KABANATA 10

1.1K 50 1
                                    

KABANATA 10

HABANG dumaraan ang mga araw, pilit na inilalayo ni Rolf si Ahsalie sa kakambal nito. Hindi pa oras para mapalapit ng husto si Ahsalie sa ate nya.

"Rolf, gusto ko ng sabihin kay Mommy na nagkita na kami ng kakambal ko. Inaalala ko lang ang kalagayan nya ngayon. Makakasama ba talaga sa Mommy ang sobrang kasiyahan sabi ng doktor? Baka daw atakihin na naman si Mommy dala ng excitement," buntong-hininga niya.

Nasa campus na sila ngayon. Kakahatid lang nila sa kanilang mga magulang sa airport. Ngayon ang flight ng mga ito papuntang U.S. para sa pagpapagamot ni Salie.

"Saka mo na yan isipin. On the way na sa America ang mother mo," balewala nitong tugon.

Maikli ang pasensya ni Rolf. Madalas itong magalit at tila babaeng may monthly period ang frequency nitong mahigh blood. Pero sa ilang araw na nakasama ni Ahsalie ang binata ay may kabaitan din pala ito.

Lumapit si Ahsalie sa binata sabay ikinawit ang kamay sa braso nito. "Bili tayo," nakangiting anyaya niya.

"Bakit nakaganyan ka pa?"

Lumuwang ang kanyang ngiti. "Boyfriend kita sa university di ba? Eto na. Pretending mode na."

"Talaga?," ani Rolf.

"Oo."

"Tsansing mode yan!"

"Abat ang kapal nito!," pinandilatan ito ni Ahsalie na nakapagpatawa sa binata.

"Rolf....," malungkot na bulong ni Ahyalie. Buhat ng dumating ang kakambal ay hindi na sya tinatawagan at pinapansin nito. "Na kay Ahsalie na ang atensiyon mo."

Hindi maintindihan ni Ahyalie kung para saan ang naramdaman niyang kirot. Tumatawa si Rolf kapag kasama si Ahsalie samantalang hindi ito ganun noon. Crush na crush nya si Rolf simula pa lang. The way he moves. Yung paraan nito kung paano kukunin ang atensiyon nya dahil papalapit pa lang si Rolf noon ay napapatingin na sya. He has the perfect looks and aura every man is wishing for. Kaso masyado itong tahimik at laging mainit ang ulo. Hindi nya ito nakikitang tumawa ng madalas. Malimit silang walang imikan kapag sila lang ang magkasama. Sinusundo at hatid lang sya nito noon kaya nagsawa siya sa routine nila. Hanggang sa nalipat kay Zei ang kanyang atensyon.

ITINIGIL ni Zei ang kotse nya sa parking lot ng university. Buhat doon ay tanaw nya ang girlfriend na pinapanood sina Rolf at Ahsalie na kumakain."What are you doing Ahyalie?," bulong ni Zei at nagsimulang humakbang papalapit sa nobya.

Nakita naman ni Ahsalie ang kakambal na nakatingin sa kanila. Kinawayan nya agad ang dalagita. "Ahyalie!," nakangiti nyang itinaas ang kamay.

Nilingon naman ni Rolf ang tinatawag ng kasama.

"Tara Rolf, lapitan natin si Ahyalie."

Tatanggi pa sana si Rolf pero nahila na sya ni Ahsalie palapit sa kakambal nito. Napasubo sya sa ginawa ng kasama. Nasa harap nya ngayon ang kambal na Imperial and from that very moment, kitang-kita ang pagkakaiba ng dalawa. Their eyes are very capturing.

Binilisan ni Zei ang paghakbang. Nakita nyang nilapitan nina Ahsalie ang girlfriend nya.

Nginitian ni Ahyalie ang dalawa, kailangang mapalagay ang loob nilang kambal sa isat-isa.

Hazel green. Wala sa loob ay ibinulong iyon ni Ahyalie sa sarili. Ngayon lang nya lubusang natitigan ang kapatid. Her twin sister is the replica of their father's eyes, the very eyes she wishes to have.

"Ahyalie?"

Bahagyang nagulat si Ahyalie sa tawag ng kapatid. Kanina pa palang naghihintay ang mga ito sa sasabihin niya. "Ho---How are you?" tanging nasabi ng panganay.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now