KABANATA 11

1K 56 2
                                    

KABANATA 11

SERYOSONG naglalaro ng PSP sina Rolf at Ahsalie nang dumating si Aling Caring sa salas. Nag-aaway na naman ang mga ito. 

"Eh bulok, bulok, bulok!," pang-aasar ni Ahsalie sa kalaban. Hindi kasi ito makaalis sa level na naipanalo nya. 

"Kaasar!," yamot namang pinindot nang pinindot ni Rolf ang PSP. "Mananalo din ako." 

"Yan matatouch ka na! Galingan kasi...." 

Walang kangiti-ngiting hinarap si Rolf ang kausap. "Sige mangyamot ka pa. Papalitan ko ang password ng wifi mamaya para hindi kayo makapagskype ng mother mo. Ano?" 

Biglang bumait si Ahsalie. "Ikaw naman... Wag kasing mainitin ang ulo para gumaling-galing ka naman. Sya dali na ng manalo na..." 

"Ahhhh... Senorito, Ahsalie, excuse lang po.," basag ni Aling Caring sa paglalaro ng dalawa. "Ahsalie may bisita ka sa labas, pinaupo na namin sa garden." 

Biglang tumayo si Ahsalie. Nagningning ang mga mata niya. "Talaga po?! Yehey! Andito na si Frederick!," ubod bilis na lumabas si Ahsalie ng mansion.  

Masiglang nagpunta si Ahsalie sa garden. Nakikita na nya ang nakatalikod na pinsan. "Hooy!!!"Panggugulat ng dalagita. 

Nakatawa namang sinalubong ng yakap ni Frederick si Ahsalie. Masaya ang pinsan kaya mukhang maayos naman ang mga ito. "Lalo kang gumaganda Ahsalie!" 

Gumanti naman ng yakap si Ahsalie sa pinsan niya"Talaga lang ha! Mababait kasi ang mga tao dito... Sayang nga eh, nasa America pa sina Mommy ngayon. Doon na sya nagpapagamot. Bago siguro sumapit ang debut ko saka sila babalik." 

"Magdedebut ka na ano? Wow! Officially dalaga na! Wala pa bang nagpapatibok jan sa mailap mong puso?," biro nito. "May pasalubong nga pala akong kakanin. Ginawa yan ni Inay." 

Naningkit ang mga mata ni Rolf sa nakikita. Kayakap ni Ahsalie ang bisita nito sa labas. Bakit nga ba hindi pumasok sa isip nya na maaaring may boyfriend ito na iniwan sa probinsya? 

Sinilip naman si Aling Caring ang nag-iisang tagapagmana ni Don Joaquin. Masama ang timpla ng mukha nito. Buhat ng dumating sina Ahsalie sa mansion ay malimit na itong umuwi. Nagiging mabait na din ito kung minsan at tumatawa na. "Si senorito talaga," iiling-iling dinalahan na nya ng merienda ang bisita ng dalagita. Mukhang nagseselos ang amo sa pinsan ni Ahsalie. 

HAPON na nang magpaalam si Frederick. May tutuluyan daw itong kamag-anak naman ng tatay niya. Dadalhan din kasi nito ang titulo ng lupa ng kamag-anak. Balak na daw ipagbili at tuluyang sa lungsod na maninirahan. 

Gabi na pero nagtataka ang dalagita dahil hindi pa bumababa ang kasabay niya sa pagkain. Gutom na siya kahihintay. "Aling Caring bakit po wala pa si Rolf. Hindi po ba yun nagugutom eh hindi ata nagtanghalian?" 

Habang may ginagawa ay sumagot ang kausap. "Naku wag mong intindihin yun Ahsalie. May ref yun sa kwarto nya, saka mukhang may topak." 

"Bakit po?," walang kaide-idea na tanong ng dalagita. 

Kumibit balikat lang si Aling Caring. "Sige na.  Kain na." 

Sinimulan ni Ahsalie ang pagkain mag-isa. Naglinis na din sya ng katawan at nanood ng tv. Dumating ang alas nuebe ng gabi ay hindi pa din nya nakikita ang binata. "Ano kayang topak nun ngayon?" 

Hindi rin nakatiis ang dalagita. Umakyat siya sa taas at kinatok ito sa silid. "Rolf?... Rolf?" 

"Go away!," mahina subalit dinig iyon ng dalagita. Lalo lamang siyang nagtaka sa kinikilos nito ngayon. "Hoy bakit ba hindi ka bumaba para kumain?," sa halip na umalis ay lalo siyang nagtanong. "Wala dito ang Papa mo kasi tinutulungan nya ang Mommy ko kaya ako na lang muna ang papalit sa kanya para bantayan ka," pangungumbinsi ni Ahsalie. "Ano bang issue mo? Makikinig ako." 

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang