KABANATA 40

1K 42 2
                                    

Kabanata 40

"READY na lahat."

"Sige boss."

"See to it tagumpay ka. Mamayang gabi."

Ibinaba ni Marvin ang cellphone niya. Kausap nya si Raul. Nagwawala daw si Sylvia pagdating ng mansion. Crazy lady. Mga sarili lang ang iniisip. Hindi kontento. Insecure. Si Raul naman tanga. Martir. Sunud-sunuran sa tawag ng pag-ibig. Utu-uto. At pasalamat sya sa mga ganoong tao. May ikinabubuhay siya.

Binigyan sya nito ng tagong lugar para doon sirain si Ahsalie. Kailangan nang mapasakanya ang dalaga. Nangangati na syang kunin ang kanyang pabuya.


"EUNICE."

"Eunice your face!" Pagtataray ng dalaga. Matapos nitong halikan yung babae nung isang araw ay hinalikan naman siya. Buti na lang at naitulak nya ito. Nakatakbo sya ng mabilis.

Bumuntong-hininga si Zei. Ang hirap talagang manuyo ng babae. Nasa room sila ngayon at wala pa ang professor nila.

"I dont like her. I just kissed her kasi hindi mo ako pinapansin."

Saglit na natigilan si Eunice. Parang kinilig siya sa sinabi nito. Naman Eunice! Be firm! Yung dating ikaw ang paganahin mo! Payo niya sa sarili.

"Ano naman sakin? Wala akong pakialam kung anong meron sa inyong dalawa!"

"Kaya pala galit na galit ka."

"Hindi ah! Feel-Am ka din ano?" Asik niya.

Kumunot ang noo nito. "What?"

"Feel-Am. Feelingerong Ambisyoso! Tsk! Loading!" Pang-aasar niya.

Iiling-iling na tumabi ito sa kanyang silya. "Mas maganda ka kapag nagseselos, Eunice."

"Naman Mondragon! Ang cheesy mo ano?!" Nanlalaki ang mata niyang buska dito.

Sumimangot na naman si Zei. "Stop calling me Mondragon okay?!" Sabi ng binata.

Tinaasan nya ito ng kilay. "At bakit?"

"You are saying your future last name, Eunice." Ngisi nito.

Oh my kilay! Bakit kinilig ako?!!! "Ang corny mo!"

Tumawa na ito. Naaliw siyang masdan na masaya ito. Buhat nang mag-usap sila sa rooftop, hindi na nito ginugulo si Ahsalie. Laging sa kanya na ito nakabuntot. At ang Centauri, nakabuntot din sa kanya.

But I wont fall for a man who is using me just to forget someone. Malungkot nyang iniiwas ang tingin sa kausap. Nasasaktan siya kapag maaalala nyang panakip butas lang sya kasi si Rolf ang mahal ni Ahsalie. Hindi sya galit sa kapatid, ang bait at ang ganda kasi ni Ahsalie. Galit sya sa sarili nya, kasi kahit anong kontrol sa nararamdaman, alam nyang may damdamin na sya para kay Zei.

Lalaine? What's that look? Tanong nya sa sarili nang makita nyang nakasimangot sa kanya ang kaibigan. Nag-iwas ito ng tingin nang magsalubong ang mga mata nila.

UMAKYAT sa taas ng mansion si Ahsalie. Iniwan nila ni Ahyalie ang mga magulang sa isang restaurant para makapag-usap ng maayos. Lakad-takbo siya.Tumigil sya sa tapat ng pinto ni Rolf. Kinatok niya iyon.

"Hoy Rolf! Mag-uusap tayo!" Sigaw niya. Lagot ito sa kanya. Ni hindi man lang niya napagplanuhan ang gagawing reaksyon kanina. Shocked na shocked siya sa sinabi nito.

"Rolf!" Tawag niya nang hindi pa din nito binubuksan ang pinto.

"Ahsalie... Baka tulog si Sir." Sabi naman ng papadaan na si Aling Caring.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now