KABANATA 39

989 40 0
                                    

A/N: I want to acknowledge sunny1206 for voting some chapters. Thank you. You made me happy. I felt appreciated. ☺✌

Kabanata 39

TILA nakatanim ang mga paa ni Salie sa kinatatayuan. Hindi nya maigalaw ang mga paa. Alam nya kung sino ang magsalita.

"I am very lucky to see the mother of my precious twins today."

Alam nya kung sino iyon. Kahit nakapikit ay kaya nyang iguhit sa balintatanaw niya ang hitsura ng lalaking nagsalita.

Lumakad pa ng bahagya si Alejandro. Nang makita nya si Salie na naglalakad sa SaLoRu ay hindi na sya nagdalawang-isip na lapitan ito. Hindi pa iyon ang tamang panahon para ipakita nya ang sarili sa ina ng kanyang mga anak pero hindi na nya kaya pang pigilan ang nararamdaman. All his life, he's been dreaming of this scenario. The day that their roads will intertwine once more. Kahit na alam nyang masyado pang maaga para kausapin si Salie, naglakas na sya ng loob na lapitan ito.

"Salie, can we talk?" Tanong ni Alejandro.

Hindi pa din makagalaw si Salie. Tinitimpi nya ang nararamdamang galit dito.

Nang hindi nagsalita si Salie ay lumapit pa si Alejandro para hawakan ang braso nito. Gusto na nya itong makausap at makasundo. Mahal na mahal niya ang ina ng kanyang kambal.

"Don't touch me, Mr. Imperial." Sa wakas ay natagpuan ni Salie ang kanyang nawawalang dila. Hanggang ngayon ay galit pa din siya sa ama ng mga anak niya.

"Let's talk. Let me explain." Pakiusap ni Alejandro sa kanya.

"You don't have to explain. Malinaw na sakin na hindi mo kami hinanap. Crystal clear." Sarkastikong sagot ni Salie. "If you'll excuse me, kakausapin ko pa si Ahyalie."

"Talk to my Daddy, I'll promise na magkakasundo tayo."

Nanlaki ang mga mata ni Salie nang marinig na magsalita ang panganay niya. Seryoso itong nakatingin sa kanila ni Alejandro. Sa tindi ng tensyon kanina ay hindi niya namalayan na nakalapit na ito.

"No, baby. Let me handle this. This is between your parents, okay?" Sabi naman ni Alejandro. "Its not good to tell that to your mother." Sabi naman nito.

Hindi sya makaimik sa usapan ng kanyang mag-ama.

Umingos si Ahyalie. "If she really loves me and Ahsalie, mamahalin din nya ang mahal namin. She will let us to have a complete family." Sagot ng dalaga.

Oh my. Spoiled brat nga pala itong panganay ko. Sabi ni Salie sa sarili. Napabuntong-hininga siya. Heto na ang pagkakataon niya para patunayan sa panganay na mas higit ang pagmamahal niya bilang tunay nitong ina kaysa sa pagmamahal na binigay dito ni Sylvia.

"Ahyalie." May warning tone ang boses na iyon ni Alejandro.

Sumimangot lalo ang dalaga. "That's it. Ahsalie told me na sa kanya ako nagmana kasi kakulay ko ang mga mata niya. So sana naman, tulad ko, marunong ding magpatawad ang tunay kong ina."

Nawala na naman ang kanyang dila. Hindi pa din siya makalagaw.

"Woooowwww!!!! Buo ang family ko!!!"

Mula sa kung saan ay tumitili na dumating si Ahsalie. Nanakbo ito palapit sa kanila saka hinila silang tatlo para yakapin nang sabay-sabay. May luha sa gilid ng mga mata ng kanyang bunso.

"Ang pangit mong umiyak Ahsalie." Nakangiting sabi ni Ahyalie habang naiiyak din.

"Eh di pangit ka din kasi magkamukha tayo?" Sabi naman ni Ahsalie.

Napatawa naman si Alejandro sa sinabi ng kambal habang si Salie ay tahimik na nakamasid sa kanila. Ganun na lang ba kadaling magpatawad? Taon ang pagdurusa niya. Pero sa nakikita nya ngayong saya sa kanyang mga anak, hindi nya mapigilang hindi maiyak. She's been dreaming of this before. Buo sila. Yakap ang isat-isa. Ayaw man nyang aminin, kasama si Alejandro sa panaginip niyang iyon.

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon