Her Innocent Slave 50

97.1K 2.6K 181
                                    

(HIS) Chapter 50






"Hello? Who's this?" Maarte na boses ni Rome ang una kong narinig.

Tumikhim ako at hindi nagsalita.

"Hello?" Tanong niya ulit.

"Rome,” bulong ko sa pangalan niya.

Kagaya noong una kaming mag-usap pagka-uwi ko galing sa Japan ang naging reaksyon niya. Natahimik siya at nasamid na para bang nabilaukan sa sariling laway. May narinig din akong nagkalaglag at mukhang mayroon siyang nabitawan. Hindi pa siya nagsalita. Narinig ko muna ang paglakad-takbo niya at ang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan.

"Lucienne? Buhay ka? Nasaan ka?” Umaalon ang boses niya at parang maiiyak. “Mula nang mawala ka hindi tumigil sa paghahanap sayo si Lucas! Nawalan ka ba ng alaala? Na-comatose? Bakit ngayon ka lang tumawag?”

Sunod-sunod ang tanong niya. Huminga ako ng malalim at idinetalye sa kanya ang nangyari at na hindi ito maaaring malaman ng iba dahil nasa panganib pa ang buhay ko. Ang alam daw talaga nila ay patay na ako dahil may nakapag-turo ng isang bahay sa probinsya at nakitang puro dugo ang hikaw ko na nasa tabi ng bangin. Si Lucas daw ang natira at patuloy lang sa paghahanap. Hindi raw naniniwala si Lucas na namatay ako hangga't walang pinapakita sa kanya na bangkay.

"Maging ang kaso mo na ibinintang sayo inaasikaso niya at pinapa-reinvestigate kahit pa marami ang nagsasabi sa kanya na wala na raw iyon patutunguhan kahit mapatunayan pa dahil patay ka na."

Nagpatuloy siya sa pag-iimbestiga at nalaman niya na hindi ko lang dugo ang mga nakuha malapit sa bangin. Nakita raw ang hikaw ko pero ang dugo… Bago ako tumalon ay nadaplisan ako ng bala kaya sigurado na mayroon akong dugo doon. Ang hikaw ko, maaaring nasabay sa pag-daplis ng bala sa akin ang pagkalaglag nito. Nabaril ko ang dalawa sa kanila at nasaksak ang dalawa pa. Kaya tama si Lucas na marami kaming may-ari sa dugo na nakuha.

Iyon daw ang iniimbestigahan ni Lucas. Hinahanap niya kung sino ang mga nagmamay-ari ng dugo bukod sa akin. Pinag-aralan niya rin ang mga cctv at nakita na iisa lang ang ayos ng pumatay kay daddy at dumukot sa akin. Alam ko na ang mga impormasyon na ito ngunit ang kaalaman na nabubunyag ito sa imbestigasyon nila ngayon kahit na wala ang testimonya ko’y malaki ang pag-asa ko at naniniwala ako na malayo ang patutunguhan ng imbestigasyon na ito.

"You have to talk to him and show yourself to him, Lucienne. Hindi na siya natutulog kakahanap sayo."

Kinagat ko ang labi ko at naalala ang huling kita namin. Pinagsabihan niya ako na manatili sa opisina niya pero hindi ako nakinig. Kung nakinig ako sa kanya at sinunod siya kahit itong isang beses lang, ‘di sana’y hindi ako nakuha ng mga tauhan ni Benjamin.

Pero sa huli ay naisip ko rin na kung hindi nang araw na iyon, maaaring sa ibang pagkakataon ay dukutin pa rin ako. Mas mabuti na ring naisipan nilang dukutin ako kaysa ipa-shoot to kill sa mismong kinatatayuan ko. Maaaring matagal na silang nagmamanman at hindi lang magawa ang plano dahil sa mga bodyguard na itinalaga ni Lucas para sa akin.

"Pupunta ako sa kanya ngayon para ibalita ito! Tatawagan kita mamaya kaya huwag mong papatayin ang telepono mo! Kapag binalita ko ito sa kanya at hindi mo masagot baka ako ang mapatay ni Lucas! Kaya hawakan mo lang ang phone mo at sagutin mo agad na bruha ka!"

Napangiti ako sa sinabi niya at sinunod ang payo niya na maghintay ako ng tawag. Ilang minuto ang nagdaan ay tumunog muli ang telepono ko.

"Nasaan ka?" Lucas' weak and hoarse voice was what I heard.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil nag-init ang mga mata ko pagkarinig sa boses niya. Nanginig ang labi ko. Maniniwala ang lahat pero hindi siya maniniwala na namatay ako. Kung may malalang nangyari at inabot ng ilang taon, alam ko na hindi siya titigil hanggang sa mahanap ako.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now