Her Innocent Slave 34

90.1K 2.1K 96
                                    

(HIS) Chapter 34







Nanginginig ang mga kamay ko pagkalabas nila. I can't believe I pointed a gun at him. Sanay akong humawak ng baril pero paano kung aksidenteng nakalabit ko iyon?

Pumikit ako at nanghihina na napaupo sa kama pagkauwi. Sinabi ko kay daddy na ipasara pansamantala ang mga casino na wala sa hotel. Pumayag siya at hinayaan na akong magdesisyon sa ibang mga bagay na tungkol sa casino. What happened gave daddy confidence in me that I can manage his illegal casinos.

"Daddy…"

"Hm?"

"Pagkaalis ko ba papuntang Japan, nagpadala ka ng mga tauhan sa bahay nila Lucas?"

Natigil si daddy sa ambang pag-inom sa kape at naibaba ang binabasa niyang dyaryo. Nag-isip siya sandali bago tumingin sa akin.

"Hindi naman. Noong nagpunta ako na kasama ka, iyon lang ang natatandaan ko na nagpunta ako sa kanila."

"Hindi ikaw, Daddy, mga tauhan mo lang po. Nagpapunta ka ba ng mga tauhan sa bahay nila pagkalipad ko papuntang Japan?"

Mabilis siyang umiling at tuluyan na ibinigay ang buong atensyon sa akin.

"Hindi naman ako nagpadala ng mga tao sa kanila. Bakit?"

"Nakakasiguro ka ba na mapagkakatiwalaan ang mga tauhan mo, Daddy?"

Tumango siya at humigop sa mainit na kape bago ulit normal na nagsalita.

"Oo naman. Si Ate Riaca mo ang nagbigay ng ibang mga tauhan ko."

"Saan kinuha ni ate ang mga tauhan na pinadala niya sayo? Galing bang Japan?"

Binuksan niya ulit ang dyaryo. Yumuko siya. Sumagot siya sa akin habang nagbabasa sa isipan niya.

"Sa boyfriend ng ate mo. I didn't know where they came from or what their races were. I trust your sister about this."

Tauhan ng boyfriend ni ate? Natahimik ako. Dalawang beses ko pa lang nakita ang boyfriend ni ate. Hindi ko rin nakakausap at hanggang tinginan at tanguan lang kami.

"Did you usually talk to her boyfriend, Dad? Are you close with him?"

"Minsan lang," kibit balikat niya. "He's visiting here to chat while you're in Japan."

Habang tahimik akong nag-iisip, nagkatinginan kami ni Daddy. He asked me why I'm not eating kaya naman kaysa magpaligoy-ligoy, inamin ko na kay Daddy kung ano ang nangyari at nalaman ko kaya ako nagtatanong ngayon.

Ipinaalam ko kay daddy ang tungkol sa nagpunta na mga tauhan niya sa bahay nila Lucas. Hindi raw siya ang nag-utos. Naalerto lang siya nang binanggit ko na mayroon isang tauhan siya na nakilala ng mga magulang ni Lucas. Natahimik siya at napaisip. Matagal niya nang tauhan ang ilan sa mga tauhan namin. Kahit ako, hindi ko maisip kung sino sa kanila ang nagtraydor kay daddy. I never expect people who work below Dad can betray him.

"You're always spacing out! Forget what you were thinking for tonight! Let's dance and get wasted!"

Malamig ang gabi dahil tapos na ang summer. Kinatok ako ni Aina at sinabi na gusto niyang uminom sa labas. Na pinagbigyan ko. Kaya ngayon, nasa maingay kami na bar. Malikot ang mga ilaw at puno na ng tao kahit maaga pa. Ang mga bouncer ay nakaabang at nakatingin sa kumpol ng mga tao, naghihintay kung magkakaroon ng gulo. Hindi kami sa VIP seat naupo dahil lahat ay mayroon nang may-ari. Sa table lang kami na pang-apatan at mataas ang mga upuan na walang sandalan.

"Wooooh!" Si Aina sabay taas sa mga kamay.

Napangisi ako nang makita ang paglapag ng dalawang dosena ng iba't ibang kulay ng kamikaze shots sa lamesa namin. Napailing ako kay Aina nang humagikgik siya. Hindi ko alam na ganito karami ang in-order niya, at alam ko nang balak niyang agawin ang atensyon ng buong tao sa bar.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now