Her Innocent Slave 51

96K 2.3K 87
                                    

(HIS) Chapter 51



Kinagat ko sa loob ng aking bibig ang gilid ng labi ko. Ang nakasimbakol na mukha kanina’y napalitan na naman ng pangangamatis ng mukha. Pinaglalaruan ni Lucas ang mga daliri ng kamay kong nasa hita niya. Ang Lola niya’y nagtatampo pa rin na nakatingin sa apo niya. Ang Lolo naman niya’y nagsimula nang kumain.

"Naghihintay ako na ipakilala mo ang girlfriend mo ngunit ang madalas mong dahilan ay abala ang kasintahan mo! Kung hindi pala namin siya natagpuan sa dalampasigan ay hindi namin siya makikilala at tila wala kang balak na dalhin dito!”

Nagkatinginan ulit kami ni Lucas. Ako ba ang tinutukoy ng Lolo at Lola niya o si Catelynn? Abala? I’m busy studying in Japan pero malay ko rin ba kung iba ang tinutukoy ng Lola niya.

Napalabi ako dahil nalilito sa sinasabi ng matanda. Wala naman kaming relasyon noon kaya’t paano niya ako ipakikilala. Ayon kay Lucas ay ako pero five years ago ay si Catelynn ang girlfriend niya, hindi ba? We’re having sex in the island but that doesn’t mean na aabot kami sa ipapakilala ang isa't isa sa pamilya. Though, kilala na siya nina ate at daddy noon pa.

"She’s really busy Lola. She was in Japan so I couldn't bring her here. Nitong mga araw, hinahanap ko siya kaya hindi ako kaagad nakauwi. Mabuti po at kayo ang nakakuha sa kanya."

Nginitian ako ng Lolo niya pero ang matandang babae’y tumigil sa pagkain at nagsimulang mag-kuwento kay Lucas.

"Aba’y nabitiwan ko nga ang mga kapipitas ko lamang na gulay! Nasa batuhan kasi siya! Natakot pa nga ako dahil akala ko’y sirena dahil nakatago ang kalahati ng kanyang katawan sa batuhan! Magandang babae at walang malay! Ang haba pa man din ng buhok at iba pa ang kulay hindi itim!"

Napapangiwi ako sa eksaheradang kwento ng Lola niya. Hindi naman niya ito nai-kuwento sa akin. Mukhang totoo naman ang sinasabi niya na aakalaing sirena ako dahil nasira rin ang damit ko noon kaya’t maaaring labas ang katawan ko.

"Pagkalapit ko at saka ko lang nakita ang mga sugat niya! Mayroong mga pasa sa pulsuhan at gasgas at pasa sa buong katawan! Nagmadali ako sa paglapit nang makita ang maraming dugo sa balikat niya! Ang laki pala ng sugat! Napasukan ng mga buhangin at maging ng maruming tubig dagat! Pinulsuhan ko pa nga at akala ko’y patay na!”

Natigilan si Lucas sa paglalaro ng mga daliri ko at tinitigan ako ng seryoso. Nagsasalita pa ang Lola niya ngunit nasa akin na ang mga mata niya at ang buong atensyon niya.

"Nadulas daw siya sa bangin at tinangay ng dagat! Saan ka ba nanggaling nang araw na iyon, ineng?”

Tipid akong ngumiti at bumuo ng ibang kuwento. Tahimik na si Lucas habang nasa tabi ko. Madalas niya akong sulyapan hanggang sa matapos na kaming kumain. Pagkatanghalian ay nag-usap sila ng Lolo niya. Maraming tanong ang mga matatanda at ni hindi na namalayan na madilim na.

Pagkatapos ng hapunan ay nauna siyang umakyat sa kuwarto. Ako naman ay tumulong pa muna sa Lola niyang maglinis ng pinagkainan. Pagkatapos maghugas ng pinggan, marahan akong nagpunas ng kamay at lumapit sa hagdan para umakyat.

Wala siyang kibo sa hapag at tahimik lang. Mukhang galit at malamig. Ano kaya ang malalim na iniisip niya? Ano ang ikinagagalit niya?

Madiin ang kagat ko sa ibabang labi nang pumasok ako sa kuwarto. Agarang nagtagpo ang tingin namin pagkahawi ko sa kurtina na pinto. Tahimik siyang nakaupo sa dulo ng papag at malayo ang tingin kahit sa akin lang naman siya nakatingin.

Lumapit ako at tumayo sa harapan niya. Umayos siya ng upo at tiningala ako. Lumambot ang tingin niya pagkahila niya sa akin palapit. Nasa pagitan na ako ng mga hita niya at ang mga braso niya'y mabilis na ikinulong ang maliit na bewang ko.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon