni Eunice sa balikat ang binata. Tinulak nya ito at pumorma ng karate skills niya.

"Hahahaha! You're so funny, Eunice!," tawa nang tawa na sabi ni Zei. Kitang-kita sa dalaga ang sobrang pamumula nito. "Hindi ko akalain na ang kasing talino mo, na tumalo sakin sa lahat ng exams at pinerfect ang lahat ng quizes eh mamumula dahil sa sinabi ko."

Naningkit ang mga mata ng dalaga. Akmang bibigyan na niya si Zei ng flying kick pero nasalag iyon ng binata. Hinila sya nito palapit at inilapit ang mukha sa kanya.  Sumeryoso ang aura nito.

"Hep! Bitiwan mo ako, Mondragon!"

Nang magtangka siyang pumiglas ay lalo lamang hinigpitan ni Zei ang hawak sa kanya. "Bakit ngayon ko lang napansin na mas maganda ka pala nang walang salamin? Those glasses of yours hid the real beauty within you... Fuck them..."

Lalong namula si Eunice nang marinig ang sinabi nito. Nahulog sa sahig ang salamin niya dahil sa pagpiglas sa hawak nito.

"This is my last warning Zei... Bitiwan mo ako!," banta niya.

Nakangising nagsalita ang binata. "This is the last time na makikialam ka sakin Eunice. Kapag ikinulong mo ulit ako, sinisigurado ko sayo na hindi ka makakalabas na hindi naiinlove sa karisma ko..."

Agad na kinuha ni Eunice ang kanyang salamin at isinuot iyon. Si Zei naman ay kumatok sa pinto at walang anu-ano ay may palakol sa labas na sumira ng lock niyon.

Nakatalikod si Zei na nagsalita. "Marami akong bantay Eunice. I told them not to hurt you kapag binubully mo ako."

Nakamaang ang dalaga nang makita ang 2 heneral ni Zei na nakaabang sa pinto. So kung gugustuhin talaga ni Zei ay kanina pa ito nakalabas doon.

"Next time na gusto mo akong masolo, dont hesitate to tell me. I am very much willing to spend our time together."

"Ang kapal mo Zei!," sabi ni Eunice. Pakiramdam ng dalaga ay namula ang buong katawan nya sa kahihiyan dahil nagtawanan ang mga kafrat nito.

"Till next time, crush..."

Matagal nang nakaalis si Zei ay tulala pa din ang dalaga. Tama ba ang narinig niya?

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now