Her Innocent Slave 53

102K 2.3K 125
                                    

(HIS) Chapter 53






My heart skipped a bit. I close my eyes and all of a sudden I am constantly replaying it in my mind, repeatedly thinking how he said he loves me. Alam ko na iyon bago pa niya sabihin pero iba pa rin pala kapag sa bibig niya mismo nanggaling.

What am I feeling right now? Kilig? It's corny but I have nothing else to call it. I never thought I would use that word. It's so uncool.

"Pagkatapos mong sabihin na mahal mo ako tutulugan mo ako? Madaya ka!" Kinurot ko siya sa braso. Natawa ako nang umungot siya. Mukhang naramdaman ang kurot ko kahit siya'y tulog.

Pagkasabi niya na mahal niya ako ay humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw hanggang sa marinig ko na lang siyang naghihilik na ng mahina. Malagkit pa kami at hindi man lang nakapaglinis. Hindi rin ako makatulog kahit napagod ako sa ginawa namin. Sa tuwing gumagalaw ako ay automatic na humihigpit ang yakap niya kaya't hindi ako makaalis kahit gustuhin kong maglinis. He was asleep so I knew he was doing it unconsciously. It's just a natural reflex of him while hugging me.

Huminga ako ng malalim at naalala na nasa kabilang kwarto lang ang dalawang matanda. Habang gumagalaw si Lucas kanina ay pakiramdam ko gumagalaw din ang buong bahay dahil sa marahas na paggalaw niya. We can't use earthquakes as an excuse because we're noisy.

Pumikit ako at pinilit matulog kahit maaga pa ang gabi. Ilang oras pa lang ang tulog ko at pakiramdam ko nakaidlip lang ako nang maramdaman ko ang galaw ni Lucas. Wala kaming suot pareho na damit. Nagsumiksik siya sa katawan ko upang maibsan ang lamig ng gabi. Ba't kasi hindi tumayo, maglinis, at magbihis? Para siyang pagod na pagod at ngayon lang binabawi ang mga nanakaw na tulog sa kanya noong hinahanap niya ako.

Hindi ko alam kung anong oras na-diretso ang tulog ko. Basta ang alam ko nang nagising ako ay mataas na ang araw. Napabalikwas ako ng bangon kahit pakiramdam ko'y kulang pa ang tinulog ko. Pagkatapos magkusot ng mga mata, umungol ako ng pagtutol at bumalik sa paghiga. Nakahubad pa ako at tinatamad bumangon para magbihis.

Sa ginawang paghiga'y nakatulog ulit ako. Mabababaw na halik ni Lucas sa awang na bibig ko ang gumising sa akin. Ni hindi ko alam kung naghihilik ba ako bago ako magising. Pinagsawalang bahala ko na kahit pa ano ang itsura ko. I'm tired and I don't feel like being classy today. Anyway, I don't have any classy things here either. I'm just a normal poor person here.

Paulit ulit akong naghikab bago nakita na iba na ang kulay ng araw. Kulay kahel na iyon bilang patunay na hapon na. Palubog na nga yata ang araw. Bumangon ako. Naipikit ko ang aking isang mata nang pakiramdam ko'y may lumagutok sa buto ko. Masakit ang mga tuhod, hita, likod, at balakang ko. Hindi sumakit ng ganito katindi ang katawan ko. Nang dumating si Lucas saka lang ako nagkaganito.

"You haven't eaten yet." The culprit whispered and touched my lips with his thumb.

"Anong oras na ba?" Paos na tanong ko.

Umubo ako at nagpakuha sa kanya ng tubig. Pakiramdam ko natuyuan ako ng lalamunan. Sa kasisigaw ba ito o sa sobrang pagtulog? Umakyat siya na hindi lang tubig ang bitbit. May mga pagkain na rin siyang dala.

"I have to go back to Manila next week. Aayusin ko ang kaso mo."

Nag-angat ako ng tingin at natigil sa pagkain. Malungkot akong tumingin sa kanya dahil maiiwan ako ditong mag-isa. Gusto kong sumama pero alam ko na hindi pa puwede. Makakagulo at makakasira lang ako kung sasama ako sa ngayon. Huminga siya ng malalim nang makita ang reaksyon ko.

"Uuwi rin ako kaagad. You know I have to leave but I'll come back here as soon as possible."

Hinaplos niya ang pisngi at ang labi ko. Napangisi siya nang mapatingin sa leeg ko.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now