KABANATA 17

1K 44 1
                                    

KABANATA 17

"PABABA na si Ahsalie!!!," humahangos na balita ni Aling Caring habang pababa ng hagdan. Ang maluwang na solar ng mansion ay nilagyan ng mataas na stage para sa entrance ng dalaga. 

"The princess is coming!!! Hooooo!!!!," hiyawan ng mga Akdama. Si Rolf ang tanging walang imik habang nakasandal sa puno di kalayuan sa stage. May hawak syang wine glass habang hinihintay ang pagbaba ng nag-iisa niyang prinsesa. Tukad pa din ng dati ang binata. Suplado ito at ayaw makihalubilo sa karamihan. "Come on down Ahsalie..." 

Kinakabahan na inihakbang ni Ahsalie ang mga paa pababa sa labas. Siguradong sa kanya titingin ang mga bisita pagbaba niya. Inimbitahan nila sina Frederick kaso ay hindi daw makakarating ang mga ito. Bongga ang debut niya. Maging mga sikat na artista sa bansa ay imbitado. Pinagbawal ng mga El Greco na makapasok ang media sa gabing iyon. "Kaya mo yan Ahsalie.," pagpapalakas niya ng loob sa sarili at binuksan na ang kurtina para ipakita ang sarili sa mga bisita ng kanyang debut. 

"And now, to present to you our debutant, here she comes! Ahsalie Yvonne Regala!" 

"What the-----????," bulalas ng mga bisita. Tumahimik ang lahat paglabas niya. Tumigil ang mga kumakain. Ang DJ's ay hindi na naiplay ang susunod na kanta. Ang iba ay halos malaglag ang panga nang masilayan ang kalalabas lang na celebrant. 

Sa sobrang kaba ay muntik pang matakid si Ahsalie. Buong maghapon nilang prinaktis ang pagbaba niya sa red carpet pero talagang kinakabahan pa din siya. May hinire na trainor ng mga model si Don Joaquin for her to be able to walk in a right way. "Magandang gabi po sa in---yong lahat," sabi niya. "Thank you for joining me in this wonderful night of my life. Tito Joaquin, Mommy, kina Aling Caring and to everyone na tumulong para mabigyan ako ng ganitong celebration, super thak you po. And to Rolf na syang nagpilit para sa debut, maraming salamat." 

"Wwoooowwww!!!," yun ang maririnig sa mansion. "Ang ganda pala ng batang iyan!" 

"An angel!!!" 

Hinanap naman ni Ahsalie si Rolf. Kanina pa nya itong hindi nakikita samantalang kahapon eh maghapon itong nakamasid sa kanila. Natatandaan pa nya ang ginawa nito sa trainor niya. 

"Ay ano ba yan, ganito ang right sway ng hands para magandang tingnan," sabi ng babae habang tinuturuan siya. Si Rolf ay nakaupo sa sofa habang nanonood sa kanila. Yung trainor naman ay napapansin nyang laging nagpapacute sa binata. 

"Ay sorry po," hingi niya ng pasensya. "Hindi po kasi ako snay sa mga ganito eh." 

"Oh my gosh Ahsalie!," tungayaw ng trainor na ang pangalan eh Helena. "I told you na chin up dapat. Ganito ohhh..," sabi ni Helena at nagpasexy. Tumingin ito kay Rolf na wala pa ding imik na nakamasid sa kanila. "Di ba Rolf maganda?" 

Para hindi na magalit ang trainor eh inayos na lang nya ang paglalakad. Nang muli syang matapilok ay nayamot na naman ito. "God! Paano ka ba matuto?! Nasasayang lang sayo ang oras ko?!!!!," uminit na ang ulo nito. 

"Im sorry Miss Helena... Im sorry..." 

Akmang papaluin sya nito sa may hita ng dala nitong stick. Ganun daw itong magturo sa mga modelo nito. "Kailangan mong matuto!!!!" 

Napakagat ng labi si Ahsalie nang kamay ni Rolf ang tinamaan ng pamalo. Gulat na napalayo si Helena. "Oh Rolf Im really sorry! Para kay Ahsalie ang palong iyon!" 

"Who gave you the right to hurt her?!," mahina pero matigas na tanong ni Rolf sa babae.  

"Pero kasi ang tagal nyang matuto!" 

Tila siling hinog si Helena sa takot nang baliin ni Rolf ang stick at ibinato yon sa pader. Hinawakan naman agad ni Ahsalie ang binata kasi baka kung anong gawin nito sa Trainor. 

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon