Her Innocent Slave 39

92.5K 2.4K 507
                                    

(HIS) Chapter 39





Katatapos ko pa lang maligo at hindi pa tuluyan na natutuyo ang buhok nang marinig ko ang tunog ng doorbell at sinabayan pa ng katok. Sa tuwing mayroon kumakatok ay nagiging alerto ako. Maging si Aina’y nasabihan ko na huwag basta-bastang magbubukas ng pinto. Kahit hindi alam ni ate at nang boyfriend niya kung nasaan ako ngayon, nag-iingat pa rin ako.

Sumilip ako sa peephole at agarang nakita ang malaking mukha ni Rome. Mukhang sinusubukan akong silipin mula sa loob. Tumayo siya nang maayos at maarte na nilantik ang braso na mayroong sukbit na shoulder bag. Nakatakong na sapatos at magarbong damit. Umirap ako sa hangin bago siya pinagbuksan ng pinto.

“Do fashion designers dress like that nowadays? Para kang rarampa sa fashion show palagi kung manamit.”

“Good morning!” Bati niya sa akin sa eksaheradang paraan. “Bumati ka muna bago ka tumalak, girl!”

Bineso niya ako at pagkatapos ay lumingon sa gilid niya. Nanulis ang nguso ko at nangunot ang noo. Humakbang ako ng isang beses palabas upang silipin ang binalingan niya. Halos mapigil ko ang aking paghinga nang bumulaga sa akin ang bulto ni Lucas. Tuwid ang tayo at diretso ang tingin na para bang nanigas at magseserbisyo sa military. Tinanggal niya sa akin ang kanyang mata at nilipat iyon kay Rome nang rumehistro sa aking mukha ang simangot.

“Anong ginagawa niyan dito?” Tanong ko kay Rome pagkatapos ko siyang muling harapin.

“Kailangan mo ng Attorney, ‘di ba?” Nilahad niya ang dalawang kamay paturo kay Lucas. “Surprise!”

“Iyan ang dinala mo? Anong alam niyan?”

“Maraming alam iyan, girl!”

Hinawakan ako ni Rome sa balikat. Inikot niya ako at sapilitang ipinasok sa loob ng bahay. Sinigawan niya si Lucas na sumunod papasok at na siya na rin ang magsara ng pinto.

“Akala ko ba masama ang loob niyan?” Reklamo ko. “Paano mo nadala dito?”

“Akala ko rin! Hindi naman pala! Kaya nga nag-oo agad nang tinanong ko, ‘di ba?” Pabulong iyon dahil pumasok na si Lucas.

“I told you I don’t need him—”

“You need him, girl!”

Malakas akong hinampas ni Rome sa balikat at walang ingat na itinulak palapit kay Lucas. Nanlaki ang mata ko sa gulat at malutong na nagmura. Pagkatingala ko, nagtama ang mata naming dalawa. Pinigilan kong suminghap. Tinagalan ko ang tingin at nakipaglaban ng titigan sa kanya. I hardly blinked my eyes because I didn't want to let him know that the color of his eyes were my weakness until now.

“If you need my service, I can do my job professionally. We won't have any problems because I detach my personal issues from work.”

Not only his body size changed but also his face and the way he spoke. He still has the same handsome face as before so I don't know how I can tell that something has changed. Is it his jaw? Hair? Eyes? Arms? Collarbone? Hindi ko ma-explain kung ano ang nagbago. May nakakaintimidang hangin sa paligid niya ngayon na wala noon sa kanya. It’s like I met a child version of him before and now I am facing his adult version.

"Nag-almusal na ba kayo, Rome?" Tanong ko habang na kay Lucas ang tingin.

Pairap kong inalis mula sa kanya ang mata. Naglakad ako patungong kusina at naglabas ng lulutuin na almusal. Nakakapagluto na ako kaya lang ay mga pinirito lang, boiled, or steam. I don't cook complicated foods and food with many ingredients.

"Tapos na. Kahit tea na lang." Si Rome. “Ikaw, Lucas? Anong gusto mo?”

“I already ate too. I’m fine with water.”

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Where stories live. Discover now