KABANATA 36

1K 44 1
                                    

KABANATA 36

WHEN the elevator stopped and the door suddenly opened, agad na hinila ni Zei si Eunice palabas. Dinala nya ito hanggang sa roof top.

"Ano bang ginagawa mo? Bababa ako!," sabi ng dalaga.

Balewalang sinaraduhan ni Zei ang pinto niyon saka sumandal at humarap sa kanya.

"We need to talk." Maikli nitong sagot.

"We are talking right now! As a matter of fact, kanina pa akong nagsasalita. Dont you know na pwede kitang kasuhan sa ginawa mo kanina at ang pagtrap mo sakin ngayon dito? I need to go to class! Ayokong masayang ang araw na wala akong natutuna----"

" Gusto kong matutunan na mahalin ka, Eunice."

"What!?! Are you out of your mind!!??" Nawala  ang kontrol ng dalaga sa boses niya. Malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi nito. "Spell ridiculous Mondragon, ikaw yun!"

Still, seryoso pa din ang binata habang nakatingin sa kanya. "I am willing to do evrything, para lang mahalin kita at mahalin mo ako."

Nababaliw na ata itong kaharap ko. Sabi ni Eunice sa sarili. Mantakin ba naman na parang ang dali ng gustong mangyari? Never syang papatol sa isang frat master na laging nasa gulo. Ang gusto lang niya ay mag-aral, i-please ang kanyang kinilalang ama at magkaroon ng maayos ng buhay sa hinaharap. Walang kaya ang totoo niyang pamilya kaya dapat ay maging praktikal siya.

"You're out of your mind Mondragon."

"I saw Ahsalie kissed Rolf in front of me. I want her for myself pero she's deeply in love with that crazy guy. And I saw her crying a while ago, lalo akong nakukunsensya kapag nakikita syang ganun. I want this feeling for her out of my mind and my heart, Im seeking for your help," paliwanag ni Zei.

Napaawang ang mga labi ni Eunice. So ganito nya kamahal si Ahsalie? He's willing to sacrifice just to make her happy?

"Maraming babae dyan na patay na patay sayo. Buhay na buhay akong ayoko sayo kaya wag ako," nakasimangot nyang sabi. "Sa iba ka makiusap."

"They will never love the real me. Yung frat master ang makikita nila sakin. They are greedy, hungry to be called as Centauri's princess. I dont like a girl like that."

"Wag kang judgemental Zei."

"Im stating fact. Walang biro dun. Then I thought, tutal naman ay ayaw ko akong aaligid-aligid kay Ahsalie, why dont we give it a try. I want to help you na din para mabawasan ang iniisip mo na pagbuntot ko sa kanya."

Napaisip si Eunice. May punto naman ito. But falling in love with him?

"No way Zei! Ayokong pilitin ang sarili natin sa isa't-isa kasi simula pa lang hindi na tayo magkasundo."

"Dont you believe in the saying, the more you hate, the more you love," nakangisi na nitong depensa sa kanya.

"Hindi ikaw ang dreamboy ko," pagtataray na naman niya.

Kumibit ito ng balikat, maybe sign of surrender. Tumalikod na ito sa kanya.

"Okay fine, I just gave it a try. Now that I know na walang possibility itong only way na naisip ko para magkaroon na ng katahimikan si Ahsalie, then I'll just continue on loving her. Bahala na kung magkagulo ang Centauri at Akdama dito."

Agad namang hinila ni Eunice pabalik ang kausap. Sobra na talaga ang kabaliwan ng mga ito sa kambal ng Imperial.

"Itigil mo na nga yang kabaliwan mo. Unang-una, hindi pagkain si Ahsalie na pwedeng agawin. Pangalawa, hindi ako panakip-butas na pwedeng hiramin." Payo nya sa binata.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now