KABANATA 26

970 44 2
                                    

KABANATA 26

NAGTATAKA si Salie sa ikinikilos ng anak. Sa tuwing nagriring ang cellphone nito ay umaalis si Ahsalie para sagutin iyon. Tila ba may itinatago ito sa kanya.

"Ahsalie, may sinesekreto ka ba sakin?"

"Po?!," nagulat naman si Ahsalie nang biglang magtanong ang kanyang ina. Kinakamusta sya ng ama kaya lumalayo sya sa ina para makausap ito. Hindi pa nya alam kung paano sasabihin sa ina na nakita na nya ang kanyang Daddy at hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. 

"Ayan. Everytime na tumutunog ang cellphone mo eh nagpupunta ka sa labas para sagutin. Pwede mo namang sagutin dito sa tabi ko. Anak naman..."

"Mommy wala naman po ito. Hindi ito makakasama sakin. Basta secret ko muna ngayon."

"Ay anak naglilihim ka na kay Mommy. Magtatampo na ako nyan."

"Basta Mommy, I'll tell you naman po sa right time eh. Hindi pa lang po talaga pwede sa ngayon."

Niyakap ni Salie ang kanyang bunso. Mabuting anak si Ahsalie kaya hindi na nya ito kinulit. Tutal naman ay may private life naman ito. "I love you, anak."

"I love you po Mommy."

EVERYONE gone wild that morning. Nagkagulo ang mga estudyante sa SaLoRu. Dali-daling lumabas sa mga classrooms para hindi mahuli sa panibagong topic. Araw na ng nga Centauri.

"Proudly presents, SaLoRu welcomes you back. Master Zei Derrick Dustin Mondragon!"

"Wooooo!!! Welcome back Master Zei!!!!"

"Ampogi pa din nya!!!!"

Malungkot na ibinaba ni Ahyalie ang kanyang tingin. Nasa third floor sya ng building at hindi na nag-abalang bumaba pa. He doesn't need her presence anymore. Tama naman ito, she betrayed him. Nang mapadako ang kanyang tingin sa mga heneral nito ay nahuli nya si Xander na nakatingin sa gawi niya looks like trying to tell her na everything will be fine.

Naglakad papunta sa gitna ng ground ang binata. Tiningnan nyang mabuti ang paligid. Halos kumpleto doon ang mga Centauri habang ang mga Akdama ay nanonood lang sa kanila. "Did you wait that long, SaLoRu?"

Lalong umugong ang hiyawan at tilian. Kuyom nina Drake ang kanilang kamao. Bumalik na ang kalaban ng frat master nila. Knowing Zei, alam niyang hindi lamang ito uupo sa isang tabi habang wala si Rolf.

Natigilan naman sa paglalakad si Ahsalie nang mga sandaling iyon. Totoo ba ang nakikita niya? Bumalik na si Zei?

Lumuwang naman ang ngiti ni Zei nang makita ang dalagang bagong dating. Bumaba siya sa bubong ng kotse para lapitan ang dalaga. "How are you, my Ahsalie?"

"Watch your mouth, Centaurian!," banta nina Trixx na hinarangan si Zei papalapit sa prinsesa ni Rolf. "Nagkakamali ka ng lalapitan."

"Ang tatapang nyo ah! Ano bang pinagmamalaki nyo? Ung grupo nyong walang ulo?," sabi naman ng mga tauhan ni Zei.

"Tek... Tekk---kaaa..," saway ni Ahsalie sa mga ito. Naipit siya sa gitna. "Ano ba kayo? Chill lang okay? Wag kayong mag-eskandalo dito."

"I want you to be my princess, Ahsalie."

"Huuuuuuwwwwaaaaaaatttttttt?????!!!!!" Tilian ng mga kababaihan sa mga oras na iyon. 

"God! Sira na ata tenga ko."

"Anong sabi ni Master Zei? Ano daw?!"

"Ang laking gulo nito!"

Hinila palayo ni Alwin si Ahsalie mula sa mga Centauri. "Are you insane? She's the Akdama's princess! Naghahanap ba talaga kayo ng gulo?"

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now