Her Innocent Slave 44

88.4K 2.2K 308
                                    

(HIS) Chapter 44





"What the fucking hell?!"

I shouted and unintentionally throw out some chips to the couch where I was sitting when I saw Reo. Natawa siya sa reaksiyon ko nang makita niya na nasipa ko rin ang center table.

“Aw! Fuck!”

"Surprise!" He smiled and walked to the back of the couch to hug me from behind. “We haven't seen each other in months but your mouth is still gross.”

Abala pa akong damahin ang sakit ng paa ko habang niyayakap niya ako. Kahit nasaktan ay hindi nabawasan ang gulat ko.

What the hell is this man doing here? Oh my god! I missed him!

Narinig ko ang tawa ni Aina sa kusina. Siya ang nagbukas sa pintuan ng condo. Akala ko’y nagpa-deliver siya o may inaasahan lang siya na bisita. Hindi niya sinabi na si Reo ang dumating.

“I almost died from surprise, you idiot!” Mabuti at nasa bahay lang ako at hindi nagmamaneho.

Ngumuso ako nang humalakhak siya. Nasa anyo ko pa rin ang gulat nang hinila ko siya paupo sa tabi ko at mabilis na niyakap. Nagyakapan kaming dalawa. Mas mahigpit nga lang ang yakap niya. Nasa dibdib niya ang aking mukha kaya’t naramdaman ko nang humugot siya ng paghinga.

“I heard what happened.”

Humiwalay ako ng yakap at isinandal ang ulo sa balikat niya.

"I don't want to say sorry ‘cause I don't want you to feel sad but…I'm really sorry for your loss. For our loss,” nang-aalo niyang tinapik ang gilid ng ulo ko.

Naging kaibigan at kabiruan na rin siya ni daddy. Botong boto pa nga si daddy kasi akala niya nang una’y totoo na mayroon kaming relasyon ni Reo. Malambing kami sa isa’t isa at madalas mapagkamalan. Minsan ang sagot namin ay oo magkasintahan kami. Minsan, sinasabi ko na tito ko siya para lang mang-asar. Kahit hindi magkalayo ang edad namin at hindi kami magkamukha’y maraming naniniwala.

“Kung alam ko lang na mamamatay si daddy, pinakasalan na sana kita at pinagtiyagaan. Nabigyan ko sana siya ng apo kahit nakakadiri ang lalaking kasama kong gagawa ng bata. Pumikit na lang sana ako o kaya patayin na lang natin ang ilaw.”

Umaalog ang balikat niya dahil natawa.

“Ako pa ang pagtitiyagaan mo? Ako nga ang lugi sayo kung nagkataon.”

Inangat ko ang ulo ko at pagilid siyang pinatay sa tingin. Tinulak niya ang ulo ko at ibinalik iyon sa pagkakasandal sa balikat niya.

"I also heard about your sister…”

Nagbuntong hininga ako at naisip na naman ang sitwasyon namin ni ate.

"Hindi ako kaagad nakapunta. Huli ko nang nabalitaan. Yung isa kasi diyan, hindi na ako naalala.”

Humagikgik ako nang paringgan niya ako. Inangat ko ulit ang ulo ko para tingnan siya ngunit pinigilan niya iyon at ibinalik ulit sa balikat niya.

"How are you feeling right now?"

"Ayos na…kahit paano. Patuloy lang ang pag-iimbestiga kahit isa na ako sa suspect ngayon na itinuturo ni ate…”

Hinawakan niya ang kamay ko at sinilip ako mula sa balikat niya.

"May gagawin ka ba ngayon? Gusto mong lumabas tayo ni Aina?"

"Ilang araw ka ba rito?"

"Two days lang. I have to go back the day after tomorrow," ani niya. “Hindi ako nakapag-leave ng matagal dahil nang makarating sa akin nagpaalam kaagad ako kahit dalawang araw lang.”

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon