KABANATA 19

1K 52 0
                                    

KABANATA 19

NANG sumunod na mga araw ay may naisip na plano si Ahsalie. Kung hindi sasabihin ng kapatid kung nasaan ang kanilang ama ay sya mismo ang tutuklas doon.

"Im sorry Ahyalie. Gusto kong makilala si Daddy," sabi niya at nagsuot ng jacket na may hood. Balak nyang sundan ang kapatid sa pag-uwi nito. Nasa karera ngayon si Rolf kaya may pagkakataon siyang makakilos mag-isa. Nang sumakay na ang kapatid sa kotse nito ay tinapik nya ang driver ng taxi. Pinag-ipunan nya ang pambayad dito para lamang maisagawa ang plano.

"Ito ba hijang ginagawa natin ay hindi masama?," tanong ng mga nasa limampu ang edad na driver. "Baka mapahamak tayo dito ha."

"Tatay, nakita nyo naman po ang susundan natin di ba? Kamukha ko. Meaning kambal kami. Gusto ko lang pong malaman kung saan sya umuuwe...," paliwanag niya na nasa katotohanan naman kahit kulang ang detalye.

Nang tumakbo ang sinasakyan ni Ahyalie ay sumunod din sila. Pilit nyang tinatandaan ang mga kanto para sa susunod ay kaya na nyang magbyahe papunta doon. Halos kalahating oras din sila sa byahe nang pumasok ang sasakyan ni Ahyalie sa isang subdivision. Alam nyang may mga gwardiya doon pero pinatuloy pa din niya ang taxi. Hinarang sila sa gate.

"Sinong pakay nyo sa loob? Private vehicles lang ang pwede dito," sabi ng isang gwardiya.

Inalis nya ang suot na hood saka nakipag-usap dito. "Im Ahyalie Imperial. Nagmamadali ako kaya hindi ko na nahintay ang sundo ko," paliwanag nya sa kausap.

Agad naman silang pinagbuksan ng mga gwardiya. Kilalang-kilala ang mga Imperial sa subdivision na iyon, hindi lamang dahil sa yaman kundi dahil sa kagandahan ni Ahyalie. "Sorry Ma'am Ahyalie. Safety measures lang po," hingi pa nito ng paumanhin. "Lalong gumanda si Ma'am ngayon nung kulay green ang contact lense," dinig pa niyang usapan ng mga ito.

Lihim na napangiti si Ahsalie. Akala pala ng mga ito ay nakacontact lense siya. She can't blame them. Kulay brown kasi ang mga mata ni Ahyalie. Buti na nga lamang at basta pinapasok ng mga ito ang sasakyan ni Ahyalie. Kung nagkataon ay hindi sya makakapagpanggap bilang kapatid.

Manghang nailibot ni Ahsalie ang tingin sa mga nadaraanang mansion. Napakarangya ng buhay na kinalakhan ng kapatid. Hindi pahuhuli ang bawat bahay na madaanan nila. Lahat ay nagpapatalbugan sa ganda. Nasundan nila si Ahyalie hanggang sa pumasok ang kotse nito sa isang pagkalaki-laking mansion. Agad na isinarado ng mga security guard noon ang gate pagkapasok ng kotse ng kapatid. Bumaba siya ng taxi para makalapit nang bahagya sa mansion. 

Dito lumaki ang kapatid ko... Nasiyahan si Ahsalie nang makita ang kinalakihan ni Ahyalie. Parang gumaan ang loob niya kasi nakamit na nya ang isa sa mga iniimagine lang nya noon. Mabuti naman at maayos pala ang kinalakihan nito. Napakaswerte ng kapatid nya. Pero alam nyang maswerte din siya kasi nakasama nyang lumaki ang ina.

Ibinaba ni Sylvia ang shades na suot. Malapit na siya sa mansion nila nang matanawan si Ahyalie na nakatayo sa labas noon. "Manong dalian nyo ang patakbo," utos niya sa driver.

Bahagyang nagulat si Ahsalie nang may bumusina na kotse sa likuran niya. Tumabi siya para hindi mabunggo niyon.

Ang ganda nya! Bulong ni Ahsalie sa sarili nang makita ang sakay niyon dahil ibinaba nito ang salamin ng kotse.

"Ahyalie, hija, what are you-------," nanlaki ang mga mata ni Sylvia. Natatandaan nya ang sinabi ng katulong na si Aling Medring sa kanila ni Ahyalie noon. Naku, may pagkakaiba pa din po ang kambal. Kulay berde ang mata ng bunso. Dagli siyang bumaba ng sasakyan at hinila palayo sa mansion ang dalaga. "Are you Ahsalie?!," paninigurado niya. Hazel green ang mga mata nito.

Wala sa loob na tumango ang dalaga. Tila natuka ng ahas ang hitsura ng kaharap.

