KABANATA 9

1.1K 51 1
                                    

KABANATA 9

HANDA nang saktan ni Rolf ang tatlo nang biglang dumating si Ahyalie. Tigigisang sampal ang natanggap ng tatlo mula sa dalagita. Natahimik ang lahat sa nakita. Maging si Rolf ay hindi makapaniwala kasi napakahinhin ang imahe ng dalagita sa tingin nila.

"You don't have the right to do that on my sister!"

Pagalit pa sanang sasagot ang tatlo nang biglang umubo si Ahsalie. Dagling lumapit si Rolf sa dalagita at binuhat ito. "Are you alright?"

Nagbulungan ang mga estudyante. Ang mga naglalabas ng cellphone ay pinapaalis ng mga tauhan ni Rolf.

Nagulat si Ahyalie sa nakikita. Pag-aalala ang nakarehistro sa mukha ni Rolf ngayon. Hindi pa nya iyon nakikita dito noon.

Hinang-hina si Ahsalie sa mga oras na iyon. Ni hindi siya makagalaw sa tindi ng inabot na lamig at halos nawawalan na siya ng malay.

"Listen everyone!," saad ni Rolf sa lahat. Andun din si Zei habang hawak ang kamay ni Ahyalie. "Ang sinuman na magtatangkang saktan o may gawing masama sa babaeng ito, sinisigurado ko sa inyo, you are looking for hell!!!!"

Hindi makaimik ang lahat nang pinagsisira ng mga Akdama ang mga gamit pati ang mga damit ng tatlo. Nakaabot din ng suntok at sipa ang mga ito.

"Im sorry Ahsalie, hindi na ito mauulit...," narinig ni Ahyalie na sinabi iyon ni Rolf. Lumakad na ito habang buhat ang kapatid patungo sa sasakyan.

Akmang susunod si Ahyalie pero pinigilan sya ni Zei. Umiling ito. "Kailangan ako ng kapatid ko...," giit niya.

"She's fine with Rolf... Hindi sya pababayaan dun..."

HABANG pabalik nang Pilipinas ay hindi pa din mawala sa isip ni Alejandro ang status ng paghahanap sa kanyang mag-ina. Palagi na lang ang mga ito ang nasa isip niya.

"Lord Master, anything you want?" nakangiting tanong ng stewardess sa kanya.

"A cup of coffee please..."

Matapos humigop ng kape ay tahimik na naman ang Lord Master. Naiinip na sya sa paghahanap sa kanyang mag-ina. Sino ang Don Joaquin na sinasabi ng doktor? Napakadami ng Joaquin sa bansa.

NAGISING si Ahsalie. Masakit ang ulo niya. Pagmulat niya ay nasa kotse pala siya ni Rolf pero wala ito doon. Mayroon na din siyang suot na damit. Pagtingin niya sa labas ng bintana ay nakita nya doon ang binata na may kausap na doktor.

"She's fine. Masyado lamang siyang nilamig kanina kaya sya nawalan ng malay," paliwanag ng doktor.

Tumango si Rolf saka ito pinayagang umalis. Pinasok nya sa magkabilang bulsa ang mga kamay at bumuntong-hininga. Tahimik nyang tinitigan ang kanyang sasakyan. Tinted ang mga salamin niyon kaya hindi nya nakikita si Ahsalie sa loob.

Hindi ito mangyayari kung hindi ko sya sinangkot sa gulo. Eversince alam nya na manganganib ang buhay ni Ahsalie sakaling ipakilala nya ito bilang prinsesa nya. Everyone will put eyes on her. He knew that this lady will become an instant celebrity once na ipakilala nya ito sa publiko. May mga media na ding umaaligid sa kanya para mainterview sila sa National Television kasi bukod sa Akdama ay anak sya ni Don Joaquin. From now on, her life will never be the same anymore. He must protect her.

Akmang bubuksan na ni Rolf ang pinto ng sasakyan nang kusang bumukas iyon. Ang magandang mukha ng bagong gising na si Ahsalie ang nakasalubong niya.

"Gising ka na pala... Are you okay?"

Hinang-hina na kumapit ang dalagita sa magkabilang kwelyo niya. Halos wala itong lakas. "Tulu...ngan mo ak-ko..."

Naawang bigla si Rolf kay Ahsalie. Alalang-alala na hinawakan nya ito para makatayo. "Anong problema? Anything wrong? Kailangan na bang ihospital ka? Sabi ni Doc okay ka na daw."

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon