Her Innocent Slave 38

88.7K 2.2K 360
                                    

(HIS) Chapter 38


Nanatiling nag-iinit ang mga mata ko sa galit kahit pagkatapos ko silang iwan sa kusina at patakbong magtungo sa kuwarto.

"Attorney Salazar is here. We will wait for you in the study room."

Huminga ako ng malalim nang katukin ako ni ate. May kaonting lamig pa rin sa boses niya nang tawagin ako. Kung walang declaration na mangyayari duda akong kakausapin niya ako ngayon.

Pagkabukas ko sa pintuan ng study, kumpleto na sila sa loob. Natutok sa akin ang mata nilang lahat. Si ate at ang boyfriend niya. Si Attorney Salazar at ang kasama nitong apprentice niya. Tahimik akong umupo na hindi nililingon ang puwesto nila ate.

"You called me here to read Mr. Malcolm Campbell last will and testament."

"Yes."

Kumuyom ang mga kamay ko nang ang sumagot ay ang boyfriend ni ate. Nilingon ito ng attorney ngunit tumikhim lang at hindi na nag-komento kung bakit ito ang sumagot.

"This is a document signed by your father. Sa kasulatan na ito ay malalaman kung kanino mapupunta ang mga ari-arian niya."

Napalingon ako sa kinauupuan ng boyfriend ni ate nang gumawa ng ingay ang upuan niya. Bakas sa mukha na nagulat siya sa sinabi ni Attorney.

"Kung kanino mapupunta? I thought this is a declaration of properties?"

Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya at hindi ako nagsasalita. Nadadagdagan ang duda ko sa mga kaduda-dudang reaksyon niya.

"Yes. Declaration of properties. A last will and testament."

Tamad nitong sinagot ang boyfriend ni ate. Binuksan ng Attorney ang folder at tiningnan na lamang ng tahimik ang mga nakasulat doon.

"I thought that this declaration is a declaration that all of his properties will be passed to Riaca?"

Nauubusan ng pasensyang huminga nang malalim ang lawyer. Tinitigan nito ng mabuti ang maingay na lalaki.

"This is for the two daughters. Are you Mr. Campbell's son?"

Napaayos sa pagkakaupo ang boyfriend ni ate.

"No. I am Riaca's boyfriend."

"Then, do you want me to continue or do you want us to waste our time and argue about his testament?"

Gusto kong matawa dahil sa pambabara sa kanya nang Attorney. Hindi ba't dapat ay kaming dalawa ni ate ang nagtatanong at hindi siya? Maaaring may edad na si Attorney Salazar ngunit istrikto pa rin ito at hindi ipi-filter ng dila ang salita lalo na kung tungkol sa mga ganitong bagay ang pinag-uusapan.

"This is not the proper reading of the last will but you requested it so here I am."

Tinitigan ko ang attorney. Kung wala ang boyfriend ni ate ayos lang sa akin na kay Ate Riaca mapunta ang lahat. Pero ngayon, hindi ako papayag na walang mapunta sa akin at mawalan ako ng karapatan dahil masama na ang kutob ko sa boyfriend niya.

Madali niyang napapa-sunod si ate. I could see how he can easily manipulate and brainwash my sister. Hindi ako papayag na mapunta sa kanila ang lahat at wala akong maisalba sa mga iniwan ni daddy.

Sasagot sana ang boyfriend niya ulit kaya nagsalita na ako. Hindi ito matatapos kung magrereklamo siya nang magrereklamo.

"Could you zip your mouth for a minute and let him talk?" Iritado kong angil.

I rolled my eyes when my sister and her boyfriend both glared at me. Mr. Salazar cleared his throat and continued talking.

"This is a legal document..." Mr. Salazar started talking. "Riaca Campbell and Lucienne Campbell, daughters of Malcolm Campbell. This will and testament has nineteen pages. Hindi ko na babasahin ito nang buo sa inyo at ibibigay ko na lang ang copy pagkatapos ng araw na ito. You requested me to read it aloud, so let's skip everything not matter and just get it straight to the point."

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now