Her Innocent Slave 49

89.2K 2.1K 138
                                    

(HIS) Chapter 49





The peaceful sound of the waves and the cry of the birds woke me up. Dumilat ako at bumungad sa paningin ko ang bubong na gawa sa pawid. Hinahampas ng hangin ang puting kurtinang nakatabing sa bintanang yari sa pinaghalong pawid at kawayan. Nang tuluyang magising at mapagtanto na hindi pamilyar sa akin ang lugar na minulatan ko’y napabalikwas ako.

“Ugh!” Mahina akong dumaing at napahawak sa balikat kong mayroong nakatapal na halamang gamot.

Tumulala ako sa sahig na gawa sa kayumangging kawayan. Maging ang papag na kinahihigaan ay ganoong gawa rin sa kahoy. Ang pinto ay walang harang kung hindi kurtina lamang. Bahagyang hinangin ang kurtina dahilan para malaman kong nasa pangalawa akong palapag. Hindi ganoon kataas ngunit mayroon ilang baitang na hagdan bago makababa sa sala.

Nakatakas ako…

Buhay ako…

Pinigilan ko ang sumilip na luha sa gilid ng aking mga mata. I'm not afraid of death but I never thought I'd be so happy because I survived and I'm still alive. Marahil ay ganito ang nararamdaman ng mga taong nasa bingit ng kamatayan na gusto pang mabuhay dahil may misyon pang hindi nagagawa.

Sa halip na iyakan ang nangyari ay tumayo ako upang makasilip sa bintana at mahanap kung sino ang mga taong gumamot at nagdala sa akin dito. Mayroon poso sa labas at nandoon ang isang matanda na babae, naglalaba ng mga damit. Kunot ang noo ko na nagbaba ng tingin sa aking suot. Nakasuot ako ng bulaklakin na daster. Hindi pasok sa panlasa ko ngunit hindi rin mukhang pang-matanda kaya’t tingin ko ay hindi ito pagmamay-ari nang matandang babae na nasilip ko sa labas.

Bumalik ako sa kahoy na higaan at naupo. Walang kutson at nasasapinan lamang ito ng banig at tela na pang-sapin. Ilang sandali kong pinagmasdan ang sugat ko sa balikat at ilang pasang natamo sa aking katawan. Tumayo ako at hinawi ang kurtina na nakatabing sa pinto. Niyuko ko ang hagdan pababa na gawa sa kawayan. Mula rito sa itaas ay tanaw ang kusina at sala. Kapag bukas ang main door ay tanaw din ang labas. Makinis na kulay pula ang semento ng sahig at lahat ng kagamitan ay kahoy maging ang mga upuan at mga lamesa. Napatingin ako sa pinto ng sala nang marinig ko ang pagkalansingan ng mga kabibe na ginawang kurtina pangharang sa pinto.

"Gising ka na pala, ineng? Halina at bumaba ka rito."

Napakurap ako at wala sa sariling sumunod sa sinabi niya. Nakaupo ako habang bumababa sa hagdan na kawayan. Madulas iyon at pakiramdam ko ay mabilis akong madudulas kung wala akong hahawakan. Nakatitig ang matanda sa akin pagkalapit ko sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain na inilapag niya.

"Naaalala mo ba ang pangalan mo?"

Tumango ako at ibinuka ang labi para sumagot. Natigilan lang ako nang maalala ang nangyari. Paano kung isipin nila na buhay pa ako at hanapin ako ng boyfriend ni ate? Kailangan ko munang magpagaling. Hindi ko sila mahaharap na ganitong sugatan ako at nanghihina pa ang katawan. Kung babalik ako at ituturo siya, hindi ako makakasiguro na hindi niya ito malulusutan. Kailangan ko ng matibay na ebidensya na maituturong siya ang may gawa ng pagpatay kay daddy at pagkidnap sa akin. Mas mabuti nang isipin nila na namatay ako dahil sa ginawang pagtalon sa bangin nang sa ganoon ay hindi niya mapaghandaan kung lilitaw ako. I want him to be cornered and not have time to leave to run away from all the bad things he committed.

"Opo,” bulong ko at hindi na binanggit ang buong pangalan.

Tumango naman ang matanda at pinaupo ako.

"Malayo ang mga kabahayan dito. Nakita kita riyan sa dalampasigan at tingin ko ay tinangay ka ng malakas na alon. Ang dami mong pasa at sugat sa katawan. Ano ba ang nangyari at bakit mayroon kang malaking sugat sa balikat mo?"

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now