KABANATA 24

981 46 2
                                    

KABANATA 24

GULAT na gulat si Sylvia pagpasok nya sa kanyang opisina. Nag-iimpake na ng mga gamit nito ang kanyang sekretarya. Pagkalapag nya ng kanyang shoulder bag sa kanyang mesa ay lumapit sya dito.

"What is this Lethecia? Are you resigning?," tanong niya dito. "We should talk about this first."

Umiling ang kausap. Malungkot itong lumingon sa kanya. "Im sorry Ma'am. Hindi ko din naman po gustong umalis. But this is from the Chairman Ma'am."

Naningkit ang mga mata ni Sylvia. Pinigilan nya ang sekretarya sa ginagawa nito. "Stay here, Lethecia. I'll talk to the Chairman about this."

Lumakad si Sylvia papunta sa opisina ng asawa. Kailangan nyang linawin kung ano ang mga plano nito at kailangang tanggalin sa pwesto ang secretary nya. Pinagkakatiwalaan nya si Lethecia! On her way, she found out na pati ang staffs nya ay nagbabalot na din ng mga gamit!

"Stop that okay? I'll be back," sabi nya sa mga tauhan. She's gave them the assurance that everything will be okay.

"Ma'am thank you." Nabuhayan ng loob ang mga ito.

"Why are you firing my staffs?!," bungad ni Sylvia sa opisina ng asawa. Nakaupo si Alejandro sa swivel chair habang binabasa ang ilang documents nito sa table. Hindi ito tumitingin sa kanya na sumagot. "I found them unworthy for my trust."

Lumakad si Sylvia palapit dito. "God Alejandro! They are serving this company for almost decade and more! Why so sudden, sasabihin mo na hindi sila dapat pagkatiwalaan?!"

"Stop acting like you don't know anything Sylvia. From now on, si Eunice na ang bahalang mamili ng mga bagong empleyado na magsisilbi sa kumpanyang ito."

"What?! Si Eunice?!?," lalong nadepress si Sylvia sa nalaman. Ampon ng mga Imperial si Eunice. Nang mawala si Ahsalie ay nakita ito ni Alejandro sa lansangan habang inaapi ng sarili nitong mga magulang. Nag-offer ito ng tulong sa mga ito at pinaaral ang bata. And he's not wrong on his decisions that day, dahil ang batang inampon nya ay kalevel ata ni Einstein dahil lahat na lang ay alam nito. And on top of that, si Eunice ang pinakatapat sa mga tauhan ni Alejandro. She's willing to die para lamang kay Alejandro dahil sa ito ang tinuring na savior ng dalaga. On her age na twenty, maging ang mga transactions ng kumpanya, everytime na wala ang Lord Master ay ito ang pinapipirma.

“Good morning Ma’dam,” bati ng bagong dating na si Eunice and as expected, aura pa lang nito ay malalaman mo na agad na hindi ordinary ang kaharap. Nakashades ang dalaga kaya lalo lamang na naging genius itong tingnan. Naglakad ito na slender body palapit sa kanila. “It’s nice to see you again.”

“So dumating ka na pala from U.S.,” malamig na sabi ni Sylvia. “Better to know your place sa kumpanyang ito. And thank you kasi wala nang trabaho ngayon ang mga tauhan ko.”

Nakatingin lang si Alejandro sa dalawang babae. Alam nyang kayang dalhin ni Eunice ang sarili dahil maging si Ahyalie ay nakikinig dito. “Yes of course Ma’dam. I’ll always remember that Mr. Alejandro Imperial is the sole superior on this company and I’ll never betray him. He’s the only one I’ll work for and I have to keep an eye on the company for his sake.”

 “Kakausapin ko si Papa about this Alejandro,” ganting sabi ni Sylvia. There’s no way na matatalo nya sa debate ang ampon nito. “Hindi kayo magtatagumpay sa mga plano nyo.”

“We’ve won already Sylvia,” ani Alejandro. “Go ahead and tell Papa everything.”

Bago umalis si Sylvia ay binunggo muna nya sa braso si Eunice saka tuluyang lumabas ng opisina. Hindi na lang pinansin ng dalaga iyon and she seated on the chair in front of the Chairman. “Ma’dam’s secretary and staffs were officially fired. Appointments and meeting were all cancelled.  Time to see Ahsalie, Daddy.”

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now