"What do you want?," patuloy ni Sylvia. Anumang oras ay maaaring dumating na si Alejandro. Hindi pwedeng magpang-abot ang mag-ama. "Money? Magkano ang gusto mo? Name the price at wag ka nang babalik dito."

Nasaktan ang kalooban ni Ahsalie nang marinig ang mga salitang iyon. Hindi pera ang ipinunta nya doon. "Gusto ko lang pong makita ang Daddy ko..."

"Listen. Asawa ako ng Daddy mo. He doesn't need you. Kuntento na syang si Ahyalie lang ang anak nya. Im doing this for you," sabi ni Sylvia. Lalong humihigpit ang hawak nya sa braso ng dalaga. "Huwag mo nang sirain ang pamilya namin, okay?!"

"Pero----"

"This is my calling card. Tumawag ka pag kailangan mo ng pera. Ibibigay ko agad sayo. But be sure na hindi ka na ulit babalik dito, you understand?"

Nakayukong ibinalik ni Ahsalie sa palad ni Sylvia ang inaabot nito. She did not come here for money. "I came here for my father," sabi niya na lalong nakapagpanindig ng balahibo ng kausap. "That's all I need. Sa inyo na po yang pera nyo, hindi nyan mabibili ang Daddy ko."

Ngumisi si Sylvia at dinuro ang dalaga. "Oo nga naman, mas marami ka nga namang makukuhang pera kung si Alejandro mismo ang makakausap mo."

"I told you, ama ang kailangan ko.," sabi niya saka ngumiti ng bahagya dito. "Im expecting for something nice na makikita ko dito sa kinalakihan ni Ahyalie. And what I saw is your beautiful face. Thank you. I have to go," paalam niya saka sumakay sa taxi.

Awang ang mga labi na naiwan sa labas ng gate si Sylvia. Nakuha nito ang galing makipag-usap ni Alejandro! Through that finishing words, sya ang nagmukhang kontrabida samantalang pinoprotektahan lang niya ang kanyang pamilya.

Habang papalabas ang taxi na sinasakyan ni Ahsalie ay pumapasok naman sa loob ang kotseng lulan ang ama niya. Lumampas ang mga sasakyan sa isa't-isa pero si Alejandro ay hindi tumitingin sa gawi niya, nakayuko ito habang nagbabasa ng diyaryo sa backseat.

"AYOS!," masayang nag-apir sina Brent at Alwin. Narating ni Rolf ang finish line na ito ang nauuna. "Nobody can beat the light!!!"

Nakangising kinuha ni Drake ang premyo sa kapustahan. "Paano ba yan? Better luck next time."

Walang kangiti-ngiti na inabot iyon ng mga ito. Sino pa ang pwedeng tumalo kay Rolf Daniel El Greco?

Binilang naman ni Trixx ang inabot na pera ni Drake. Nagthumbs-up sya para sabihin na tama ang bilang niyon. "Tuloy na ang pagtulong natin sa foundation!"

Tiningnan ni Drake ang frat master habang nag-aalis ito ng mga suot na gears. Pagtulong sa mga cancer patients ang primary project ng Akdama ngayong taon. At ang bilin ni Rolf sa kanila ay walang gagamit ng pera mula sa mga magulang, sila mismo ang maghahanap niyon para mas magsumikap sila.

"Yeah. Nobody can beat the light," ulit ni Drake habang lumalapit na sa frat master nila. "Master Rolf, okay na to. Makakatulong na tayo. Our project is ready to launch."

Ibinigay ni Rolf ang helmet sa heneral at inabot ang list ng mga naipon nila. "Do you check the account? Naglagay dyan ng three thousand si Ahsalie."

Natawa si Drake. Pambihira talaga si Ahsalie. "Talagang nagpumilit pa din sya. As if na malaki ang maitutulong ng pera nya."

Iiling-iling na tumawa si Rolf. Naalala nya ang sinabi nito kahapon. 

"Inipon ko yan. Tanggapin mo naman!"

"Saan makakarating ang three thousand? Merienda ko lang yan," angil niya.

Pinanlakihan sya nito ng mata. "Hoy Rolf, dalawang linggo akong nagtipid para lang maipon yan tapos hindi mo tatanggapin?," tungayaw nito. "Gusto ko ding makatulong. Makunsensya ka naman."

"Pambihira talaga. Three thousand dalawang linggong pinag-ipunan?," sabi ni Rolf. Alam nyang hindi ginagastos lahat ni Ahsalie ang allowances na binibigay dito ng ama. Yung tama lang kinukuha ng girlfriend nya. "Well... That's what amazing about her."

Tatawa-tawang sumakay na si Drake sa sasakyan nya. Akdama is happier than before. Eversince na nakita ni Rolf si Ahsalie ay nagkaroon na ng tamang direksyon ang grupo. 

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon