KABANATA 16

1K 40 0
                                    

KABANATA 16

KABADO si Ahsalie habang papauwe na sila ni Rolf. May dala na namang tubong bakal ang kasama. "Dont worry Ahsalie... Hindi allowed na gumamit ng baril ang sinumang miyembro ng Akdama at Centauri habang pumapasok sa SaLoRu...," sabi ni Rolf habang nakatingin siya sa tubo.

"Hindi mo na dapat sinaktan si Ahyalie... Babae sya! Kapatid ko..."

Pinaikot ni Rolf ang manibela ng sasakyan. Nakapasok na sila sa mansion ng mga El Greco. "Sobra na ang kapatid mo... Hindi ako papayag na saktan ka pa nya ulit..."

Iniabot ni Rolf ang mga dala sa mga katulong na sumalubong sa kanila. Hinawakan sya nito papasok sa mansion. "From now on, hindi ka na pwedeng mag-isa. Mainit na ang frat war sa university. Lagi ka nang sasabay sa bawat kilos ko..."

Nanginginig na naupo si Ahsalie sa kanyang kama. Hanggang doon ay inihatid sya ni Rolf. "Ano ba itong napasok ko...," himutok niya. She's quiverring and cant stop her body from it.

Bigla namang nagring ang cellphone ni Rolf. Nang tingnan ito ng binata ay si Ahyalie iyon.

"Sino ba yan? Bakit hindi mo sinasagot?"

Balewalang sinagot ni Rolf ang tanong niya habang pinababayaan na nariring ang cellphone. "Si Ahyalie..."

Akmang sasagutin iyon ni Ahsalie pero pinigilan sya ni Rolf. "What are you doing Ahsalie?"

"Kailangan nyong magkausap... Be a man!"

Walang anu-ano ay sinagot nga iyon ni Rolf.

"Rolf let's talk... Alam ko na mahal mo din ako at ginagamit mo lang si Ahsalie para---"

"The one I love is your sister. Stop bothering us!," yun lang at ibinaba na iyon ni Rolf.

"Mahal ka din ni Ahyalie?," tila nagkakaroon na ng idea si Ahsalie kung bakit ganun na lamang ang biglang panlalamig ng kapatid sa kanya. Paano na si Zei?

"Ikaw ang mahal ko. Ganon naman talaga si Ahyalie, pabago-bago sya ng gusto."

Umiling-iling si Ahsalie. Tiyak niyang naguguluhan lang si Rolf. "Lalong hindi kita pwedeng mahalin Rolf," bulong niya. "Mali ang pagpana ni Kupido sa ating dalawa..."

Hindi man maintindihan ni Rolf ang ibinulong niya ay tumabi ito sa kanya. Niyakap sya nito mula sa likuran. "I love you Ahsalie..."

"Rolf-----"

"Will you be my girlfriend? For real?"

Unti-unting pumatak ang mga luha ni Ahsalie. Bakit hindi naging maingat ang puso niya. Sa dinamidami ng pwede nayng mahalin, yun pang nakaraan ni Ahyalie ang nakita nya.

Pinahid ni Rolf ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ng dalagita. Hindi nya gustong nasasaktan ito. "Heeeyy... Stop crying... You love me too, right?"

"Hindi tayo pwede Rolf..."

Lalong hinigpitan ni Rolf ang mga yakap sa kanya. "Hindi aabot sa ganito if Im just trying to pissed off that Zei...," saad nito. "Alam ko, hindi ka masasaktan sa sinabi ni Athena kung wala kang nararamdaman para sakin kahit konti lang."

"Si Ahyalie ang point ko dito!"

"Si Zei ang boyfriend nya... Ikaw at ako we feel the same way... Mahal mo din ako di ba?"

Iyak nang iyak na gumanti ng yakap si Ahsalie sa minamahal. Hindi nya kayang sabihin na mahal nya ito dahil sa kapatid pero kusang kumikilos ang katawan nya para iparamdam sa binata na oo ang sagot niya dito.

"I will never let anyone hurt you Ahsalie..."

NILAGOK ni Sylvia ang natitirang alak sa baso niya Hindi sya uuwe ng mansion ngayon. Kasama nya si Raul, ang nagpupuno ng mga pangangailangan nya na hindi maibigay ni Alejandro.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now