Finn Lucas's (POV) 03

80.1K 1.9K 188
                                    

Lucas's (POV) 03



She threw me away after she got what she wanted from me. She didn’t even give me time to process everything. Did she really just need a fuck like she said? Does she really only think of me as a debt payment? Am I really just my father's debt collateral for her? Iyon lang ba talaga ako? She got her fill and satisfied so now she’s going to throw me away.

She might have heard it. Maybe she’s awake when I whispered to her I love you. Kasi maayos kami bago iyon. We’re all good not after I said that. Ayaw ba niya ng ganoon? Nabigla ko ba siya? Hindi ba siya handa? Dapat ba naghintay pa ako? Dapat ba mas nag-ingat ako para hindi niya nahalata na mahal ko na siya?

"If you want to pay, then pay, but you don't have to stay in my house. I got what I wanted, I don't need you there anymore." That’s what she said.

That’s clearer than clean water but I can’t still see the logic. I don’t understand. If I satisfied her why did she have to leave me? She should have fuck me more. She should have let me stay. Handa naman akong magpagamit. Sana ginamit niya pa ako ng mas matagal.

“Lucienne!”

Malayo na ang sasakyan niya at hindi na ako maririnig. Alam ko na dapat tumigil na ako kasi ayaw na niya. Alam ko na dapat hindi ko na siya pinipilit. Pero ano ang magagawa ko? Walang tindahan na nagbebenta ng pambura para mabura ko ang nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay mahalin siya. Ang tanging alam ko ay habulin siya. Ang tanging alam ko ay nasasaktan ako dahil ayokong iwan niya ako. Ayos lang na paglaruan niya ako basta’t nasa tabi niya.

“Ate Ysa, pakiusap sabihin mo naman po kay Lucienne mag-usap kami kahit ilang minuto lang. Kahit dito lang ako sa labas. Hindi niya kailangan buksan ang gate mag-uusap lang kaming dalawa.”

Hindi ko alam kung kaaya-aya pa ba ang itsura ko dahil naglakad lang ako papunta rito sa kanila. Nandito ako sa labas ng bahay niya na tanging sarili ang dala. Ni hindi ko na maalala kung saang lugar ko iniwan ang aking bag para habulin ang sasakyan niya.

“Kung hindi siya papayag pakisabi na kahit sagutin niya na lang ang tawag ko sa kanya. Kahit hindi siya magsalita, Ate Ysa, ako lang ang magsasalita.”

Nagmamakaawa ako kanina pa sa guard pero ibinilin daw na hindi ako puwedeng papasukin. Mabuti na lang at lumabas si Ate Ysa nang makita akong nasa gate. Pumasok muli sa loob si Ate Ysa. Nakaabang ang mga mata ko sa bintana ni Lucienne. Saglit niya lang akong sinulyapan at pagkatapos ay lumingon sa iba. Ilang sandali lang, lumabas si Ate Ysa.

“Pasensya na, Lucas.”

Umiling ako at humigpit ang hawak sa gate ng bahay nila. Tiningala ko ang bintana niya. Bago pagbagsakan ng kurtina, nakita kong malamig ang mga mata niya at galit. Saan siya nagalit? Saan sa mga ginawa namin? Saan sa mga ginawa ko? Gusto ko siyang makausap kahit saglit lang. Gusto kong itanong kung ano ang problema kasi pakiramdam ko mababaliw ako sa kaiisip kung hindi ko alam kung anong problema ang dapat kong ayusin para maging maayos kaming dalawa.

Yung sinabi ko bang I love you? Pwede kong bawiin iyon. Kung ayaw niya ng ganoon okay lang sa akin kahit hindi niya ako mahalin. Hindi ko na iyon muling sasabihin kung ayaw niya. Magpapanggap ako na hindi ko siya mahal kung iyon ang gusto niya. Kung sa kama naman, mas gagalingan ko kung iyon ang problema. O iba pa? Kung ibang bagay puwede naming pag-usapan iyon. Makikinig naman ako at susundin ko siya.

“Lucienne,” nabasag ang boses ko. “Ate Ysa, si Lucienne bakit ayaw akong kausapin?”

Nagsusumbong ako kay Ate Ysa kasi hindi ko na alam kung sino ang kakausapin ko. Napahilamos ako ng mga kamay sa aking mukha. Nabasa ang palad ko sa nasalong luha. Umuuga ang balikat ko at nanginginig ang labi. Hindi na ako nagsalita. Nasa harapan ako ng gate at umiyak na lang sa harapan ng mga guard at ni Ate Ysa.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now