KABANATA 34

1K 49 0
                                    

KABANATA 34

"KUYA Marvin!!!!!"

Napasimangot na agad si Rolf nang marinig ang pagtawag ni Ahsalie sa bagong driver nito. Humahangos na namang tumatakbo ang dalaga pababa sa hagdanan nila.

"Good morning Ma'am Ahsalie," salubong naman ng bati ni Marvin sa dalaga. Kinuha nito ang bag ng dalaga saka pinagbukas si Ahsalie ng pinto ng sasakyan.

"Kuya, di ba, sabi ko na, Ahsalie na lang. Hindi naman ako ang nagpapasweldo sayo kaya wag mo nang lagyan ng Ma'am. Delete na yon, okay?," nakangiting paalala ng dalaga bago sumakay.

"Sabi po kasi ni Sir-----"

"No Marvin, Ahsalie is enough. Let's go. May date kami ni Daddy mamaya."

So nakilala na pala nya ang tunay nyang ama. Inalis ni Rolf ang taklob ng bigbike niya. Yun na lang muna ang dadalhin nya ngayon. Tutal naman eh hindi nya kasabay ang maingay na si Ahsalie.

"Hijo, may problema ba kayo ni Ahsalie?" Mula sa likuran eh nagsalita ang kanyang ama.

"None of your business, Papa. Samin na lang ni Ahsalie yon," pagalit nyang sagot.

Bumuntong-hininga ang kanyang ama. Hawak nito sa kanang kamay ang cellphone nito. "Sakin lang naman eh paalala. Alam ko kung bakit ka bumalik dito. Sya ang isa sa malaking dahilan kaya ka nandito ngayon. And remember na ipinaglaban ka nya kay Salie nung sinabi nito na masayado pa kayong mga bata."

"Tsk. Papa wala akong time for this, okay. Im going. See you around." Sumakay na sya sa bigbike at binuhay ang makina niyon.

Hindi pa din umaalis si Joaquin sa tabi ng anak niya. "Timawag si Valerie. Kinakamusta ka."

"Tell her Im fine and not worry about me."

Pinaharurot na ni Rolf ang kanyang sasakyan matapos sabihin iyon sa ama. Hindi nya gustong makita o marinig man lang na nalulungkot ang kanyang ina. Kailangan nyang umalis sa Australia. Narito ang buhay nya.

"AHYALIE! Eunice!"

Natatawang hinintay nina Ahyalie at Eunice ang papalapit na dalaga. Hindi talaga nagbabago ang energy ni Ahsalie.

"Mukhang mas masaya ka ngayon, Ahsalie," bati ni Eunice sa kanya.

"Syempre. Makakasabay ko kayong kumain mamaya eh.," pa-cute pa ng dalaga.

Hinawakan ni Ahyalie ang kamay ng bunso nila. "Ahsalie, nagsabi na ako kay Daddy na hindi ako makakasabay. May lakad kami ni Xander mamaya eh."

Namilog ang mga mata ni Ahsalie sa narinig. "So payag na si Daddy, Ahya?"

Nahihiyang tumango si Ahyalie. Napakalawak kasi ng pang-unawa ng kanilang ama kaya hinayaan nito na maging official na sila ni Xander. Hindi naman daw nya iniisip na tututol ang ama ng nobyo nya, o kung tumutol man, na kay Xander pa din naman daw ang huling desisyon. If Xander loves her so much, walang tagal o haba ng panahon at kahit sinong tao ang makakapagpabago noon. Well, base siguro na din sa pinagdaanan nila ng tunay nilang ina.

"Ahsalie, hindi ba galit sakin ang Mommy mo---- natin pala? Hindi ko kasi sya kinausap nung pinagtanggol nya ako kay Sylvia eh."

Umiling ang dalaga. "No Ahyalie. Ikaw lagi ang iniisip nya."

"Maybe pag nakaipon na ako ng lakas ng loob, pupuntahan ko na sya. I hope, kasama ko si Daddy kung magkataon."

Inakbayan ni Eunice ang kambal, si Ahsalie sa kanan niya at si Ahyalie sa kaliwa. "Wag na muna kayong magdramahan. Hinihintay na kami ni Daddy, Ahya. Una muna kami ni Ahsalie."

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon