Her Innocent Slave 41

90.9K 2.1K 128
                                    

(HIS) Chapter 41





Binigay ko ang statement ko at nagpasa na rin ng kaso. Nakaalalay siya sa lahat ng ginagawa ko. Nabahala pa ako nang mapansin ang isang sasakyan na nakasunod sa likuran ng sasakyan niya. Napansin niya ang pagkabalisa ko kaya’t agaran siyang nagpaliwanag na pinasunod niya ang mga bodyguards sa amin.

Bago pa kami makauwi, tumawag si Rome at niyaya ako na magdinner. Na tinanggihan ko dahil nag-message si Aina na nagluto siya ng hapunan at nais na sabayan ko siyang kumain.

Pagkahatid ni Lucas sa akin sa parking lot, hindi ko alam kung yayayain ko ba siya na umakyat o pauuwiin ko na. Hinarap ko siya habang inaalis ko ang seatbealt ko. Nakaabang na ang tingin niya sa akin kaya halos hindi ko matanggal ang seatbelt na suot.

I could hardly breathe while his intense and dark eyes bored me like this. He said that he’s professional while at work. Now that we are done with what we need to do for today, is he done being a professional too?

"Nagluto si Aina. Gusto mo bang umakyat sa itaas para sumabay sa hapunan? O may lakad ka pa?" Sa huli, tinanong ko na rin siya.

Hindi pa ako tapos magsalita’y umiling na siya. Hindi ko tuloy alam kung oo o hindi ba ang sagot niya. Nasagot lang ang tanong ko nang magtanggal siya ng seatbelt. Tinitigan ko siya at nakitang nandoon pa rin ang intensidad sa mga mata niya. Nag-iwas ako at nagpatiuna nang bumaba.

“Aren't you busy and don't have other clients?” Tanong ko pagkapasok namin sa elevator.

Mas nakakailang kasi kung pareho kaming tahimik at hinga lang namin ang maririnig namin. Amoy na amoy ko pa man din ang pinaghalong pabango at natural na amoy niya dahil kulob ang elevator.

“I have clients but they need to have an appointment and go to my office if they need to consult something.”

Hindi ko na naman napigilan sa pagtaas ang kilay ko.

“I don't need to make an appointment to consult with you,” ngumisi ako. “Why tho?”

Naabutan ko ang paglukot ng kanyang mukha sa repleksyon niyang nasa pintuan ng elevator.

“You’re Rome’s friend,” maikli ngunit malamig niyang dahilan.

Pinigilan kong matawa.

“Kung ganoon, kailangan kong magpasalamat kay Rome?” Tudyo kong patanong.

“Ganoon na nga,” pagtatapos niya sa usapan.

Umirap muna ako bago lumabas sa elevator. Pagkapasok sa unit, nakapagluto na si Aina. Uupo na lang kami at kakain. Sinenyasan ko siya na dagdagan ang plato sa hapag. Nakuha niya naman nang makitang may kasama ako at nasa aking likuran.

“Magbibihis lang ako,” paalam ko kay Aina.

Bago ako pumasok sa kuwarto, narinig ko ang pag-entertain niya kay Lucas. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa na-introduce si Aina sa kanila ni Rome. Palagi siyang tulog kapag nandito sina Rome at Lucas. Hindi ko rin alam kung naalala niya bang ito ang lalaking nakasagutan ko sa nightclub.

“Alam kong hindi ka stranger kay Lucienne nang una ko kayong makitang mag-usap sa club! Kaya pala! Matagal na pala kayong magkakilala!”

Ginigisa na ni Aina si Lucas pagkalabas ko.

“Magkaibigan ba kayo o magka-ibigan?” Feeling close nitong tanong.

Tila nakahinga si Lucas nang matanaw akong lumabas sa kuwarto. Uminom muna si Lucas ng tubig at hinintay akong makalapit sa lamesa bago siya umambang sasagot kay Aina.

“We’re schoolmates,” inunahan ko siyang sumagot. “We’re not friends. We’re not lovers. We’re just schoolmates.”

Naisara ni Lucas ang bibig niyang pasagot sana kay Aina. Pinagdiinan niya iyon at tiningnan ako ng masama. Ano ba ang dapat na isasagot niya? Kahit nga fuck buddies, wala kami. Wala lang iyon. Nag-sex lang kami pambayad utang niya. Like he said, walang nawala sa kanya. It’s a win win in his situation, right? Kaya bakit ang sama niyang makatingin sa akin?

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now