Her Innocent Slave 22

108K 2.3K 85
                                    

(HIS) Chapter 22









I changed from rock climbing clothes to cliff diving swimwear. Tatlong swimwear ang dinala ko ngunit ang ang itim na string bikini ang pinili kong isuot. Si Lucas, tahimik pa rin na nakasunod sa likuran ko. Walang imik kahit nang tinatawid na namin ang matutulis na mga bato. Inaalalayan lang ako minsan ngunit madalas kapag walang delikado na tatawirin, nasa likuran ko lang siya at hindi humahawak. Ewan ko kung bakit kailangan pang magbantay sa likod. Kahit hindi niya naman ako tulungan, kaya ko ang sarili ko.

Nang nasa hotel room kami, ang alam niya ay magki-cliff diving lang kami sa mababa na parte. Nagtatalo pa kami sa kuwarto dahil ayaw akong payagan na tumuloy kami dahil delikado raw.

Hindi ko sinabi ang tungkol sa rock climbing at nalaman niya lang nang nasa bangka na kami. Hindi niya rin alam na ganito katulis ang mga bato na tatawirin papunta sa cliff para mag-dive. Kung madapa ka o kung lalampa-lampa, na-injure ka na o 'di kaya naman ay paglalamayan ka na pag-uwi.

Sa cliff diving naman, hindi niya alam na mataas ang cliff na tatalunin ko. Hindi ko sinabi dahil naisip ko na hindi siya papayag at baka hindi pa kami matuloy. Ito nga ang mga pinunta ko rito 'tapos pipigilan niya ako? Marunong siyang umakyat at magaling lumangoy kaya hindi ako nag-aalala kung hindi ko man ipinaalam sa kanya. Kaya niya naman ang sarili niya at kaya ko rin ang sarili ko.

"Yes! This is it! We're here!" 'Yung tomboy na kasama namin ang sumigaw.

Hinid ko napigilan ang pagkiling ng ulo upang lingunin si Lucas. Nahuli ko ang pagkunot ng noo niya at lalong pagdilim ng mga mata nang makita kung gaano kataas ang cliff na pinagsinungaling kong mababa.

"This is not what you told me!" Lumapit siya at hinawakan ako sa braso para pigilan ako na lumapit sa cliff. "Ang sabi mo mababa lang ang cliff!"

"I didn't tell you because I knew you would react like this! Ayokong maudlot ang lakad na ito!" Inirapan ko siya at binawi ang braso kong pigil-pigil niya.

Tinalikuran ko na siya bago pa niya ako mapigilan ulit. Lumapit ako sa mga nauna nang nandoon. Nakatanaw sila sa tubig sa ibaba. Nakakalula ang taas nito kung hindi ka sanay. I heard that this cliff is eighty five feet high. I came here because of this. Isa ito sa mga dahilan kaya excited ako at tinupad ko ang pangako ko kay ate. Ang madalas na taas ay hanggang sixty five feet lang kahit sa ibang bansa. That's why I came here. To see with my own eyes how high this cliff.

There's a professional divers and medic nearby, just in case something bad happens if we jump. I actually don't find it dangerous. I instead find it exciting. Kating-kati na akong tumalon. Nawala lang ang tingin ko sa tubig nang hinila ulit ako ni Lucas paharap sa kanya. Hinila niya ako palayo sa cliff. Iniisip yata na baka bigla akong mawalan ng balanse o 'di kaya'y madulas at mahulog doon.

"You are not going to jump! Hindi mo ba nakikita kung gaano kataas iyan? Paano kung magkamali ka ng bagsak? You can break your bones or die, Lucienne!"

His eyes were bloodshot. Galit na galit. Talagang desidido siyang makipagtalo sa akin. Ang isang guide na kasama namin ay nakatingin na sa aming dalawa.

"Alam ko iyon lahat! Kung ayaw mong tumalon, bumaba ka! Nandiyan ang daan, oh!" Sigaw ko at tinuro ang mga bato pababa sa tubig.

May mga bato sa gilid na maaaring daanan pababa kung magbago ang isip at ayaw nang tumalon. Sinulyapan niya lang iyon at agaran din ibinalik sa akin ang mata. Mabilis na ang paghinga niya at namumula sa galit. Masama ang tingin niya sa akin. Na para bang gusto niya na lang akong ipasan sa balikat niya at ibalik ako sa hotel.

"I came here because of this, Lucas! I love all extreme dangerous sports! I love doing this! Kung pipigilan mo ako sa mga gagawin ko, ipapahatid na lang kita kay ate pabalik sa Manila!"

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now