KABANATA 3

1.3K 42 0
                                    

KABANATA 3

TAHIMIK ang palagid. Talagang pinili iyon ng binata upang magkaroon ng peace of mind. 

"Girls!!!! Si Zei Derrick Dustin Mondragon!!!!," mahinang tili ng isang dalaga sa mga kasamahan habang papadaan sa pasilyo ng second floor. Buhat doon ay tanaw ang binata na nasa tabi ng bintana ng library nila sa kabilang building. 

"Ang gwapo-gwapo nya! As in! Super gwapo nya!," tili ng isa pa. Agad itong kumuha ng salamin at powder sa bag. 

"Akin si Zei! Akin! Akin!," tungayaw naman ng isa pa. 

Nawala ang ngiti ng tatlo nang may natanawan silang isang dalaga na papalapit kay Zei. Kitang-kita nilang tumayo ang binata upang alalayan pag-upo ang bagong dating. 

"What the!!!!? She is--------!!!!!," hindi na nakaimik ang tatlo. Nawala na ang pag-asa nila kay Zei. Kilala nila ang babaeng kasama nito. 

"Tara na. Totoo nga ang balita. Sila na."

"THANK you," anang dalaga sabay banayad na umupo sa silyang nilaan ni Zei sa kanya. Nakalugay ang buhok nitong umaabot bahagya sa baywang. 

"Anytime," ngiti ng binata at pinagmasdan ang kaharap. Hindi nya maiwasan iyon. Her eyes. Her nose. Her rosy cheeks and naturally blonde hair. Ang mga malalantik na pilik na sa mga barbie dolls lang nya madalas makita kasi iyon ang mga koleksyon nito. They were perfectly placed to where they should be. 

Bahagyang namula si Ahyalie. Nakatitig na naman sa kanya ang binata. "Ehheerrmm..." 

Napangiti si Zei. Hindi ito mapalagay kapag napapatitig sya. "Pardon Ahyalie. I can't help it when I see goddess right in front of me." 

"Bolero!," ngiti ng dalaga. "How many times do I have to tell you na dapat nakikihalubilo ka sa mga kaibigan mo?" 

Kinuha ni Zei ang paintbrush at muling pinagpatuloy ang ginagawa. Painter ito. Humahanga ang dalaga sa galing ng kamay nitong icapture ang mga bagay through his hands in paper. "Mas gusto ko na tahimik kapag gumuguhit ako," maikli nitong sagot. 

Habang patuloy sa pagpipinta si Zei ay matamang pinagmasdan ni Ahyalie ang binata. Childhood friends sila nito. Sanay silang dalawa sa mararangyang bagay. Sa mundong ginagalawan nila, ang mga anak ng mayayaman eh sa kapwa myaman lang pwedeng makipagkaibigan. Matagal nang nagtapat sa kanya si Zei na gusto sya nito. Hindi bilang kaibigan kundi in a romantic way. Hindi ito sumasama sa ibang babae maliban sa kanya. Hindi ito interesado sa ibang bagay maliban sa kanya, sa pagpipinta at sa fraternity. Oo tama. Si Zei Derrick Dustin Mondragon ang frat master ng Centauri---- isang samahan ng mga kabataan sa loob at labas ng kanilang unibersidad. Isa ang Centauri sa mga dahilan kung bakit hindi makaalis si Zei sa bansa to study abroad. Malakas ang binata at mahusay sa martial arts. Ubod pa ng talino. Bukod pa doon ay ubod ng gwapo. Sa mga katangiang iyon ay hindi maiwasang mahulog ang loob nya dito. Nasabi na nya din dito na mutual ang feelings nila sa isa'-isa kaya hindi man officially eh umaakto na silang may relasyon. 

"Master Zei..." 

Nawala ang ngiti sa labi ni Ahyalie. Dumating na ang isang heneral nito. 

Kitang-kita ni Zei ang pagsimangot ng dalaga. Halata kasing inis ito sa mga kasamahan lalo na kay Xander. "Oh Xander. Ano nang balita?." 

Tumingin muna sa kanya si Xander bago nagpatuloy. "We should discuss this in private, Mastet Zei." 

Magsasalita pa sana si Zei eh agad nang tumayo si Ahyalie. "Okay okay! I'm leaving..." 

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now