KABANATA 13

1.1K 48 1
                                    

KABANATA 13

"WHAT the--!!!," galit na galit na pinanood ni Rolf ang record sa CCTV. Pinagmumura niya ang management ng eskwelahan. "That's all?! Ganung kadali nalagay sa kapahamakan ang girlfriend ko!" 

"Im sorry Mr. El Greco-----" 

"Ther's nothing to talk about. May you make the system better?"

Hindi na nakaimik ang mga personnel ng university. Hinila na sya ni Rolf palabas. 

"I told you na lagi ka dapat may mga kasama," iritable ito. "Ilang beses ka ng napahamak dahil ayaw mong may bumubuntot sayo na Akdama!" 

Tahimik na sumakay na lang sa front seat si Ahsalie. Binalikan nito ang sasakyan nito sa parking area. "Calm down okay... Wag nang mainit ang ulo kasi pwede nang paglagaan ng itlog..." 

Padabog itong sumakay at hinarap siya. "I told you na lumayo ka kay Zei di ba? Anong sasabihin ng boyfriend mo kapag napahamak ka?"

Kumot ang kanyang noo. "Ay naman... Yan na naman? Pasalamat pa nga ako kay Zei eh! Saka Boyfriend? Kailan ako nagkaboyfriend?"

Takang-taka itong tumingin sa kanya. "Yung isang araw? Your visitor in the garden?" 

Tawa nang tawa na pinisil ni Ahsalie ang tungki ng matangos nitong ilong. "Si Frederick yun... Pinsan ko yun..." 

Napaawang ang mga labi ni Rolf. Tumingin ito ng diretso sa kanya. "Single ka?" 

Balewalang tumingin si Ahsalie sa kanan para hindi nya ito matingnan. "Itanong mo sa buwan... Kung nalalayuan ka eh kay Mommy mo itanong," maikli pero nakakabwisit nyang sagot.

KINAGABIHAN ay halos lamunin ng lupa si Ahsalie habang kaskype nila ang mga magulang. Hindi nya akalaing itatanong nga iyon ni Rolf.

Natitigilang muling nagsalita si Salie. "An---anong tanong mo?" 

Itinaas ni Rolf ang mga paa sa lamesita. Kampante itong nakatingin sa monitor. "Kung single pa si Ahsalie. Sabi nya kasi itanong ko daw sa buwan o sa Mommy nya..." 

Damuho kang Rolf ka!!! Gustung-gustong maglaho ni Ahsalie. Hiyang-hiya sya sa ina. Sa unang pagkakataon ay may nagtanong dito niyon. Hindi nya alam kung saan magtatago habang si Don Joaquin ay nakangangang nakatingin sa kanyang ina na noon ay nangangatal na... 

"Joaquiiiiinnnnnnnn iuwi mo na ako!!!!!!!!" 

Alangan ang tawa na binawi na ng Don ang cellphone sa nagwawala nang si Salie. "Goodnight guys!," yun lang ang narinig nila at nawala na sa linya. 

Inis na inis na sinugod ng hampas ni Ahsalie ang binata. Hiyang-hiya siya sa nangyari."Nakakainis ka! Bakit mo tinanong si Mommy!," mangiyak-ngiyak niyang tanong habang hinahampas ito. Bale wala namang pinapanood lang siya ni Rolf. 

"Tumahan ka na diyan. Ni hindi nga ako sinagot ng mother mo... Yaan mo, I'll ask her again next time." 

Galit na muli sanang hahampasin ni Ahsalie ang binata pero pinigilan nito ang dalawang kamay nya. Tila papel sya nitong naiupo sa silya at kinorner doon habang ang mukha ay malapit na sa kanyang mukha. 

"Hep hep!," pigil nya sa binata. "Anong gagawin mo?!," 

Seryosong nagsalita si Rolf. Mahina lang iyon pero ramdam nya ang tibay ng bawat salita nito. "Hindi ko gustong nauunahan ako ni Zei sa pagtatangol sayo," anas ng binata habang nakatitig sa kanyang mga mata. "Nakuha na nya ang brown, hindi na ako papayag na pati ang hazel green ay maagaw nya..." 

Nagtindig ang mga balahibo ni Ahsalie nang lumalapit ang mukha nito. Hindi niya gets ang mga brown at hazel green na sinasabi ng binata. Gusto nyang humiyaw pero ndi nya magawa. Pati puso nya ay sasabog sa mga sandaling iyon. Hahalikan ba sya ni Rolf?! Bakit hindi sya gumagalaw para tumanggi? 

AHSALIE: THE REAL LOVE HUNTRESSМесто, где живут истории. Откройте их для себя