KABANATA 48

985 47 6
                                    

Kabanata 48

NANGINGINIG ang mga palad ni Ahsalie habang papalapit iyon sa kamag-anak na nakatumba.

"Hulihin nyo ang lalaking yun!!!!" Galit na ang sigaw na ni Alejandro. Saka lang nagsikilos ang nga security guards ng eskwelahan nang marinig ang sigaw na iyon.

"Tumatakas ang lalaki!" Nagmamadaling nagsihabol ang mga security guards.

"Call an ambulance!!!!" Hiyawan ng mga nakakakita.

"No! No!" Hindi makagalaw si Salie. Nasa harapan nya ang walang malay na si Great Master Alvarro habang yakap-yakap ni Ahsalie ang nakahandusay din nyang kakambal.

"Ahyalie! Don't close your eyes... Don't!" Iyak nang iyak si Ahsalie habang hinahaplos ang mukha ng kapatid. Sinalo nito ang bala na sana ay para sa kanya.

"Drake, Trixx, Alwin, Brent." Tinawag ni Rolf ang mga tauhan nya.

"Yes, Master."

"Seize the gun man. Dead or alive." Matapang na utos niya.

"As you wish, Master Rolf."

"I'll take care of this." Tapik ni Zei sa tulalang si Xander habang nakaluhod sa harapan ni Ahyalie.

"Make him suffer." Nagngangalit ang mga bagang ng binata. "He's unforgivable!"

Ilang minuto pa at dumating na ang dalawang ambulansya. Mabilis na naisakay ang maglolo doon.

"Daddy, nakahanda na ang mga doctors. Hinihintay na lang nila sina Ahyalie at Lolo." Nag-aalala pa din na balita ni Eunice. Hindi sila mapakali kasi buhay ang pinag-uusapan dito.

Niyakap nang mahigpit ni Rolf si Ahsalie na noon ay umiiyak na naman. Napapagod na syang panoodin ang mga luha nito.

"This is the last time na paiiyakin ka ng lalaking yun. I swear." Bulong ng binata.

HALOS MAYANIG ang mundo ni Sylvia habang pinapanood ang video na surprise daw ni Raul sa kanya.

"We did it Sylvia. Nakaganti ka na kay Alvarro at sa Ahsalie na yun." Nakangising sabi ni Raul. Inakbayan nya ang babae. "We can target Salie next time if you want."

Nangangatal ang mga kamay nya habang pinapanood ang pagsakay sa dalawang tinamaan ng baril sa ambulansya.

"Sylvia?" Takang tanong ni Raul nang walang marinig na sagot sa babae. "You dont like it?"

Nag-uunahan ang mga luha nya sa pagpatak. Bilang ina, kilalang-kilala nya ang batang sya ang nagpalaki at nagmahal.

"What have you done to my Ahyalieeeeeeeeee!!!!!!!??????"

Sumabog ang tinitimping galit ni Sylvia nang mga sandaling iyon.

PASIPUL-SIPOL si Marvin habang nagdadrive. Natakasan na nya ang mga humahabol na pulis.

"Kapag sinuswerte ka nga naman. Nalagasan ko sila ng dalawa, makakadagdag pa ako ng bonus nito." Ngisi ng binata.

Binuksan ni Marvin ang nasa envelop na katabi nya. Mga lilibuhin ang laman niyon.

"Magpapakalayo-layo na ako. Haha! Pasensya ka na Ahsalie, ikaw ang napagdiskitahan ko." Sabi ni Marvin na tila may kausap. "Wala ka namang ginawang masama sakin, ang kasalanan mo lang ay ikaw ang tipo ng bala ko na sana ay para sa yong ina."

Hindi nakatingin si Marvin sa daan dahil nagbibilang sya ng pera. Hindi nya napansin na ang kasalubong nyang sasakyan ay sinadyang humarang sa lane nya.

BOOOGGSSSHHH!!!!

"Anong----?????"

"This is your unlucky day." Sabi ni Zei habang winawasiwas ang tubong dala.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon