KABANATA 42

955 46 0
                                    

Kabanata 42

"HAYOP kaaaa!!!!"

"Oh my God!" Napasigaw si Ahsalie nang biglang may humigit kay Marvin palayo sa kanya. Agad nitong nasuntok sa mukha ang kanyang driver kaya bumagsak ito sa sahig.

"Stay put Ahsalie. I'll protect you."

Hindi sya nakapagsalita. Tulala syang nakatitig sa dalawang lalaking nagsusuntukan ngayon. Hinila nya ang kumot sa may gilid para takpan ang kanyang katawan.

"Pakialamero ka!!!!" Galit na galit na dinamba ito ni Marvin. Pinagsisipa.

Bumawi naman ito sa kalaban. Nasipa agad ng malakas sa mukha ang galit na si Marvin. Tila nawalan na ito ng malay dahil parang narinig nyang lumagutok ang buto nito sa leeg.

Mabilis syang nilapitan ng binata. Nanginginig pa siya sa takot. Pinahid nito ang dugong nasa tabi ng labi. "You're safe... Don't cry..." Sabi nito.

Pero hindi nya mapigilan ang kanyang hikbi. Takut na takot talaga siya. Paano na lang kung hindi ito dumating? Paano kung naituloy ni Marvin ang masamang balak sa kanya. Paano?

"Sssshhhh... Don't worry... I'll take you home... " Niyakap sya nito para patahanin.

"Thann--kk you..." Pasasalamat niya. Wala pa talaga siyang lakas. "Sal---lamat talaga... Grey..."


"MASTER Rolf..."

Hindi malaman ng binata ang gagawin. Nakatingin sya ngayon sa dalawang magkayakap sa gitna ng kama. Kadarating lang nila.

"Stay away from my princess!" Yun ang lumabas sa kanyang bibig.


LALONG naiyak si Ahsalie nang makita nya si Rolf na papalapit sa kanila. Madilim ang mukha nito. Hinila sya nito palayo kay Grey.

"Baby Im sorry... Im sorry..." Sabi nito habang yakap siya. Isinuot sa kanya ni Rolf ang jacket nito.

Iyak lang siya ng iyak. Kailangan nyang ipulupot sa katawan ang kumot kasi sira talaga ang dress niya.

Nagdilim lalo ang anyo ni Rolf nang makita na gumagalaw patayo si Marvin.

"Bring him outside." Utos nito.

"Halika kang gago ka." Hinila ni Alwin ang driver nya palabas ng resthouse. Dinig niya ang pagtutol nito.

"Bit-iwan mo nga ako! Papatayin kita!!!"

Hinaplos ni Rolf ang magkabilang pisngi niya. Pinapahid nito ang kanyang luha.

"Stay with my princess, Trixx." Utos nito sa heneral pero sa kanya pa din nakatingin. "Lintek lang ang walang ganti. He'll pay for this."

Hindi pa din nagsasalita si Grey sa gilid niya. Hinarap din ito ni Rolf. "We'll talk about this later."

Tumayo si Rolf at lumakad palabas. Susunod sana siya pero pinigilan sya ni Trixx.

"Stay here, Ahsalie. Its better to be here."

Lalo siyang kinutuban. Alam nyang may binabalak si Rolf.

MAYABANG pa din ang hitsura ni Marvin kahit pinapalibutan na sya. Langya! Patay kung patay na.

"You know what, sa lahat ng pinakialaman mo, yung pinagbabawal pa." Ngisi nung si Drake. Napapalibutan sila ng napakaraming kabataan. Lahat ay nakangisi sa kanya.

"Shut up mga uhuging bata! Pakialamero kayo!" Sigaw ni Marvin.

"Give me the gun."

Napalingon si Marvin nang biglang magsalita ang bagong dating na si Rolf sa likod niya. Walang emosyon ang mukha nito.

"Tsk.. Wag ka ngang manakot. Ni hindi ka nga marunong humawak nyan." Pambubuska ng nagpanggap na driver. Baril nya iyon na gagamitin sana sa pananakot kay Ahsalie.

"Master Rolf." Si Brent iyon. Tila pinapakalma ang leader nila.

"Give me that fucking gun!"

Napapitlag ang lahat. Mukhang seryoso nga talaga ang frat master.

Nang wala pang kumikilos ay kinuha ni Drake ang baril mula kay Brent. Inabot nya iyon sa leader nila. Kinasa na nya.

Madilim pa din ang anyo ni Rolf. Sagad sa langit ang galit na nararamdaman nya ngayon.

"She's a crystal yet you scared her." Umpisa ng binata. "Her tears because of fear is the very last thing I want to see!"

Nanlaki ang mga mata ni Marvin nang makitang nakatutok na sa kanya ang baril niya mismo. Dun na sya kinabahan. Hindi mukhang nagbibiro ang kaharap niya.

"Kill him!" Sigawan ng mga Akdama.

"Wag.. wag Rolf..." pagmamakaawa niya.

Ngumisi ito. Tila ba natatawa sa sa hitsura nya ngayon. "Tsk. When she begged you to stop, did you listen?" Sabi ni Rolf sabay sipa sa mukha ni Marvin. Natumba ang lalaki. "When she cried because she wants to go home, did you give her mercy?" Puno ng poot na tanong ng binata. "Tapos sasabihin mo huwag? Pwes, this is may answer."

Bang!

"Woohhhhh!!!!" Sigawan ng Akdama. Bagsak sa lupa ang tinamaan ng baril na katawan ni Marvin. Hawak na nito ang nagdurugong balikat.

Nilapitan ni Brent ang wala sa sariling frat dahil sa galit. Hinawakan nya ang kamay nitong nakatutok na naman kay Marvin.

"Stop it Master Rolf, mapapatay mo sya."

Tinabig sya ng binata. Talagang desididong patayin ang lalaking nasa harapan nila.

"I'll kill you asshole!!!!"

Bang!

"Rolf tamaaa naaaa!!!!"

Nagising ang diwa ni Rolf nang marinig ang tawag ng umiiyak na si Ahsalie. Nakaalalay dito si Trixx palabas ng resthouse. "Tama na... Ayokong madumihan ang mga kamay mo."

NAPAUWI sa Pilipinas ang mag-amang Imperial. Nabalitaan nila ang nangyari sa bunso nila.

"Hindi umamin si Marvin kung sino ang nag-utos sa kanya." Sabi ni Salie sa bagong dating na si Alejandro. Natutulog na sa kwarto nito si Ahsalie. Kakaalis lang din ng mga pulis.

"How dare him. Pagbabayaran nya ito, I'll see to it na sa kulungan na sya tatanda." Galit na galit na sabi ng ama.

Magkahawak-kamay naman na lumabas muna sina Ahyalie at Xander. Umiiyak din ang kakambal ni Ahsalie.

"Kawawa naman ang kalatid ko."

"Ssshhh.... Stop crying okay? Ang mahalaga eh hindi natuloy ang balak nung gagong yun." Pang-aalo ni Xander.

Tulala pa din si Rolf habang nakatitig sa mukha ng nobya. May pasa ito sa pisngi. Halatang nanlaban kaya nasaktan. Nakuyom nya ang mga kamao. Nakakawa ang prinsesa niya.

"Rolf, it's okay, magpahinga ka muna." Tapik ni Salie sa balikat ng binata.

Umiling si Rolf. Hindi na nya kayang pumikit. Ayaw na nyang matulog. Baka paggigising nya, wala na naman ang kanyang si AHSALIE.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSWhere stories live. Discover now