Her Innocent Slave 32

85.8K 2.2K 95
                                    

(HIS) Chapter 32







I was stunned for a second from what I've heard but I stretched my hand normally to take my card back and stepped out from the salon like I heard nothing. It was Leela. Before I left I took a glimpse of them through the mirror and I saw her sharply looking at my back. Hindi siya nakatingin sa salamin kaya hindi niya alam na nakita ko siya. Sa likod ko siya nakatingin habang naglalakad ako palabas. Catelynn was looking at my back too. Her eyebrows were knotted as if I was forbidden from that place.

Does Leela think I will be insulted with that word? It was obvious that she made me hear that on purpose. 'Bitch' word can't insult me, I'm worse than bitch. I sighed and rolled my eyes. I don't have much time for their drama. I'm here because dad wants me to come home and I don't want to do anything about them anymore.

After that day, I received a call from Rome. He said that he had to attend to some important matters first. Tumawag siya sa umaga at iyon ang sinabi ngunit pagkatapos mananghalian ay nakatanggap muli ako ng tawag mula sa kanya. Nagtanong kung gusto ko raw bang maghintay sa kanya sa resort ng hotel. Sa hotel kasi ang huling client niya sa araw na ito. He sent me his client's room number because I needed the room number to let me into the resort. Pagkatapos niya, doon na kami magkikita.

Pumayag ako na maghintay sa resort kaya naman ngayon ay nagmamaneho ako papunta sa sinabi niyang hotel. Maingay ang kalsada dahil sa dami ng mga sasakyan ngunit pagpasok sa highway na papunta sa hotel, wala nang masyadong sasakyan at ilan-ilan na lang.

"Good morning!" Bati nang babae sa front desk.

"I'm meeting someone at the resort. I need to know the floor."

"The resort is on the third floor, Ma'am," she smiled and asked a man in the concierge to lead me to the elevator.

Nakakabingi ang katahimikan sa elevator kaya pagkalabas at pagkarating sa tamang floor ay napangiti ako dahil nagkaroon ng ingay galing sa mga guest ng hotel na naliligo.

A staff resort asked me for a room number. She handed me a paper bracelet but I declined because I'm not here to swim. Nagtungo ako sa isang bar restaurant doon at naupo. I ordered an orange milkshake and called Rome to inform him that I'm already here.

Hindi pa napapangalahatian ang inorder ko, napatayo na ako nang matanaw ang pagtakbo ni Rome papasok sa entrance ng resort. Nakasuot siya ng itim na square cat eye sunglasses. Makulay ang suot niya na damit. Mayroon siyang suot na mga alahas at nasa kanan na braso ang shoulder bag na dala. Maarteng nakataas ang mga kamay niya habang tumatakbo siya.

Nagmamadali siya sa pagpasok. Natigil lang siya sa pagmamadali nang matanaw ako. Tumigil siya sa pagtakbo ilang hakbang mula sa akin. Bahagya niyang ibinaba ang suot na salamin upang silipin ako at titigan mula ulo hanggang paa. Wala naman masyadong nagbago sa akin. Bahagya lang akong pumuti at mas kuminis ang balat dahil na rin sa klima sa Japan.

"Oh my god! Is that really you?" In his overly critical voice. Nakataas pa ang kilay niya.

"Long time no see, Rome." I said with my undying trademark evil smirk.

"Oh my goodness! There's no doubt it's really you!"

Pagkasabi niyon, nilingon niya ang entrance. Nanlalaki ang mga mata niya nang muli siyang bumaling sa akin. Sa halip na maupo at makapag-kwentuhan, hinawakan niya ako sa aking pulso at hinila ako papunta sa kabilang panig ng bar resort.

Nagtataka man sa ginawa niyang paghila, nagpahila na lang din ako. Tumigil kami sa gilid ng mga pambata na pool. Mayroon pambata na slide at mushroom fountain banda rito kaya natatabunan kami at hindi nakikita ng mga bagong guest na pumapasok.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now