Her Innocent Slave 42

90K 2.1K 404
                                    

(HIS) Chapter 42




I was looking for clothes to wear when I realised that we were only going to meet in the parking lot. Kaysa maghagilap ng panlakad na damit, pantulog na lang ang hinablot ko at pinatungan iyon ng makapal na hoodie jacket. The sleepwear I wore is made of a purple satin shirt and shorts. This pair is my most decent sleepwear. My feet are covered with comfortable slippers too.

Naka-suksok sa magkabilang bulsa ng hoodie ang mga kamay ko nang lumabas ako ng unit. Ang mga bodyguards ay sinundan lang ako ng tingin. Sa palagay ko’y nasabihan na sila ni Lucas na magkikita kami sa parking lot kaya wala ni isa sa kanila ang nagtangkang pigilan ako.

Nakasandal ako sa dulo ng elevator habang hinihintay na tumigil iyon sa tamang floor. Pagkabukas ng pintuan ng elevator sa parking lot, nakaabang siya sa labas ng pintuan. Immediately, our eyes met. Binuhat ko ang aking katawan patayo. Hinarang niya ang kamay upang hindi agad magsara ang pinto.

Tinitigan niya ako habang humahakbang ako palabas sa elevator. Sa tuwing ganito na tinititigan niya ako habang puno ng intensidad ang mga mata, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Para bang gusto niya akong kausapin ngunit pinagkakasya na lang muna na tingnan lang ako.

“Nagkaproblema ba?” tanong ko pagkatapos ko siyang harapin pagkalabas ko sa elevator.

Naglakad siya papunta sa sasakyan na ilang hakbang lamang ang layo mula sa elevator. Sumunod ako. Tumigil siya sa front seat at pinagbuksan ako ng pinto.

“We have to talk.”

Sinulyapan ko ang upuan ng front seat at saka ko siya tiningnan. Hindi ako pumasok kaagad.

“About what?”

Natigilan siya.

“About…tungkol sa case, Lucienne…”

Tumango ako at pumasok na sa loob. Pagkasilid niya sa driver seat, hininaan niya ang aircon dahil kahit naka-hoodie ay naka-short lang ako. Pagkatapos gawin iyon, in-start niya ang sasakyan. Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako.

“Are we gonna leave the parking lot? Hindi ako nakapagpalit ng damit. Akala ko kasi sa parking lot lang tayo mag-uusap.”

Niyuko ko ang damit ko at inisip na hindi bagay ang suot ko kung saan man kami magpupunta. He looked at my clothes too. He got what my concern was.

"Whatever you wear it's alright. We’re not going to a fancy place. We're only going to my house. I want to show you something."

Naglikot ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. His house? What are we going to do there?

“Okay,” I sighed.

Hindi na ako ulit nagtanong at tiningnan na lang ang mga dinadaanan namin. Mga isang oras din siguro ang layo sa building na tinitirhan ko. Ipinasok niya ang sasakyan sa isang private subdivision. Tahimik at madilim na dahil gabi na nang magising ako.

Tumigil kami sa harapan ng mataas at malaki na gate. Hindi ito ang bahay ng mga magulang niya na pinuntahan namin ni daddy noon. Ginagala ko ang tingin sa paligid nang biglang bumukas ang gate at ipasok niya ang sasakyan sa loob.

"Bahay mo 'to?"

Tiningnan niya ako at saka siya tumango. Lumabas ako sa sasakyan niya at hinintay siya na maiparada ang sasakyan niya ng maayos. Tumakbo siya palapit sa akin at iginiya ako sa likod upang isama ako sa kanya papasok sa loob ng bahay. Napakagat ako sa loob ng aking ibabang labi. Kahit kasi makapal ang suot ko na hoodie jacket ay nararamdaman ko pa rin ang init ng palad niya roon.

Kapag ganitong wala akong suot na mataas na takong, kitang kita ang malaking pagkakaiba ng taas namin. Hindi na ako magtataka na binubuhat-buhat niya lang ako noon sa isla. Lalo na siguro ngayon dahil mas lumaki at tumigas ang katawan niya. Masuwerte ang mga babaeng naipaloob niya sa mga braso niya.

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon